Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Randang, anyone?  (Read 8737 times)

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Randang, anyone?
« on: July 08, 2009, 09:24:29 AM »
Recently may nakita akong bagong makakainan sa farmers cubao.Hindi naman kasi siya restaurant kaya hindi ko nilagay sa reviews.

It seems sa mga uso ngayon na franchise carts, madami nang mall ang nagdecide na maglagay ng lugar para sa kanila sa mall. Dito mo nakikitang kumakain ang mga talagang nagmamadali. Usually ang pwesto dito mga siomai, fried noodles, single-serve pizza, soft serve ice cream. Pero sa farmers may napansin akong bago. May dalawa o tatlong babe na naka-abaya na nagbabantay. Nang lumapit ako parang carinderia ang display nila kasi lutong ulam ang nakabalandra sa counter. Bukod dun ang inumin naman nila ay softdrinks sa lata o kaya isang garapon na kapeng tinitimpla. May water heater din sila. Konti lang ang kumakain sa kanila, pero naintriga ako sa tarp sa likod nila na ang sabi lang "Spicy Randang". Related ba ito sa flavor dati ng noodles na Beef Rendang? Malaysian kaya ang mga taong ito?

So bumili ako. 57 pesos ang bawat isang ulam na may kasama nang kanin. Ang mga ulam usually tatlo lang: Randang (by the way ay gawa sa karne ng kalabaw), ginataang kalabaw, at ginataang tuna (yellowfin). Sa kaaliwan ko dalawang beses na akong kumakain dito. Hindi ko nasusubukan ang randang dahil mukhang hindi kakayanin ng tiyan ko kapag nakasakay na ako sa bus. Masarap ang luto nila kahit gabi na ako nakakakain at medyo malamig na ang pagkain. Sa sobrang anghang lang talagang napapaorder ako ng gulaman sa kabilang tindahan. Sarap siguro ibaon kung hindi lang gabi ang uwi ko.

***
By the way, ang randang ay pronounced as the Filipino word "tandang," with a rolling "r" na para kang sosyal na kolehiyala. Indonesian food daw ito (matagal kayang tumira sa Indonesia ang may-ari?)

All is not lost on Cubao.