Share lang ako ng experience with the unexplainable...
- Kinder palang ako nakakakita na ako, sa araneta extension ako nagaaral noon, nung minsang nag c.r ako may nakita akong babae sa salamin, di ko pinansin until nakita ko yung paa nya na nakalutang sa floor takbo akong palabas ng c.r at syempre bata ako no one believed me that time.. after nun, lumipat na ako sa main GAUF yung school then minsan nagkaroon ng activity ang sa extension clean up drive, grade 6 na ako nun nung may babaeng di ko kilala yung lumapit sa akin at nagsabi na ang laki ko na daw... di ko pinansin kasi di ko sya kilala, then paguwi ko bigla ko nalang naalala yung mukha nung babaeng nakita ko sa c.r noong bata pa ako...
-noong H.S ako, nag-aral ako sa school na na balita din na kalat ang mga mumu at sapi sapi... ang experience ko nun is yung mga namayapang guro nung paaralan nakikita ko pag may camping sa school.. yung old faculty na pinagawa ni cong. nung hinukay para sa new building puro kalansay sa ilalim... garrison daw pala yun ng hapon dati...
-College naman ako sa isang nursing school ako nagaral..kilala ito dahil makikita mo yung pangalan nya sa mga jeep... 2nd year college kami nung mga barkada ko, 5 kami sa loob ng classroom ng pharma ( nakikitambay kasi malamig dun kahit walang aircon) yung isang kabarkada ko nagsabi na di daw sya naniniwala sa mumu.. ayun may napapaniwala sa kanya at nagpakita sa amin... 2 parang anino ang nagpakita malapit sa pinto at blackboard kung san sya nakatayo.. di na namin alam pano kami nakababa nung classroom nung nakita yon...
- college parin, graduating na ako, inaantay ko si gf nun sa parking around 8pm, nakatambay ako sa loob ng oto ( volkswagen kaya aircool lang) bukas ang parehong bintana ko.. nakatapat ako sa building na kung tawagin ay FDT tapat nung istatwa na si Minerva, bigla akong may narinig na ugong di ko pinansin til may napansin akong dumaan sa sidemirror ko ( driver side lang meron ang vw) nakabend kasi yung upuan ko.. pag-angat ko di ko kinaya yung nakita ko.. mga image ng tao (mumu) nakapila sila from puno ng balete papasok sa chapel.. I ish you not pero iba yung feeling na yung di ako makapaniwala sa nakita ko, nasanay ako na isa o dalawa lang pero that time.. marami sila at umuugong...
- Nars na ako nito, ang setting sa Surgery ward sa Tondo Med Center, duty ako 10pm-6am.. 1st time dumuty volunteer palang ako nito.. dahil petiks naman ang duty nakikinig ako sa mp3 ko noon around 2am ng biglang may lumapit sa akin na babae na naka scrub suit... tinanong ang name ko, at yung experience ko sa hospital nila ( I assumed that time na head nurse sya, doing her rounds checking yung mga volunteers na gaya ko) I answered politely sa kanya, she smiled naman then naglakad na sya papalayo... bigla akong kinabahan kasi nahuli nya akong naka mp3 habang nakaduty, hahabulin ko na sana sya para magsorry pero wala na agad sya sa hallway.
Nagising yung kasama kong nurse noon, tinanong ako bakit di ako mapakali, sabi ko may Headnurse na dumaan chineck ako kung ano ang ginagawa ko, biglang nagising yung diwa nung kasama ko nung sinabi ko yun, di namin napagusapan ang nangyari until umaga na dumating na yung mga kapalitan namin, may nilabas syang picture at sinabi na ituro ko daw kung sino dun yung nakita ko..
kitang kita ko si ma'am nasa gitna naka makulay na scrub, maiksi buhok at nakasalamin... kinilabutan daw silang lahat kasi yung tinuro ko head nurse ng O.R, namatay a few months ago.. nilipat ako sa EENT nun ganun din wala man akong nakikita dinig na dinig ko naman yung kalampagan ng mga oxygen tank...
sanayan lang talaga siguro.... sana tama yung nashare ko