Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Istoryang mumu  (Read 55894 times)

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Istoryang mumu
« Reply #25 on: September 10, 2013, 08:47:50 pm »
 smoking:: i have lots of creepy experience

yung isa yung dati naming bahay sa Tondo , yung 2nd floor namin 3 room sa akin yung masters bedroom tabi sya ng hagdanan kapag nag cocomputer ako o nag lalaro ng playstation 1 or dreamcast naka talikod ako sa hagdan may mararamdaman ka na may dumaan o may naka tayo sa likod mo nung una parang wala lang sa akin kasi bata pa ako , pero lately sa isang room namin sa taas yung mga naka lagay doon mga boxes of toys namin magkakapatid , yung iba wala ng battery pero maririnig mo umaandar sya o kaya naman yung baril-barilan tumutunog , then one night while watching beavis and butthead sa MTV which we all know madaling araw yun nasa sala ako ng bahay namin then naka higa ako sa sahig , naanig ko sya na sumisilip sa hagdanan babae sya para syang nanay ko mahaba buhok pero pag tinitignan ko nawawala sya , so bata ako nun akala ko nanay ko sumisilip so tinatawag ko pag di sumagot pumapanik ako sa room ng parents ko lock naman pinto at di ko naman naririnig na nag sasarado

yung pangalawa naman sa dating elementary school ko sa Tondo may lalakeng pugot ulo sa 4th floor na nakasilip sa bintana , may nagpapa rosary kasi sa school noon sumama ako sa nanay ko para makita ko yung school pag gabi then ayun may mumu nga

pangatlo sa bakod namin sa bulacan , malaki kasi yung place namin doon so nagpa lagay ako ng half-court basketball court para sa gabi tambayan namin ng mga tropa ko , one night wala akong nabiling yosi inutusan ko yung barkada ko bumili ng yosi ako lang naiwan sa likod bahay in short ako lang naka tambay sa half-court madilim yung likod bahay kasi kagagawa palang namin wala pang ilaw sa likod na nakakabit , then naka upo ako nag text ako may tumakbo sa likod ko akala ko tropa ko naka balik na at nag trip sa akin tinigna ko wala naman tao , so text lang ako maya-maya may nag text ako may dumaan sa harap ko alam ko bata sya tumakbo sya sa kabilang side ng likod bahay namin nawala sya sa puno , kaya yung puno na matataas na yun hindi pinapuputol ng lola ko

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Istoryang mumu
« Reply #26 on: September 10, 2013, 10:08:35 pm »
yung pangalawa naman sa dating elementary school ko sa Tondo may lalakeng pugot ulo sa 4th floor na nakasilip sa bintana , may nagpapa rosary kasi sa school noon sumama ako sa nanay ko para makita ko yung school pag gabi then ayun may mumu nga

Panu mo naman nalamang nakasilip sya Sir eh wala pala syang ulo? So ibig sabihin automatic na wala ding mata yan. Panu sya sisilip kung ganun?
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Istoryang mumu
« Reply #27 on: September 10, 2013, 11:13:42 pm »
yung pangalawa naman sa dating elementary school ko sa Tondo may lalakeng pugot ulo sa 4th floor na nakasilip sa bintana , may nagpapa rosary kasi sa school noon sumama ako sa nanay ko para makita ko yung school pag gabi then ayun may mumu nga

Panu mo naman nalamang nakasilip sya Sir eh wala pala syang ulo? So ibig sabihin automatic na wala ding mata yan. Panu sya sisilip kung ganun?

i mean by "silip" is he's facing the window , you can say na doon sya direction na yun kasi , mahahalata mo yung damit nya na naka harap sa bintana , my bad wrong term ginamit ko

IORIâ„¢

  • elite
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1595
  • Karma 396
  • Gender: Male
  • n if u complain once more u'll meet an army of me.
Re: Istoryang mumu
« Reply #28 on: September 10, 2013, 11:25:18 pm »
ate ko may 3rd eye .mula nung elementary sya lagi sya nakakakita ng mga multo at ibang nilalang.. one time nakita nya yung anino na di nya ma explain kung paano kasi may mukha at yung mata mapula ..nakatitig sa kanya.. pero di nya pinapansin kasi ayaw nya malaman ng ibang nilalang na nakikita nya sila..di na din nya mabilang ang dami na nakita nya..may times na nangyari sa kanya na nightshift sya.umaambon ng umuwi sya sa bahay namin.bale nag undertime sya 3am nag lalakad sya pauwi ng pag lingon nya sa likod may nakita syang kasunod nya na walang ulo at naka angat sa lupa..umuwi ate ko na hahangos hangos kakatakbo at kakasigaw..ngayon wala na sya nakikita mula ng umanib sya sa christian group dati kasi kaming catholic..so far untill now wala na sya nakikita.

espiya sunday group cavaliers

BlueAlphaZero

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3860
  • Karma 213
  • Gender: Male
  • We would like you to know a few things.
Re: Istoryang mumu
« Reply #29 on: September 11, 2013, 01:30:35 pm »
Ah i think you are referring to the residual energy imprint hauntings. sa province namin usong uso to eh. HAHA

I suppose that's the other term for a basic haunting. If I recall that class correctly, manifestations like that are supposed to fade in time (how much time varies, of course).
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

Easy as 123

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 42
  • Karma 3
Re: Istoryang mumu
« Reply #30 on: September 15, 2013, 04:49:52 pm »
May kanya kanya tayong opinyon pagdating sa mga multo pero ako naniniwala...

Isang istorya ay yung sa kapitbahay namin. Bagong lipat lang sya at yung 3rd floor na na apartment ang naupahan nya.

Wala pang isang linggo ata bigla na lang syang  nadinig ng mga kapitbahay na nagsisisigaw sa bintana. Tanghaling tapat pa yun. Sinisigaw nya na may lalakeng nakatayo sa pintuan nya at putol ang ulo. Mabuti na lang may rehas yung bintana dahil gusto nang tumalon ng babae sa sobrang takot

Halos lahat ng mga kapitbahay namin walang magawa dahil takot din silang umakyat, paano kasi yung dating nakatira doon ginilitan sa leeg at halos mapugutan na ng ulo.

Ilang oras din bago nagkaroon ng lakas ng loob yung mga kapitbahay namin na umakyat para tulungan yung bagong lipat.

Matapos non, hindi na nakita yung babae. Iniwan nya na lahat ng mga gamit nya sa apartment at hindi na bumalik.

Tang ina naman nakakatakot! hahahaha mag isa pa naman ako sa bahay at madaling araw ko binabasa to

schwack

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma 25
Re: Istoryang mumu
« Reply #31 on: September 11, 2014, 01:08:22 pm »
Up na natin ito mga Pafs.. Almost a year na ang last post ngayon Ber months nanaman..

Naniniwala ba kayo sa Dopleganger? Ako kasi naniniwala ako na experience kuna kasi ito before sa Isang bahay namin pero medyo hindi kuna na experience nung ma tagal tagal na kami stay sa bahay, My problem is almost 8 Months nang walang nag stay dun sa ngayon nagplaplan ako na bisitahin para maglinis at mag check ng bills etc kaso nag aalangan ako na ako lang ang pumunta waaa... hehehe

note2

  • Regional: Davao-CDO
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 71
  • Karma 1
Re: Istoryang mumu
« Reply #32 on: May 18, 2015, 11:13:06 am »
Hi guys  , I want to revive this topic since interesting ito. I will share ano na experience ko nuun.

1.) In highschool on our 4th year immersion , nasa remote area kami and I was taking a bath outside ( oil drum ginamit nila to store water ) and I think new moon un so the moon was bright. Pagligo ko my maliit na bata who stared at me , I thought it was one of the kids of the owner of the house we were staying. But nagkain sila lahat kasama classmates ko.

>

2.) The sound of the "wakwak". People say when its loud its far, when you can barely hear it its near. In my case I was in a farm, and dami dun "suwa" or lemon ( forgot the name, the one we use for kinilaw ). And around 2 minutes I heard the wakwak , since it was a suwa plantation and they dont like the smell , I was not scared.

>

3.) Apartment ng tita ko. So basically 3 stores ang apartment. Since d full occupancy mostly ung 3rd floor vacant, there are 2 units sa 3rd floor and one of the units ginamit ng tita ko when they come back from Ph galing Texas. Sa opposite area is a park with a big mango tree. Before the apartment was constructed, there were 2 trees in the area/

> At 12 noon or if ever matulog ko sa bedroom nila, I experience "bangugot" and I'm scared not walking up. It happened to me twice.

> 2 occasions na when I saw "white flashes ". One time I was alone, and another I was talking with the caretaker sa apartment. Kala ko imagination lang or some insect/bird.

> I was in the stairs when suddenly the one of the lights in the 3rd floor turned off. And there was no way I turned the switch off or my electrical problem. The switch "moved" , when I switch it back the lights were ok.

> So based on these experiences I talked with my family and the caretaker and most of them didn't take it seriously. My mom suggested a prayer + salt on corners of the 3rd floor.

After my issue things happened >

2. Wife of the caretaker who lives in the next lot, around 2 meters away sa apartment saw an "old lady" during brownout, she was so scared she didn't come back to the area anymore.

One of the tenants of the 3rd floor experience strange things as well, noises / bangugot and in one occasion the lady tenant saw a guy while washing her face.

The new tenants of the place also experience these things mentioned above. In fact the mother doesn't want to go to the 3rd floor without being accompanied.

naruto789544

  • Anime Fans
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1653
  • Karma 103
Re: Istoryang mumu
« Reply #33 on: May 18, 2015, 11:25:47 am »
creepy stories... wouldn't want to be in your position...

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Istoryang mumu
« Reply #34 on: May 18, 2015, 12:46:24 pm »
kwento lang to sakin ng dad ko nung nasa highschool palang ako. nakatira kami kasi kami dati sa  medyo secluded na rural area at pag uuwi siya galing work ay dumadaan siya sa medyo liblib nadaan na walang masyadong mga bahay ,gabi non at  pinarahan daw say siya ng isang matandang babaena gustong makisakay at bumaba din sa  sa parte ng kalsada na walang bahay ,at paglayo ng tatay ko ng kaunti biglang nawala yung  matanda,bumaba pa siya para tignan pero nawala talaga, ngayon kung iisipin mo naturally sa modernisasyon natin isang kwentong barbero lang to pero walang nakakakilala sa mga tatay natin kundi tayoat sa kaso ng tatay ko,kilalang kilala ko sia, at hindi siya yung tipong magsasayang ng oras sa mga katarantaduhang ganito, malamang nag hahallucinate lang siya or nagmalikmata perosigurado ako hindi  lang siya gumagawa ng kwento.sa panahon natin ngayon parang remnants nalang ng nakaraan tong mga kwentong ganito pero sino banaman tayo para i discredit ang kwento ng ibang tao dahil salungat ito sa mga biases natin?

erap

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1193
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • Ceritified Former President!
Re: Istoryang mumu
« Reply #35 on: May 18, 2015, 01:46:50 pm »
sa mga hindi pa nakaka experience ng katatakutan dito o nakakakita ng kung ano mang hindi natural. eto lang maseshare ko.. mas nakakatakot pa magkwentuhan ng nakakatakot kesa maka ranas sa actual. tumatakbo(lagabag ng paa), bakat ng paa at kamay ng bata, bukas ng ilaw, sitsit, anino sa likod, dumaan sa likod, may umiikot na bote sa tabi,dumaang puti sa kalsada,usok na malamig sa kalsada,bukas tv, tumunog ang radyong sira, may babagsak na nakapatas na kahon(2x),sinisilip mo sa jalousie pero sinisilip ka din pala(malabo wala halos makita).ayan, pag anjan di ka matatakot pero pag pinagusapan na dun na nakakatakot...HAHA

ung ibon din, umihi ako malapit sa puno ng manga (madaming puno dito kaya ok lang at natural lang ang malaking puno). may humuhuni, malakas, sinabi sakin ng kasama ko, pare may ibon sa taas mo lentihan mo(ilawan),. medyo di ko sila maintindihan kasi medyo malayo ako. pag lapit ko inulit nila.sabi may ibon daw sa taas ko na humuhuni. malakas at sure daw na dun galing. di ko naman narinig. inisip ko baka sa ibang puno malapit sa kanila kaya di ko narinig. isang beses palang ako nakakita sa gubat ng parang nagyoyosi ung baga lang ang kita. pero ang galing nagiiba ng dereksyon.tataas,bababa,gigilid,paulit ulit hanggang sa nawala. nung may pinagkwentuhan ako dito ang sabi tumatae lang daw un nag yoyosi..HAHA

ahm, ung pamankin ko bata, may nakita syang matanda.sanabi nya sa tita ko( hindi pa kayang mag describe ng nakita).ung tita ko may pinakitang pic. yung nasa pic ung nakita ng pamankin ko.kung sino ung nasa pic secret. HAHA

share din po kayo.. up..  bnana bnana bnana
YOU ONLY LIVE ONCE, BUT IF YOU DO IT RIGHT, ONCE IS ENOUGH!!!

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Istoryang mumu
« Reply #36 on: May 18, 2015, 04:16:16 pm »
nagka goosebumps tuloy ako sa mga kwento niyo,oh eto panabla


gotenks

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1286
  • Karma 71
Re: Istoryang mumu
« Reply #37 on: June 08, 2015, 04:13:07 pm »
I was stationed in Germany and while in maneuvers in Fulda,I was told of a little history that the place where we were,was the same place that a Roman Legion stood against German tribes back in the day.At nighttime guard duty on top of an M113 APC,I looked out the woods and saw columns of men that just stretched almost a mile,I thought I was seeing things so I yelled at the guy on my right and left and asked them if they saw it.They said yes,it lasted maybe less than a minute,it maybe just residual energy of the battlefield or real ghosts.

kazekage

  • ..........PAlakang may TO0th..........
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 654
  • Karma 5
  • Gender: Male
    • [URL=http://www.speedtest.net][IMG]http://www.speedtest.net/result/348251975.png[/IMG][/URL]
Re: Istoryang mumu
« Reply #38 on: June 08, 2015, 10:11:07 pm »
Share lang ako ng experience with the unexplainable...

- Kinder palang ako nakakakita na ako, sa araneta extension ako nagaaral noon, nung minsang nag c.r ako may nakita akong babae sa salamin, di ko pinansin until nakita ko yung paa nya na nakalutang sa floor takbo akong palabas ng c.r at syempre bata ako no one believed me that time.. after nun, lumipat na ako sa main GAUF yung school then minsan nagkaroon ng activity ang sa extension clean up drive, grade 6 na ako nun nung may babaeng di ko kilala yung lumapit sa akin at nagsabi na ang laki ko na daw... di ko pinansin kasi di ko sya kilala, then paguwi ko bigla ko nalang naalala yung mukha nung babaeng nakita ko sa c.r noong bata pa ako...

-noong H.S ako, nag-aral ako sa school na na balita din na kalat ang mga mumu at sapi sapi... ang experience ko nun is yung mga namayapang guro nung paaralan nakikita ko pag may camping sa school.. yung old faculty na pinagawa ni cong. nung hinukay para sa new building puro kalansay sa ilalim... garrison daw pala yun ng hapon dati...


-College naman ako sa isang nursing school ako nagaral..kilala ito dahil makikita mo yung pangalan nya sa mga jeep... 2nd year college kami nung mga barkada ko, 5 kami sa loob ng classroom ng pharma ( nakikitambay kasi malamig dun kahit walang aircon) yung isang kabarkada ko nagsabi na di daw sya naniniwala sa mumu.. ayun may napapaniwala sa kanya at nagpakita sa amin... 2 parang anino ang nagpakita malapit sa pinto at blackboard kung san sya nakatayo.. di na namin alam pano kami nakababa nung classroom nung nakita yon...

- college parin, graduating na ako, inaantay ko si gf nun sa parking around 8pm, nakatambay ako sa loob ng oto ( volkswagen kaya aircool lang) bukas ang parehong bintana ko.. nakatapat ako sa building na kung tawagin ay FDT tapat nung istatwa na si Minerva, bigla akong may narinig na ugong di ko pinansin til may napansin akong dumaan sa sidemirror ko ( driver side lang meron ang vw) nakabend kasi yung upuan ko.. pag-angat ko di ko kinaya yung nakita ko.. mga image ng tao (mumu) nakapila sila from puno ng balete papasok sa chapel.. I ish you not pero iba yung feeling na yung di ako makapaniwala sa nakita ko, nasanay ako na isa o dalawa lang pero that time.. marami sila at umuugong...

- Nars na ako nito, ang setting sa Surgery ward sa Tondo Med Center, duty ako 10pm-6am.. 1st time dumuty volunteer palang ako nito.. dahil petiks naman ang duty nakikinig ako sa mp3 ko noon around 2am ng biglang may lumapit sa akin na babae na naka scrub suit... tinanong ang name ko, at yung experience ko sa hospital nila ( I assumed that time na head nurse sya, doing her rounds checking yung mga volunteers na gaya ko) I answered politely sa kanya, she smiled naman then naglakad na sya papalayo... bigla akong kinabahan kasi nahuli nya akong naka mp3 habang nakaduty, hahabulin ko na sana sya para magsorry pero wala na agad sya sa hallway.

Nagising yung kasama kong nurse noon, tinanong ako bakit di ako mapakali, sabi ko may Headnurse na dumaan chineck ako kung ano ang ginagawa ko, biglang nagising yung diwa nung kasama ko nung sinabi ko yun, di namin napagusapan ang nangyari until umaga na dumating na yung mga kapalitan namin, may nilabas syang picture at sinabi na ituro ko daw kung sino dun yung nakita ko..

kitang kita ko si ma'am nasa gitna naka makulay na scrub, maiksi buhok at nakasalamin... kinilabutan daw silang lahat kasi yung tinuro ko head nurse ng O.R, namatay a few months ago.. nilipat ako sa EENT nun ganun din wala man akong nakikita dinig na dinig ko naman yung kalampagan ng mga oxygen tank...


sanayan lang talaga siguro.... sana tama yung nashare ko :P
i love my Gf....i love my Daughter....i love my FUBU....i love myself



         

zensuke101

  • The Laughing Man
  • Webmasters/Programmer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1937
  • Karma 80
  • "The Catcher in the Rye"
    • Public Security Section 9
Re: Istoryang mumu
« Reply #39 on: June 09, 2015, 03:39:48 am »
ah takot ako  ;D

palaboy08

  • James Bond Fans
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 3
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #40 on: June 09, 2015, 05:20:19 am »
Share din ako...

when i was 6 till 16 years old.....madalas tuwing gabi sa kusina maririnig ang nalalaglag na kaldero o kaya naman eh taklob nito,kung pupuntahan naman namen eh wala namang nalalaglag o kalat.at kung may bahaw man eh madalas din itong mapanis..sa bubong naman eh makakarinig ng mga yabag na halos bumigay ang yero sa bigat.tapos sa harap naman namen pinakagarahe eh paminsan minsan eh makakarinig ka rin ng ng batong pinapagulong galing harap(kalsada) papuntang likod bahay.
ngayon pagnauwi ako doon eh wala nang mga nagpaparamdam pero sabi naman ng mga pamangkin ko na sya nang nakatira doon eh mayroon pa silang nararamdaman.

sa bahay ko naman ngayon,nagkukuwentuhan naman kami ni misis bago matulog nang biglang magliwanang(parang tinutukan ng hid na ilaw) ang bintana namen(2nd flr.) Pero mabilis lang mga 2 to 3 seconds kala ko nga ako lang pero nang tinanong ko si misis eh kita din pala nya.lumabas ako para tignan kung may tao sa harap namen  pero tahimik ang paligid.takenote..60 meters sa main road...pinakadulo ang bahay namen tapos likod kami ng skul kaya malabo na may sasakyang dumadaan,harap naman namen eh mga puno.

lady_spyngtondo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 250
  • Karma 13
  • Gender: Female
Re: Istoryang mumu
« Reply #41 on: June 09, 2015, 07:14:15 am »
Share lang ako ng experience with the unexplainable...

- Kinder palang ako nakakakita na ako, sa araneta extension ako nagaaral noon, nung minsang nag c.r ako may nakita akong babae sa salamin, di ko pinansin until nakita ko yung paa nya na nakalutang sa floor takbo akong palabas ng c.r at syempre bata ako no one believed me that time.. after nun, lumipat na ako sa main GAUF yung school then minsan nagkaroon ng activity ang sa extension clean up drive, grade 6 na ako nun nung may babaeng di ko kilala yung lumapit sa akin at nagsabi na ang laki ko na daw... di ko pinansin kasi di ko sya kilala, then paguwi ko bigla ko nalang naalala yung mukha nung babaeng nakita ko sa c.r noong bata pa ako...

-noong H.S ako, nag-aral ako sa school na na balita din na kalat ang mga mumu at sapi sapi... ang experience ko nun is yung mga namayapang guro nung paaralan nakikita ko pag may camping sa school.. yung old faculty na pinagawa ni cong. nung hinukay para sa new building puro kalansay sa ilalim... garrison daw pala yun ng hapon dati...


-College naman ako sa isang nursing school ako nagaral..kilala ito dahil makikita mo yung pangalan nya sa mga jeep... 2nd year college kami nung mga barkada ko, 5 kami sa loob ng classroom ng pharma ( nakikitambay kasi malamig dun kahit walang aircon) yung isang kabarkada ko nagsabi na di daw sya naniniwala sa mumu.. ayun may napapaniwala sa kanya at nagpakita sa amin... 2 parang anino ang nagpakita malapit sa pinto at blackboard kung san sya nakatayo.. di na namin alam pano kami nakababa nung classroom nung nakita yon...

- college parin, graduating na ako, inaantay ko si gf nun sa parking around 8pm, nakatambay ako sa loob ng oto ( volkswagen kaya aircool lang) bukas ang parehong bintana ko.. nakatapat ako sa building na kung tawagin ay FDT tapat nung istatwa na si Minerva, bigla akong may narinig na ugong di ko pinansin til may napansin akong dumaan sa sidemirror ko ( driver side lang meron ang vw) nakabend kasi yung upuan ko.. pag-angat ko di ko kinaya yung nakita ko.. mga image ng tao (mumu) nakapila sila from puno ng balete papasok sa chapel.. I ish you not pero iba yung feeling na yung di ako makapaniwala sa nakita ko, nasanay ako na isa o dalawa lang pero that time.. marami sila at umuugong...

- Nars na ako nito, ang setting sa Surgery ward sa Tondo Med Center, duty ako 10pm-6am.. 1st time dumuty volunteer palang ako nito.. dahil petiks naman ang duty nakikinig ako sa mp3 ko noon around 2am ng biglang may lumapit sa akin na babae na naka scrub suit... tinanong ang name ko, at yung experience ko sa hospital nila ( I assumed that time na head nurse sya, doing her rounds checking yung mga volunteers na gaya ko) I answered politely sa kanya, she smiled naman then naglakad na sya papalayo... bigla akong kinabahan kasi nahuli nya akong naka mp3 habang nakaduty, hahabulin ko na sana sya para magsorry pero wala na agad sya sa hallway.

Nagising yung kasama kong nurse noon, tinanong ako bakit di ako mapakali, sabi ko may Headnurse na dumaan chineck ako kung ano ang ginagawa ko, biglang nagising yung diwa nung kasama ko nung sinabi ko yun, di namin napagusapan ang nangyari until umaga na dumating na yung mga kapalitan namin, may nilabas syang picture at sinabi na ituro ko daw kung sino dun yung nakita ko..

kitang kita ko si ma'am nasa gitna naka makulay na scrub, maiksi buhok at nakasalamin... kinilabutan daw silang lahat kasi yung tinuro ko head nurse ng O.R, namatay a few months ago.. nilipat ako sa EENT nun ganun din wala man akong nakikita dinig na dinig ko naman yung kalampagan ng mga oxygen tank...


sanayan lang talaga siguro.... sana tama yung nashare ko :P

Habang binabasa ko 'to di ko maiwasan na di kilabutan. Medyo madilim pa naman dito. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa  laffman::

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Istoryang mumu
« Reply #42 on: June 09, 2015, 07:45:17 am »
merong matandang naka itim sa likuran ni ladyspyng tondo nanlilisig ang mata

note2

  • Regional: Davao-CDO
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 71
  • Karma 1
Re: Istoryang mumu
« Reply #43 on: June 10, 2015, 12:07:36 am »

- college parin, graduating na ako, inaantay ko si gf nun sa parking around 8pm, nakatambay ako sa loob ng oto ( volkswagen kaya aircool lang) bukas ang parehong bintana ko.. nakatapat ako sa building na kung tawagin ay FDT tapat nung istatwa na si Minerva, bigla akong may narinig na ugong di ko pinansin til may napansin akong dumaan sa sidemirror ko ( driver side lang meron ang vw) nakabend kasi yung upuan ko.. pag-angat ko di ko kinaya yung nakita ko.. mga image ng tao (mumu) nakapila sila from puno ng balete papasok sa chapel.. I ish you not pero iba yung feeling na yung di ako makapaniwala sa nakita ko, nasanay ako na isa o dalawa lang pero that time.. marami sila at umuugong...


<<< So ano nakita m dito ? Mga tao ? Mga kapre or elementals ? Sa lahat nakita m ito ung iba diba?

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Istoryang mumu
« Reply #44 on: June 10, 2015, 01:37:43 pm »
wala akong experience saganyan pero share ko nalang tong shortfilm na ang ganda ng idea nakakakilabot at may jumpscare pa, yung setting eh nasa kwarto ang mag asawa ang babae nagtetext, habang ang lalake ay parang tulog na at naka takip ng kumot pareho na silang nasa kama, at biglang may nagtext sa babae at ang nagtext pala ay ang asawa niyana pauwi palang galing trabaho, so sino yung nakatakip ng kumot?, dun na kinabahan ang babae at hinila niyang paunti unti yung kumot para tignan sino ang kasama nya sa kama, then.....[youtube]https://www.youtube.com/watch?v=j6flB0XvmTo[/youtube]

gotenks

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1286
  • Karma 71
Re: Istoryang mumu
« Reply #45 on: June 26, 2015, 10:33:36 pm »
I believed some of us here had a third eye to another dimension or can see beyond the physical realm.Mine triggers only when in Hallowed Battle Grounds.Eithe I see something or I felt dread like someone who's gonna be overwhelmed by a larger force.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Istoryang mumu
« Reply #46 on: June 28, 2015, 11:11:24 am »
noong nakatira pa ako sa apartment, may isang kapitbahay ako na may oxygen tank lagi na dala.

nakakasabay ko lagi sa elevator. everytime kailangan nya huminga, yung oxygen tank nya may tunog na parang sumisirit na hangin.

ilang linggo ang nakalipas, hindi ko na nakikita yung matanda, pero yung sirit ng hangin paminsan minsan nadidinig ko pa din sa elevator.

tapos nalaman ko na lang na patay na pala yung matanda. mabuti na lang at nung nalaman ko yun e paalis na ako sa building na yun ::laffman katakyut.

gersam13

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 57
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Istoryang mumu
« Reply #47 on: October 06, 2015, 10:41:35 pm »

COHeroes

  • Mature (18+)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 126
  • Karma 41
  • Gender: Male
  • Sarap Sarap
Re: Istoryang mumu
« Reply #48 on: October 24, 2015, 08:31:32 pm »
You show proof... The burden of proof is not with those who doesn't believe but to those who accept the belief.

I've seen first hand possessions, white lady, heard flaps of big wings at night, went inside haunted houses and felt cold touches, bangungot, apparitions... My only fault is I claimed them to be supernatural then I shivered in fear... Science now has answers to this and it all points out to our brain. Tests were done and all people came out with their own nightmare but all had the same type of test. Our brain is powerful, use it more often.

As an Atheist I can't shake the Theist's way of thinking when something he/she doesn't understand he/she shivers. But one thing is certain if a see a white lady again she'd better be ready for some ass kicking... :-)
Athiesm is also a belief system, believing in the non existence of these phenomenon.  ;)

kazekage

  • ..........PAlakang may TO0th..........
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 654
  • Karma 5
  • Gender: Male
    • [URL=http://www.speedtest.net][IMG]http://www.speedtest.net/result/348251975.png[/IMG][/URL]
Re: Istoryang mumu
« Reply #49 on: December 15, 2015, 09:47:30 am »
- college parin, graduating na ako, inaantay ko si gf nun sa parking around 8pm, nakatambay ako sa loob ng oto ( volkswagen kaya aircool lang) bukas ang parehong bintana ko.. nakatapat ako sa building na kung tawagin ay FDT tapat nung istatwa na si Minerva, bigla akong may narinig na ugong di ko pinansin til may napansin akong dumaan sa sidemirror ko ( driver side lang meron ang vw) nakabend kasi yung upuan ko.. pag-angat ko di ko kinaya yung nakita ko.. mga image ng tao (mumu) nakapila sila from puno ng balete papasok sa chapel.. I ish you not pero iba yung feeling na yung di ako makapaniwala sa nakita ko, nasanay ako na isa o dalawa lang pero that time.. marami sila at umuugong...


<<< So ano nakita m dito ? Mga tao ? Mga kapre or elementals ? Sa lahat nakita m ito ung iba diba?

Late reply sir...

Bale sir typical na nakakakita ako pa isa o dalawa lang pero yung nakita ko that time napakarami nila... nakapila sila umuungol/umuugong... iba iba rin po ang pormahan nila.. hospital po katabi ng school namin
i love my Gf....i love my Daughter....i love my FUBU....i love myself