Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Business and Economics => : Adonai May 05, 2015, 11:49:25 PM

: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 05, 2015, 11:49:25 PM
100-150k ang puhunan.

balak ko sana mag loan between september-december 2015.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: edcbabe May 06, 2015, 03:59:12 AM
Pili ka dito:  https://www.facebook.com/groups/yourfinancialfreedomph/

 toast::
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: weng151515 May 06, 2015, 06:01:40 AM
bos smart padala at G cash...pwsto ka sa marami trabahador....mas malaki pa tubo 5,6....
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 06, 2015, 06:04:25 AM
@weng151515151

thanks dito. mukhang okay nga ito. salamat ha.

napag iisipan ko rin sana siomai.

kaso mo 250-280k ang franchise eh. siomai house at master siomai yan.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: naruto789544 May 06, 2015, 10:33:52 AM
saturated na ang market with siomai... i think of miss weng is excellent... you just really need a good location... wala kasing utang sa ganung business...
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: -=Kurabo=- May 06, 2015, 11:00:10 PM
kung ang negosyo mo pagkain, kailangan mo location at kung pautang naman check mo yung applicable ba yung area na pagtatayuan mo.. dami kasi ako nakitang nagsasarado ngayon kasi parang hindi man lang nagfeasibility study, check mo rin ang competition kasi for example nagsiomai ka tapos napalibutan ka ng puro siomai din with extra pa, yari negosyo mo
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 06, 2015, 11:58:34 PM
Thanks sa mga inputs.

Ang iniisip ko pa mag COL Financial na lang ako. Mukhang okay dito. Ups and down sa market lang aabangan dito. Well, the basic. I learned from GTA V. LMAO!
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: nivek_nayr May 07, 2015, 10:12:31 AM
buy and sell ng kotse ok para sa akin
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: leightot May 07, 2015, 10:40:02 AM
magandang business ngayon is kung ano ang basic necessity yet hindi pa available sa community nyo.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 07, 2015, 09:36:22 PM
buy and sell ng kotse ok para sa akin

di ako marunong tumingin ng kotse eh. tsaka di rin ako marunong mag drive.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: -=Kurabo=- May 09, 2015, 01:53:30 AM
buy and sell ng kotse ok para sa akin

diyan yumaman yung isang TL ko, maliit lang naman sweldo niya pero bawi bawi siya dito
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: wildgang_10 May 09, 2015, 07:01:40 AM
diyan yumaman yung isang TL ko, maliit lang naman sweldo niya pero bawi bawi siya dito

buy and sell ng car vehicles depende rin iyan sa individual it may work for some...

kung wala kang previous experience about cars or selling cars mahirap din, ang mga kotse malaki and depreciation every year may bagong modelo na lumalabas..

kaya kung nakabili ka ng vehicle need mo rin ma ibenta kaagad para hinde mag tagal sa iyo.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: nivek_nayr May 09, 2015, 08:36:54 AM
kahit isang unit lng ng kotse kahit old model sa palagay na nabili mo sya ng mura then gastos ka lng ng konti sa restoration maibebenta mo parin sya at kikita ka pa rin.. then so on., yun nga lang dapat marunong kang tumingin ng kotse at mag drive
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: k**yas_nyo_nga May 09, 2015, 09:12:59 AM
Thanks sa mga inputs.

Ang iniisip ko pa mag COL Financial na lang ako. Mukhang okay dito. Ups and down sa market lang aabangan dito. Well, the basic. I learned from GTA V. LMAO!

for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 10, 2015, 12:35:32 AM
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..

wtheck. grabe naman 2 year na yet wala ka pa ring kinikita? dun ka ba sa 25k or 5k?
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: edcbabe May 10, 2015, 01:50:17 AM
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..

ano ba mga kinuha mong stocks?
better switch to blue chips na may dividend toast::
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 10, 2015, 02:44:08 AM
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..

Seryoso? Mag 2yrs na din ako sa COL next month.. Naglalaro na sa 30% yung gains ng porfolio ko.. Ano bang stocks ang binili mo at nalugi ka?

Para sakin ok ang stock market.. Kung wala ka din naman ma-isip na pag gamitan ng pera, much better na iinvest mo nalang sa stocks kesa patulugin mo sa banko. Pero wag ka din masyadong umasa na yayaman ka or kikita ka ng malaki sa stocks within a short period.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 10, 2015, 03:12:52 AM
magkano puhunan nyo sa COL? madali lang ba intindihin hindi ba masyadong komplikado? kung mag stocks ako magkano kaya muna ang gagawin kong capital?
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 10, 2015, 03:55:36 AM
magkano puhunan nyo sa COL? madali lang ba intindihin hindi ba masyadong komplikado? kung mag stocks ako magkano kaya muna ang gagawin kong capital?

ang initial investment sa COL is 5k para makapag open ka ng account. Tapos bahala ka na kung magkano gusto mo ilagay/idagdag. Ang kailangan mo lang intindihin ay kung papano mag basa ng charts. Hindi nmn masyado complicado. Tska meron din pinupublish na technical at investment guides ang COL..
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 10, 2015, 08:28:56 AM
ang initial investment sa COL is 5k para makapag open ka ng account. Tapos bahala ka na kung magkano gusto mo ilagay/idagdag. Ang kailangan mo lang intindihin ay kung papano mag basa ng charts. Hindi nmn masyado complicado. Tska meron din pinupublish na technical at investment guides ang COL..

balak ko sana yung 25k eh. di ba may 5k/25k/1m?
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 10, 2015, 09:31:21 AM
balak ko sana yung 25k eh. di ba may 5k/25k/1m?

ang pinagkaiba lang ng 25k sa 5k meron ka live updates directly from the stock market so pwede mo imonitor bawat galaw sa presyo ng stocks na napili mo in real-time.. yung 1m naman meron atang agent/adviser na iaasign sayo. Not sure kasi malayong malayo naman sa 1m yung investments ko. Haha..

ok na yung 25k as starting. Tska ka nalang mag dagdag pag medyo gamay mo na at comportable ka na sa galaw ng stock market..
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 10, 2015, 10:35:34 PM
@tigerwing

di ba sinabi mo kumita ka na ng 30% sa loob ng 2 taon? na withdraw mo na ba yung kita mo or nagagamit mo na ba yung kita mo? kung starting lang din, di ba dapat 5k muna ako rather than 25k?
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 11, 2015, 06:35:40 AM
@tigerwing

di ba sinabi mo kumita ka na ng 30% sa loob ng 2 taon? na withdraw mo na ba yung kita mo or nagagamit mo na ba yung kita mo? kung starting lang din, di ba dapat 5k muna ako rather than 25k?

Hindi pa ako nag wi-withraw. I don't usually sell my stocks unless I really have to. And if ever nga na mag benta ako, binabalik ko lang din dahil bumibili naman ako ng ibang stocks. Stock Market "Investor" ako hindi "trader". If your asking kung nagamit ko na yung kinita ko then my short answer is yes. Nagamit ko na sya by re-investing it, which in turn will lead to more gains..

Bakit Hindi 5k lang muna? well nasasayo namn yun. kung gusto mo na 5k lang muna ilagay mo pwede naman.. Pero para sakin masyado kasi maliit yung 5k. limited lang ang stocks na mabibili mo dun. Baka isa or dalawang companya lng ang mabili mo. May mga stocks din na hindi mo mabibili sa halagang 5k. Merong tinatawag na minimum board lot. Ito yung minimum numbers of stock na pwede mo bilhin sa bawat companya na mapili mo.. For example ang Ayala Corp. minimum nun ay 10. So at 804.50 pesos per share kung gusto mo bumili ng ayala kailangan mo ng more than 8k. Gusto mo ng PLDT? 2,832 pesos per share with minimum board lot of 5 so kailangan mo ng 14k plus..

Atleast sa 25k pwede ka bumili ng ibat-ibang stocks para maging diversified din yung porfolio mo and you have more room to learn..
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: naruto789544 May 11, 2015, 10:31:11 AM
maganda ang stocks if you know how to play the market... dapat kasi marunong ka tumingin at pumili ng magandang i buy... kung gusto mo kumita na malaki dapat doon sa mga lesser companies which you think will gain big... sa mga malalaki kasi sure naman ang gain but very minimal nga lang talaga ang kikitahin mo...
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: chikki_kun May 11, 2015, 08:57:44 PM

Hmmm ... aba aba aba ... mukhang maganda tong COL Financial ah kaso nasa Cebu area ako (I visited their website Manila Area lang sila), hirap pag walang real person na kausap pag ganito.
Isa pa wala ako knowledge sa mga stocks-stocks na yan ... baka ma "Thank you" ang investment ko sa kaka mali nang pag handle .  :( .

Question:
1. May online tutorial po ba sila or kayo? Yung mga pang basic knowledge lang?
2. Yung 5k ba na investment ang ibig sabihin ninyo ay 5k/month? or 5k/year? ... (sorry newbie here  ;D) .

toast:: All the best!!  toast::
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 12, 2015, 02:33:35 AM
Guys eto nalang. Bago nyo pag isipan kung san maganda mag invest, itanong nyo muna sa sarili nyo kung ano bang plano nyo. Ano bang gusto mo mangyari? Gaano katagal ang time horizon mo? Anong kaya at hindi mo kayang gawin? Pag nasagot nyo na yun madali na humanap ng mapag lalagyan ng pera na aangkop sa gusto mo.

Kung gusto nyo tlga kumita ng malaki or yung tipong pang kabuhayan talaga ang hanap. Mas maigi na mag negosyo kayo ng sarili nyo oh kaya mag franchise. Kung anung negosyo ang maganda syempre depende sa lugar at syempre sa kakayahan at hilig mo din. Wag ka papasok sa negosyong wala ka namang kaalam-alam.

Kung gusto nyo lang ng mapaparadahan ng pera. Yung kahit papano kikita at hindi tatalunin ng inflation then dyan papasok ang stock market,  mutal funds etc.. Ang tanong naman eh gano mo katagal plano iparada yung pera mo? Anung risk tolerance mo? Gusto mo ba ng malaki laki ang kita pero pwede ka din malugi or gusto mo yung safe yung pera mo kahit maliit lang kitain basta meron? Stock Market ang may pinaka malaking retuns pero pwede ka malugi. Also kung ikaw mismo ang mag hhandle ng stock porfolio mo (like sa COL) dapat may oras ka na pwedeng ilaan dun araw araw at kahit papano may alam ka din sa stocks. Kung busy kayo, walang oras or ayaw nyo na problemahin yung mga technical na bagay, sa mutual funds kayo mag invest...

: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: markakol May 12, 2015, 05:15:21 AM

ang mutual fund ba yan ung nakikita ko sa tv na UITF. may risk din ba pag linagay ko pera ko sir?
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 12, 2015, 09:08:55 AM
ang mutual fund ba yan ung nakikita ko sa tv na UITF. may risk din ba pag linagay ko pera ko sir?

Mutual Funds and UITF's are almost the same except for some technicalities which, I believe, is better explained by a professional financial adviser.  ;D ;D ;D

In every investment there is always risks. Hindi mo maiiwasan yun. Even sa mutual fund or UITF, kung yung fund na pinili mo is an equity fund meaning invested sya sa stock market, then you assume the risks of the stock market. Ang safety mo lang dun is that pag sa mutual fund ka naglagay ng pera, your money will be manage by professionals who actually know what they are doing. Unlike pag ikaw mismo ang pumasok sa stock market tapos hindi mo naman alam kung anong ginagawa mo.

Stocks or "equity" ang pinaka mataas ang risk pero pinakamalaki rin ang returns. Kung gusto mo relatively safe, sa "Bonds" ka mag invest pero maliit nga lang ang kita tska usually matagal ang holding period. Meron din namang tinatawag na "balance fund" where in kalahati invested sa high risk investments like equities then yung kalahati sa bonds so the risk is mitigated. 

: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 13, 2015, 04:27:13 AM
I would like to invest in Stocks. Meron na kasi akong mutual funds/insurance via PhilAm Life na every quarter kong hinuhulugan 6k so that's 24k annually. Nasa stocks or equity ka di ba tiger? Midterm lang ito kumbaga emergency fund since yung long term ko is yung sa PhilAm Life ko.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: tigerwing May 13, 2015, 07:43:18 AM
I would like to invest in Stocks. Meron na kasi akong mutual funds/insurance via PhilAm Life na every quarter kong hinuhulugan 6k so that's 24k annually. Nasa stocks or equity ka di ba tiger? Midterm lang ito kumbaga emergency fund since yung long term ko is yung sa PhilAm Life ko.

Then go get your stocks  ;) ;)

Advice ko lng sayo sa simula stay with blue chip stocks. Yes, hindi ganoon kabilis tumaas ang presyo pero malamang hindi ka din naman malulugi in the long run. Pag marunong ka na bumasa ng charts at may confidence ka na mag predict ng trends then tska ka na sumugal sa mga lesser companies or dun sa mga IPO.. Ako nasa 80% ng investment ko ay blue chips. 20% or so naman yung pinag lalaruan ko.
: Re: Anong business maganda sa panahon ngayon?
: Adonai May 13, 2015, 09:42:21 PM
maraming salamat el tigre. kano sa tingin mo ang capital ko? balak ko 30-50k.

bili ka diablo 3 sa ps4. wahahahaha!