sakin lng ha, oras na para mag palita tayo ng constitution.
[introduction]nung ginawa yung 1987 constitution, nasa isipan ng lahat ng pilipino ang hirap at sakit na dinanas natin sa isang diktador. sa panahon ngayon, alam na natin na malaki magagawa ng people power, konting mali lng ng mga nakaupo sa gobyerno ay nalalaman at nakakapag bigay na agad tayo ng reaksyon.
ang sa akin lng ay, masyado na naging maluwag yung constitution natin. napaka pangit na ng media content sa pilipinas. masyado na inaabuso ang freedom of expression. kahit ang multi party system dito ay naabuso na at nakikita naman natin ngayon ang pabagobago ng mga balimbing sa pulitika.
wala din ako nakikitang idinulot na maganda ang paggawa ng partylist system, at naging daan lng para ma ilagay sa pwesto ang mga prominenteng tao.
[end of writer's introduction]sa gagawing bagong constitution, parliamentary system ang ipapalit sa presidential - bicameral system na ginagamit ngayon.
Sa presidential system - presidente ang namumuno, kung may nagawang mali at gustong patalsikin ang presidente maaari lng ito mangyari kung sya ay mamatay (Death), mag resign (resignation from office), magkaroon ng permanenteng kapansanan (permanent disability) o matangal sa pwesto (removal from office).
*
see Article VII, Executive Department Sec 7 - 8*
ang pagkatanggal sa pwesto (removal from office) naririto ang basihan.
Article XI ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICERS
Section 2. The President, the Vice-President, the Members of the Supreme Court, the Members of the Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be removed from office on impeachment for, and conviction of, culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust. All other public officers and employees may be removed from office as provided by law, but not by impeachment.sa Kongeso natin, kailangan dumaan sa mababang kapulungan (House of Representatives) at Senado (Senate) ang isang batas para lng mapatupad ito.
Sa sitwasyon ngayon na kung saan nagtatalo ang Senado at Kongreso, at kung mas marami ang Administration sa Senado at kokonti sa Kongreso (or vice versa), mauudlot ang pagpapasa ng mga batas na magiging dahilan sa pagbagal ng ating pag unlad.
Sa Parliamentary system na ipapakilala sa ating bansa, Punong ministro ang mamumuno. mangagaling sya sa boto ng mga kasamahan nya sa parliamento. at maari din matanggal kung mawalan na sila ng kumpiyansa dito. (Vote of No Confidence). Hindi na kailangan ng Impeachment Trial na inaabot ng ilang buwan or taon.
Dito na rin pag uusapan ang mga batas na ipapasa. mas mabilis ang proseso para sa mas mabilis na pag unlad.
alam ko na marami ang di sumasang-ayon sa akin, pero lahat naman tayo ay pinoy at may karapatan na sabihin ang gusto nya. Sana lng ay kung ano man mangyari, mabago man o hindi, Maging Maunlad na sa tayo at makabawi na ang bansa natin sa pagkakalugmok sa kahirapan.
note:
di ko na proof read ito kaya't pag pa sensyahan nyo na kung may maling spelling or grammar