Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Natanggal na nunal  (Read 1168 times)

lambolambo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 123
  • Karma 3
Natanggal na nunal
« on: August 10, 2011, 11:44:29 am »
Guys ask ko lang opinion nyo before ako magpa check up sa saturday, may nunal kasi ako sa may gilid ng right upper quadrant ng abdomen ko. Napansin ko paggising ko kanina umaga wala na sya malamang natanggal yun habang nakaside lying ako matulog. Eto characteristic ng nunal ko bilog, maitim, parang kisses ang laki o medyo maliit pa pero this past few months napansin ko lumalaki sya bigla pero di ako nabahala hanggang sa natanggal na nga lang ngayon.
Ang itsura nya naman ngayon parang pimples na crater na maliit lang na may medyo itim pa. Hindi din naman sya masakit.

Ano sa tingin nyo guys pwede kaya to mauwi sa cancer? Ang lolo ko daw kasi noon namatay sa cancer sa nunal sa ilong dahil pinilit nya raw tanggalin. Thanks guys.

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Natanggal na nunal
« Reply #1 on: August 10, 2011, 04:42:57 pm »
May sugat bang naiwan? Unahin mong isipin ang infection.

Noong nakakabit pa ito, nagbabago ba ito ng kulay? Nagkakaliskis o nagnanana ba ito? Ito ang mga iisipin mo ang sagot kapag magpapatingin ka sa doctor. Itinago mo ba ang natanggal na nunal?

Palagay ko hindi naman at baka kulugo lang.

lambolambo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 123
  • Karma 3
Re: Natanggal na nunal
« Reply #2 on: August 10, 2011, 05:33:49 pm »
nunal talaga to sir and I'm sure of it. Manipis lang to dati ka level nya lang yung skin ko then ng pumasok ang taon ito napansin ko na unti unti lumalaki. Kung sugat? wala naman po, kulay itim sya bago naiwan at me mga remnants sya na naiwan sa skin ko at kulay itim din. Okay naman sya ngayon hindi masakit pero medyo namumula lang at may parang crater nga na gaya sa pimple scar. Hindi ko na natago yung nunal kasi nga habang tulog ata ako natanggal. Thanks. Wag naman sana mauwi sa cancer. :(