you know what guys? napaka proud ko na may mga pinoy pa rin na tulad niyo, yung marunong mag analyze ng pangyayari. ang tagal ko na rin nasasa isip yan. heto mga puntos ko. at sana, kung may mga opposition man o anu pa mang salungat sa gobyerno ngayon, mabasa nila itong mga post natin.
1. ang simbahan hindi dapat makialam sa mga gawain ng gobyerno. lalo lang kasi nilang pinalalala. i mean, lahat naman ng bagay kapag dinaan mo na sa impluwensiyang spiritual wala nang mangyayari. ginagawa nila is brainwash ang mga tao, oo nga naman, simabahan sila, minsan dinadawit na ang pangalan ng Diyos.
2. si trillanes, nakakulong yan, in the first place di siya dapat pweding humabol bilang anu pa man. at isa pa, yung pag walk-out niya na ginawa is parang palusot na pagtakas. sinamahan pa ng lim. imagine? yun ba ang dapat maging modelo? at ano ang ginagawa ni guingona dun? balak ba niya na kung sakali man magtagumpay yun eh siya ang iuupo?
3. sabi nila panawagan daw ng taong bayan yung ginawa nila? sinong taong bayan ba ang tinutukoy nila? baka naman sila sila lang.
4. sa mga media, hindi overkill yun. ang fact is that sobra na ang abuso ng media sa kanilang rights. to think na pinaaalis sila dun eh ayaw umalis tapos kapag nagkahulihan na saka nagcocomplain. mga bobo ba sila? natural nasa vicinity ka at sumama ka dun sa paglakad. bakit yung iba, nung pinaalis sila, umalis naman. alam natin na trabaho nila yun, pero kung sakali man na may nangyari sa kanila, sino ang sisisihin, ang gobyerno pa rin di ba? sila ang unfair lalo na sa pagbabalita.
5. sa mga oposition, mula ba nang maluklok sila may maganda na ba nangyari? ang naririnig ko lang sa kanila mula nun eh puro plano ng impeachment o ano. di natin sila binoto para magpabagsak ng gobyerno. binoto natin sila para makatulong. after all, mga pera din naman natin ang pinambabayad natin sa kanila.
sana wag tayo basta basta sumuporta sa mga taong nagsasabi na kailangan natin ng pagbabago. ilang dekada na ang lumipas, yan lagi ang hinahangad natin, pero ang mahirap itinuturo natin sa iba kung sino ang dapat baguhin, hindi sa sarili.