Espiya Lobby > Expats/OFW/Global Pinoy

mga kaespiya sa UAE need help

(1/2) > >>

boy_enggot:
Mga kaEspiya tulong naman. Nag signed ako ng Job Offer papuntang UAE ok namn ang salary. Aalis na rin ako sa Nobember. Gusto ko lang malaman kung normal ba ang ganito setup sa UAE. After ng PDOS ko kinausap ko yung consultant na may hawak sa employer ko at tinanung ko kung anu kung sino ang susundo samin sa paglapag sa Dubai Airport? San kami mag stay while training, and is there a cash advancr para may expenses kami while wala pang sahod. sabi ng consultant wala daw susundo sa amin sa airport, walang bahay or accomodation of any kind wala din daw cash advance. Kami daw maghahanap ng bahay namin at wlang ibibigay na pang expenses samin while training. Tapos kailngang pumasok kami the day after makalapag kami sa Dubai. So nahulat ako bakit kahit sundo wala eh di nga namin alam yung office ng company. Wala.din kami pera extra para pangastos sa bahay or any expenses. Sana matulungan nyo ako kung normal ba ang ganitong setup. Kasi parang may mali. Salamat mga kaEspiya.
 ::thanksforhel

leobaho:
Brader ano  po ba ang specific job na work mo dapat sa dubai? Makicheck mo brader ang contract / agreement mo if company provided accomodation or hindi.
Re sa sundo sa airport SOP naman yata paglapag ng worker sa airport me sundo na from company, unless balik manggagawa ka galing bakasyon.
Yung the day after ng pagdating at report sa company i think company rules na siguro..
Maki correct din ng mga nakakaalam na mga kapatid na working abroad. 8)

boy_enggot:
Salamat sa reply sir. Actually sir nung una apply namin sabi samin na libre lahat, accomodation and cash advance since wala pa kaming pera pagdating natuwa ako kasi prang sobrang concern ng employer. Then nung nakuha kami kinausap kami ng HR Director at sinabi na walang silang bahay na ibibigay, so nagtanung sila kng meron kaming kakilala sa UAE para makitira since mas practical yun. Ok namn ako dun since meron akong mga kakilala. Also sinabi nya na meron namn tulong naibibigay samin ang company para makapgsimula. Wala namn problema skain sir na pumasok sa the dayn after na lumapag ako. Ang problrma ko is wlang daw susundo, para kasing naglolokohan kami ng agency and employer. I mean siguro sa accomodation ok lang pero yubg susundo parang malabo. Kaya ng ddalwang isip ko tumuloy baka kasi instead na mapabuti ako lalo labg mapasama sa ibang bansa

naruto789544:
check the fine prints ts.... there should be someone to fetch you once you arrive... as a backup, since you said that you knew some persons in uae, better contact them already in case nobody really comes to get you... at least, you won't end up sleeping at the airport..

Jann Frost:
Wag ka na tumuloy. Lahat ng pinangako sayo e wala naman pala. Baka in the end magaya ka sa mga nagaabroad na naging mahirap ang kalagayan. Baka pati sweldo mo maging isang kasinungalingan na din. Mainam pa e sa IPAMS at ISD ka nalang magapply.

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version