sinasamantala kasi ng Ch 2 ang mga katangahan ng tao eh, iniisip nila na makakatulong sila sa masa sa pamamagitan ng wowowee.... eh tayo namang mga pilipino nagpapaloko naman, tapatan ka ba naman ng mga artista tapos mananalo ka pa, eh saan ka pa???
Kung gusto talaga ng wowowee tumulong sa mga mahihirap, bat di sila tumulong sa paraang hindi na kelangan na maglaro??? pahihirapan mo pa ung tao eh, ang habol lang naman nila eh kumita rin mula sa mga sponsors nila....
at saka obvious naman na daya eh, wala ng kelangan pag usapan dun, daya talaga....
at wag na kayong umasa na me mangyayari sa imbestigasyon diyan, parang di niyo alam kung gaano kalaki ang impluwensiya ng mga Lopez sa gobyerno.... kunwari lang me imbestigasyon pero sa huli, mawawala din.... ano ba nangyari sa stampede??? wala naman eh, dahil sa lakas nila at impluwensiya, tinapalan na lang nila ng pera ang mga naulila para di na magsalita, eh kung wala nga namang reklamo eh di walang kaso..... ewan ko ba kung bat kapit pa rin sila ke willie, di ko alam kung ano ang nakita nila sa bastos at plastik na yan, na halos araw araw eh kelangan munang me dramang mangyayari bago ka makapaglaro, parang umaasa yung contestant na ma fefeature ung talambuhay niya sa maalaala mo kaya.....
Ako kahit kailan, di ako nanonood ng wowowee.... ewan ko baduy na baduy ako sa mga ganyang uri ng palabas.... me mga magaganda namang programs bukod sa kanila eh at me pakinabang pa....
Ewan ko, pero di na ata magigising ang mga pinoy...........