Mayo 29, 1936, siya’y isinilang,
Barrio ng San Roque sa Baliwag Bulacan,
Sa gitna ng bukid ng maralitang angkan,
Kanyang mga magulang, Restituto, sa kanya’y ipinangalan.
Sa pagkabata, naging magsasaka,
Minsan pa nga, nagkukutsero siya,
Sa tiyaga at sipag at sa tulong ng magulang,
Nagsimulang mag-aral sa JV Ycasiano Memorial school lamang.
Hanggang sa hayskul, ay kinakitaan,
Ng likas na talino, hindi kamangmangan,
Sa tulong ng Diyos, Hayskul ay tinapos,
Iyon ang simula, buhay ay nai-ayos.
Dumating ang panahon, ay nakilala niya,
Kanyang naging asawa, kababata rin niya,
Ang ngala’y Elisea, siyang aming naging ina,
Hindi kalayuan, sa San Roque rin nakatira.
Nagsimulang magpamilya, sa Bustos Bulacan,
Nobyembre 12, 1966, si Kuya’y isinilang,
Ilang taon ang nagdaan, si Marteniko naman,
Sinundan ng tatlo, puro kalalakihan.
Aking ina, tawag nami’y Nanay,
Sa aming ama, tawag nami’y Papa, at hindi tatay,
Sa aking isip, ay may pagkalito, bakit hindi bagay,
“’Wag ka nang magtanong, ako ang may salaâ€ÂÂÂ, sabi ng panganay.
Limang anak na lalaki, kami’y itinaguyod ng aming Papa,
Kasama ang lingap at pag-aalaga, ng aming ina,
Alam kong hindi madali, para sa kanila,
Sipag at t’yaga, sandata ni Papa.
Istrikto si Papa, sa pagkakamali hahagupitin ka niya,
Sa aking pagbibinata, ako’y nahuli ng kanyang mga mata,
Humihitit ng sigarilyong kinupit ko sa kanya,
Alam mo ang ginawa? Suntok ang dumapo sa aking panga.
Minsan, ako’y kumupit sa kanyang pitaka,
Sandaang piso na ng panahong iyon ay malaking halaga,
Sa aming garahe, ako’y kinausap ng aming Papa,
Lalaki sa lalaki, hindi kaharap ang aking ina.
Anak, anak, bakit mo ginawa?
Kumupit ng salapi, ay hindi tama.
Sa bulsikot ni Tandang Jose, na iyong lolo,
Kailanman may hindi ako kumuha, kahit isang sinsilyo.
Nagdaan ang panahon, si Marteniko ay nakatapos,
Handog ni Papa ay kotse, dahil ako ay nakaraos,
Salamat Nanay, salamat Papa,
May bukod pa palang regalo, hindi lang diploma.
Ako ay niyakap, ng aking Papa,
Sa leeg ko’y isinabit, bulaklak ng Sampaguita,
Anak, anak sa pag-aaral ay nakatapos ka na,
Huwag mong kalilimutan, magpasalamat sa KANYA.
Sa pagdaan ng panahon, ako ay nahutok,
Tawag ng hanapbuhay, ako ay tumutok,
Parang ibon, ako ay lumipad,
Nahiwalay kay Papa at Nanay, sa aming pugad.
Sa aming tahanan, ako ay dumadalaw,
Si Papa at si Nanay, nawawala ang panglaw,
Kaming magkakapatid ay nakukumpleto,
Sasabihin ni Papa, nandito na naman, ang mga damuho.
Ako ay may dala, isang bagong sasakyan,
Medyo asensado, isang katibayan,
Natuwa si Nanay, gayundin si Papa,
Nanay, Papa, sumakay kayo, tayo’y papasada.
Umiling si Papa, hindi dahil ayaw niya,
Ang sabi niya “Hayaan mo anak sa ibang araw naâ€ÂÂÂ
“May kotse din naman ako, dala-dalawa pa.â€ÂÂÂ
“Alagaan mo anak, iya’y sa kumpanya.â€ÂÂÂ
Isang pagkakataon, si Papa, ay aking minasdan,
Hindi na siya ang dati, mayroon ng katandaan,
Ang gatla sa noo, ay parang ginuhitan,
Ang balat sa mga braso, ay nagluluwagan.
Naisip ko noong panahong siya ang hari,
Sa mga kaibigan, mahigpit ang hawak ng mga daliri,
Subalit ngayon, kung gumalaw ay unti-unti
Senyales ng pagtanda, buhok ay pumuputi.
Dumating ang dagok sa buhay ni Papa,
Pagreretiro sa trabaho, kailangan na niya,
Iyon ang utos ng may-ari ng kumpanya,
Walang magagawa, bumitiw si Papa.
Magmula noon, nawalan ng sigla,
Naging maiinitin, ang ulo ni Papa,
Laging napapagbalingan ang aming ina,
Mabuti’t si Nanay, mahaba ang pasensiya.
Dumating ang panahong si Papa, wala ng sigla,
“Buti pa noong ako’y malakas at bata paâ€ÂÂÂ
“Parang ang mga batang ‘yang naglalaro sa kalsadaâ€ÂÂÂ
Sabi daw ni Papa, kwento ng aking ina.
Huling araw ng Setyembre, noong isang taon,
May pag-aalala, sa boses ni Nanay, kausap ko sa Phone,
“Marteniko anak, Papa mo ay matamlayâ€ÂÂÂ
Kakausapin ko si Papa, ibigay mo ang phone, sa kanya aking Nanay.
“Papa, kumusta ka na? Sabi ni Nanay, ikaw ay matamlayâ€ÂÂÂ
“Maayos ako anak, nanlalata lang, gustong magpahingalayâ€ÂÂÂ
“Papa, dapat kayong kumunsulta sa doktor, sa aking palagayâ€ÂÂÂ
“Marteniko anak, hindi kailangan, Naririto ako, malakas at buhayâ€ÂÂÂ
Unang araw ng Oktubre, Nanay ko’y muli kong kausap,
Sinabi niyang si Papa, sa ospital ay tinanggap,
“Nanay, Nanay, ano’ng sakit ni Papa?â€ÂÂÂ
“Marteniko anak, Papa mo ay malala ang pulmonyaâ€ÂÂÂ
Oktubre a dos, dinalaw ko si Papa,
Inabutan ko siyang nakahiga sa kama,
Kayputla niya, nakapikit ang mga mata,
Kung iyong titingnan, gusto ng mamahinga.
Nang gabi ring iyon, lumalala ang kondisyon,
Sa payo ng doktor, dinala sa ICU room,
Si Marteniko, si Nanay, ang buong pamilya, nasa tabi ni Papa,
Hindi namin siya iniwan, hanggang mag-umaga.
Tumatagal, sa kanyang kondisyon, walang pagbabago,
Nagdesisyon akong, magbakasyon sa trabaho,
Nais kong samahan si Nanay, bantayan si Papa,
Araw at gabi, kami ni Nanay ay nasa tabi niya.
Hindi na nakakausap ang aming Papa,
Didilat, pipikit, parang walang nakikita,
Alam kong si Nanay ay nababahala na,
Nanay ko Nanay ko, huwag mawawalan, tayo ng pag-asa.
Dalawang linggong bakasyon ko, kaytuling lumipas,
Kinakailangang ako ay lumikas,
“Marteniko anak, sa iyong trabaho ay mag-report ka munaâ€ÂÂÂ
“Kami munang bahala.†sabi ng aking maunawaing ina.
Bago ako umalis, hinawakan ko ang kamay ni Papa,
Sa kanya’y ibinulong ko, “Magpagaling ka aking ama.â€ÂÂÂ
“Sa aking pagbabalik, sana’y magaling ka na,
At kung papalarin, sa bahay na tayo magkitaâ€ÂÂÂ.
Sa kapilya ng ospital, ako ay dumaan,
Lumuhod sa Diyos, sa kanyang harapan,
Luha ko’y papatak, aking pinigil, ako’y pumikit,
Si Papa, sa aking Diyos, pinagbilin kong mahigpit.
Diyos ko sa lahat ng laban ng aking buhay,
Kailanman ako’y di mo pinabayaang tunay,
Si Papa, aking AMA, aking ipinagkakatiwala sa’yong mga kamay,
Kung ano man ang IYONG pasya, tanggap naming matiwasay.
Ako ay nagbalik sa aking trabaho,
Aking iniwan, si Papa at Nanay, mga magulang ko,
Pag-aalala ay di mawaglit sa magulo kong isipan,
Subalit ipinaubaya ko sa Diyos, walang alinlangan.
Nobyembre 2, 2004, tumawag si Nanay,
“Marteniko anak bumalik ka dito, ngayon di’y maglakbay!â€ÂÂÂ
“Bakit Nanay, kumusta si Papa, ano ang lagay?â€ÂÂÂ
“Dalangin ko anak, ikaw at mga kapatid mo, abutan siya ng buhayâ€ÂÂÂ
Sa aking trabaho ako ay umalis alas dos ng hapon,
Ako ay nagdumali, ninais maging isang ibon,
Dalawang daang milya, ang layo ko sa kanila,
Tinawagan ko si Nanay para siya’y kumalma.
“Nanay, nanay, dadating ako.â€ÂÂÂ
“Anuman ang mangyari, ipinapangako ko.â€ÂÂÂ
“Nanay, Nanay, si Papa ay ating ipaubaya.â€ÂÂÂ
“Kay KRISTO HESUS na puno ng biyaya.â€ÂÂÂ
Alas Dose ng gabi, sa ospital ako ay dumating,
Mga kamag-anak namin, sa akin ay nakatingin,
“Kumusta si Papa?†Tanong ko sa kanila,
Sumagot ang pinsan ko, payapa na si Papa.
Tumulo ang aking luha, lakas ko’y nawala,
“Nasaan si Nanay?†Tanong ko sa kanila,
Pagkuway, lumabas si Nanay puno ng luha,
Durog ang dibdib ko, hindi ko pinahalata.
Nakita ko si Papa, balot ng kumot,
Tinanggal ko ang takip, sa mukha ay nakabalot,
Maputla si Papa, wala ng buhay,
Niyakap ko siya, hinalikan sa noo, sa taas ng kilay.
Papa, Papa, ‘wag kang mag-alala,
Pagkukulang ko sayo, pupunan ko kay Ina,
Ikaw ay pumayapa, at magpahinga,
Ang Panginoong HESUS, hinihintay ka na niya.
Mabuting tao ang aking Papa,
Higit kong nakita, araw ng libing niya,
Sa dami ng tao, puno ang kalsada,
Kalahating kilometro, ang haba ng pila.
Mayo 29, nang taong kasalukuyan,
Naalala ko si Papa, kanyang kaarawan,
Tinanong ko si Nanay, nagparamdam ba si Papa?
Oo anak ko, isang paruparo, ngayon ang iyong ama.
“Siya’y dumapo, sa aking kamaoâ€ÂÂÂ
“Payapa’t maligaya siya, damang-dama koâ€ÂÂÂ
Kwento nang aking Nanay, boses ay nanginginig,
Kalungkuta’t tuwa sa aking narinig.
Kulay tsokolate, ang paruparo,
Sa aming bunso, madalas ay dumapo,
“Nanay, Nanay, nandito si Papaâ€ÂÂÂ
Sabi ni bunso, paboritong anak ng aming ama.
Bakit sa aki’y hindi nagpaparamdam?
Si Marteniko ba ay may pagkukulang, na hindi ko alam?
Napag-isip-isip ko, ako ay matatag na,
Ngunit ang bunso namin, talagang bata pa.
Oktubre 31, 2005, ang petsa ngayon,
Wala na si Papa, mag-iisang taon,
Payapa’t maligaya sa piling ng Panginoon,
Hiling ko lamang, gusto ko siyang madama, sana ay ngayon.
Paruparo, paruparo, sa akin ay magpakita,
Naniniwala ako, ikaw ang aking Papa,
Kailanman si Marteniko, di nasabing mahal ka,
Ngunit ngayon Papa, sasabihin kong mahal kita.
Oktubre 31, 2005