Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Art and Literature => : kenji321 November 23, 2014, 10:36:23 AM

: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: kenji321 November 23, 2014, 10:36:23 AM
Mga ka espiya, meron din bang mga ebooks sa mga local na libro? Yung mga bob ong, ramon bautista, noreen capili, pugad baboy, wattpad stories, atbp? Kung meron saang site kaya pwedeng mag download nito? Thank you
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: bigbanggoo November 23, 2014, 02:15:17 PM
Bilhin mo na lang tulong mo na sa mga pinoy author mura lang naman mga yan.
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: Idiot November 23, 2014, 06:28:20 PM
bilhin mo na lang

ang mura mura ng mga yan minsan may bargain pa nga

pero yung sa wattpad mababasa mo online yung mga nagawang movie na tinatanggal na sa wattpad
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: ruthless November 23, 2014, 07:23:20 PM
Hindi gaanong kumikita ang local authors natin sa book sales lang. Lalo nang wala kung pipiratahin lang. Kaya mabuting bilhin na lang ang mga libro nila, brad. Tulong na din para mas marami pang ma-engganyong magsulat at maglimbag. :)
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: hangos November 23, 2014, 09:35:28 PM
Meron TS, eto ang link

http://www.buqo.ph/


 ;)
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: kenji321 November 23, 2014, 11:11:37 PM
Meron TS, eto ang link

http://www.buqo.ph/


 ;)

Thanks a lot bro. Ganito ang hinahanap ko. La kase akong makita sa amazon na mga kindle version, kung meron man eh mahal kase dollars. Tamang tama din kase pang android device sila. Hopefully dumami pa yung libro, la yung mga ibang authors na gusto ko eh.
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: hangos November 24, 2014, 02:05:39 AM
Thanks a lot bro. Ganito ang hinahanap ko. La kase akong makita sa amazon na mga kindle version, kung meron man eh mahal kase dollars. Tamang tama din kase pang android device sila. Hopefully dumami pa yung libro, la yung mga ibang authors na gusto ko eh.

walang anuman bro!
Madami na nga update yang BUQO, konti lang yan dati. Depende kasi sa publisher yun kung mag lalabas sila ng electronic copy, sad to say karamihan dun sa mga hinahanap mong books eh wala jan.
I'll try to find kung meron pa ibang site na katulad ng BUQO.

 ::pampam
: Re: Saan pwedeng mag download ng mga local authored books?
: ruthless November 24, 2014, 04:56:04 PM
Kung legal download, merong Flipreads (http://flipreads.com) aside from BUQO.