KAIBIGAN KONG LANGGAM (unang Yugto)-orihinal na katha ni deosh_pilyo-Minsang isang hapong ako ay naglalakad
Na wala sa isip, ang diwa ay lipad
Pag-ibig na mithi at tunay na hangad
Naglaho’t nawala, binigo ng HITAD!
Nang sa kaginsa-ginsa’y, ako ay may narinig
Matining na boses na wari’y kayliit
Nang aking lingunin at hanaping pilit
Pobreng Langgam pala na walang kaniig
Pinilit isigaw ang gustong sambitin
“Kaibigan ako’y tulungan ang hilingâ€ÂÂÂSumagot akong
“Bakit, anong gustong turing?â€ÂÂÂPakiusap nya’y
“Doon, sana ako’y iyong dalhin.â€ÂÂÂAko ay napuspos ng awa at habag
Sapagkat nakita kong langgam ay sawing palad
Luhaan ang mata’t bagsak ang balikat
Puso ay punit-punit, damdamin ay sadyang wasak.
Sinikap kong kunin ang kaibigan kong langgam
Dinala sa aking palad, inalis sa karimlan
Humayo’t nagtungo sa tabi ng pampang
At doo’y sumambulat ang nararamdaman.
Habang mata’y hilam sa bukal ng luha
Singho’t hikbi nyang salaysay sa aki’y winika
“Ang langgam na irog na parang diwata
Pumanaw na lamang na bitbit ang dusaâ€ÂÂÂ.Tanong nya sa langit
“Bakit ako’y laging sawi?â€ÂÂÂ
“Binigyan mo nang kapiling, ngunit ito ay sandali.â€ÂÂÂ
“Mabuti pang ako na lang ang iyong pinili
At nang di ko maramdaman ang sakit ng pighati!â€ÂÂÂIbinulong ko na lang sa aking kaibigan
“Ikaw ay maswerte pa’t iyo itong naranasan.
Ang umibig at ibigin ng isang paraluman.
Kahit na isang saglit, ito’y isang kayamanan.â€ÂÂÂSa kanya’y di ko kayang sabihin ang tunay
Na hindi ko nakamtan ang pag-ibig na dalisay
Nanatiling nag-iisa sa aking buong buhay
Walang nagmamahal na handang dumamay!