Sa'yo Lang
Magulo ang umpisa pero ngayon ay OK na
Mahirap ang sitwasyon, pero alam kong kaya
Mahal kita at alam kong mahal mo ako
Napakaswerte ko talaga sa'yo
Naghintay ng tamang panahon, ng tamang tyempo
Para ilahad ang tunay na nararamdaman sa'yo
Hindi ko akalaing ika'y magiging akin
Mahal na mahal mo'ko, kay sarap isipin
Pagmamahal sa'yo, buo kong ibubuhos
Atensyon at pag-aalaga hindi mauubos
Ikaw ang inspirasyon ko, at alam mo yan
Sa buhay, sa trabaho, at sa kinabukasan
Sa araw-araw ikaw ang iniisip
Korni man, pero pati narin sa panaginip
Wag kang magbabago, ganun din ako
Masaya ako ngayong OK na tayo
ilysm nang