Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Beware Terminal 1 Parking lot. Buhat Maleta.  (Read 9732 times)

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Beware Terminal 1 Parking lot. Buhat Maleta.
« on: November 28, 2013, 08:31:13 pm »

Babala po sa mga OFW balikbayan at mga turista na pupunta dito sa pilipinas.

May sindikato po sa loob ng parking lot ng NAIA terminal 1 sa parking lot malapit sa Arrival. May mga nakaputing damit at pants na nagpapanggap na empleyado ng NAIA.

Ang modus nila ay abangan ang mga bagong dating sa may parking at biglang tutulungan ang bagong dating sa pagtutulak ng baggage cart.

Pagkatapos tumulong ay pipilitin ka niyang hingan ng pera. Hindi sila aalis gang wala kang inaabot na pera. Ang nakakadismaya pa dito ay kasabwat ang mga airport pulis bilang protektor nila.


Nasaksihan ko sakin harapan ng abutan ng pera non 1 lalaki ang pulis at pagkatapos bilangin ng pulis ang natanggap niya e bigla ng umalis. Mas talamak po ang ganitong gawain nila sa gabi.

Ipagbigay alam po sana natin sa mga kinauukulan para matigil na ang ganitong gawain. Kakahiya sa mga balikbayan at turista na gusto umuwi o pumunta dito sating bansa.


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153524122165596&set=a.10150578277705596.666627.372281020595&type=1


two months ago, na experience ko mismo to, two guys bigla na lang binuhat yung maleta namin pataas sa trunk ng oto eh kaya ko naman gawin yun, binigyan ko na lang twenty pesos. pero sa totoo lang nakaktakot sila. bigla na lang sila sumsulpot. next time videohan ko to. 
::investigate

zendo

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 13
  • Karma 0
Re: Beware Terminal 1 Parking lot. Buhat Maleta.
« Reply #1 on: November 29, 2013, 12:20:26 am »
sugapa pa mga eto gusto pa malaki ung ibigay sa kanila.

meteor freak

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 918
  • Karma 46
  • Gender: Male
  • "Live free" ('5')
Re: Beware Terminal 1 Parking lot. Buhat Maleta.
« Reply #2 on: November 29, 2013, 04:04:24 am »
Hindi nawawala ang mga ganyan dyan sa parking lot, lagi nangyayari sakin yan tuwing uuwi ako yung iba may dala pa sampaguita kunwari nagtitinda tapos tutulong sa pagbubuhat kahit kaya mo naman buhatin ang bagahe mo tapos manghihingi kahit daw magkano, dollar o riyal o kahit na anong currency, kaya mas mabuti pa maghanda ka na lagi ng barya o kahit bente pesos. Mas best pa siguro kung dun nalang kayo sa paglabas ng front door sumakay pwede naman yata magsakay dun kahit madami kayong dala huwag na dun sa parking area paikotin nyo nalang yung sundo nyo pagnakalagpas na kayo sa disembarking area mas safe pa siguro kung hindi na kayo pupunta sa parking area.
Life is not about the people who act true to your face,

It's about the people who remain true behind your back.