Di po ako fan ng kasalukuyang administrasyon at lalong di ako fan ni Kris....pero yung sinasabi mo ay nagpapakita lang na walang paghimay at walang pangalandakang pag luluwalhati sa pagiging megalomaniac ng mga marcoses....alam mo ba kung magkano ang naging pakinabang nito sa mga Marcos ng ginawa ito?? ilang buhay ang nasakripisyo ng ginawa ito?? at ilang milyong dolyar ang nakalaan dito ngunit di naman nailagay dito?? Yang mga iyan ay mga tinatawag na mga 'white elephant' na sa katunayan ay walang silbi sa taong bayan!! Kung ito ay naging 'center of excellence' dito sa south-east asia lalo na yang mga walang kabuluhang medical centers na yan ay isa ako sa mga papalakpak dyan...Ang mga proyektong ito ay daan para sa korapsyon...at ang mga nakinabang dyan ay ang pamilya marcos at kanilang mga krony...At yung sinasabi mong walang senador at gobernador na korapt....hinihingi ko na pag aralan mo bago mo sabihin yan...sa panahon ni Marcos ang may pinaka korapt ang mga politiko....at walang sirkos nung panahon nya dahil mga ka alyado nya lang ang pwedeng manalo....tungkol sa Nuclear plant....naisip mo ba kung anu ang mangyayari kung natuloy ito? ang pagpatayo ng Bataan nukleyar ay puno ng korapsyon....sub-standard ika nga...isipin mo kung nagkaroon ng aksidente dyan....mismong mga eksperto na pinag aralan yan ay nag rekomenda na di dapat i operate yan....yung mga tulay .... mga expressways mga generators...kailangan nila yan para sa kanilang negosyo...iisipin mo kung saan yan nakalagay at bakit doon? Gaya ng sabi ko ...kailangan ng kritikal na pag himay sa rehimeng Marcos....at wag kailanmang asamin na ibalik ang martial law....ikaw rin....baka luluha ka ng dugo....di mo na ma eenjoy ang espiya.net!!!!
hindi ko sinabi panatiko ako ng Marcos , pero kung tutuusin sa isang damukal na tao iisa lang ang sinasabi nila tungkol sa Marcos Regime which is Martial Law hindi ako nabuhay noong panahon ni Mr. at Mrs. Marcos pero wag nating gawing one sided ang utak natin aminado naman ang lahat maganda ang pamumuno ni Macoy at naging makasarili sila sa kapangyarihanng mga panahon na yun
pero aminin nyo rin na malaki talaga ang mga nabago niya sa pamumuno nya at walang ibang kayang pumantay ng mga ginawa nya para sa ikabubuti ng bansa , hindi ko rin naman sinabi na ibalik natin ang Martial Law pero sa panahon ngayon sa tingin mo ba ligtas ka habang nag lalakad ka? hindi ka ba nangangamba na walang holdaper , rapist ang dadamba sayo o sa isa sa mga kapamilya mo? makakatulog ka ba ng maayos sa gabi na hindi mo iniisip na baka pasukin ka ng akyat bahay?
kapag naka sakay ka ba sa pang publikong sasakyan hindi ka ba titingin-tingin sa paligid mo kung may dudukot sa bulsa mo?
at sigurado wala karing mapapanood sa TV na Pulis mismo ang adik o tulak ng droga sa isang lungsod or barangay
at sa BNPP ang sabi ko "kung natuloy" it means kung walang bahid na mali, alam ko sub-standard ito , after years or months ata matapos itayo to ngyari ang Chernobyl sa Russia , ang akin lang posibleng mangyari "kung natuloy"
kahit naman naging 20 years ang pamumuno ni Macoy sa Pinas aminin din natin na naging maayos ito , sasabihin nyo na Batas Militar ang panahon nya at di na dapat mangyari yun , para sa akin nagawa nya yun dahil nakita nya na kaya pa nya palaguin ang Pinas