Espiya

Espiya Investigation Agency => Isumbong sa Espiya! => Scams => : kwekwekproven July 22, 2011, 12:55:56 AM

: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: kwekwekproven July 22, 2011, 12:55:56 AM
paano malalaman kung peke ang pera ang mai-babayad saiyo, ano ano ang mga simpleng bagay na pwede gawin na hindi gumagamit ng makinarya para mapatunayang tunay ang peso na ibinayad saiyo?

thanks :)
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: brandon_jom July 22, 2011, 01:19:44 AM
ang alam kong simpleng paraan dyan e yun salatin mo yung "Republika ng Pilipinas" naka-embossed yun! at basain mo ng tubig daliri mo at ipahid mo sa mismong number ng pera. Dapat hindi sya humawa sa daliri mo. yun ang isa sa mga alam kong alternative kung wala kang device na pang trace ng pekeng pera. :D
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: icarus15 July 22, 2011, 01:27:18 AM
Tip sakin nung isang kahera: lukutin mo yung pera, parang pag nagka-crumple ng papel tas itatapon sa basura. Pag "bumalik" o medyo "lumaki" sya, totoong pera yun. Pag hindi, peke.

Yun nga lang ampanget na tignan.  ;D
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: TobleRONe July 22, 2011, 01:29:17 AM
magdala ka palagi ng typewriting paper sa wallet mo. ikaskas mo doon yung pera, kapag humawa ang kulay, peke. mas mainam kung babasain mo ng konti yung parteng ikakaskas mo.
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: neoen15 July 22, 2011, 03:02:20 AM
maliban sa silver na makikita mo may isa pang ribbon un sa loob ng pera... itupi mo ung pera sa parte na un... pag nde mo ma hawakan un ibig sabihin photo copy lng... so fake...medyo makapal kc na ribbon un kaya pag tinupi mo mafefeel mo tlga... tsaka makikita mo lng un ribbon na un pag itinapat mo sa ilaw o kaya i-up mo lng ng kunti pra makita mo kng san banda ang ribbon... eto method ko pra sa mga fake money... at d pa pumapalya ^_^.... sana nakatulong
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: alucardver July 22, 2011, 04:12:16 AM
meron naman mga security features ang pera natin eh, gaya ng sinabi ni neoen15, yung ribbon, tapos meron din yung mga strips na umiilaw pag tinapat mo sa money detector. tsk pag sinalat mo yung pera natin, magaspang. yung fake eh makinis.
: Re: QUESTION: about sa mga pekeng pera
: TobleRONe July 22, 2011, 12:42:52 PM
yung ribbon sa loob ng pera at yung ink na ginagamitan ng black light napepeke iyon. kaya di lahat ng meron noon tunay