Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Nung Bata Pa Tayo.........  (Read 3373 times)

anne&jo

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2063
  • Karma 92
  • Gender: Female
Nung Bata Pa Tayo.........
« on: May 18, 2007, 05:50:06 pm »
--nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebea! rs, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makaka! limutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porni as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG! 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA... WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA ..75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG  MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH



"When a man steals your wife there is no better revenge than to let him keep her."

manoyihay

  • tissue please!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6140
  • Karma 42
  • Gender: Male
  • With a shirt like this, who needs pants?
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #1 on: May 18, 2007, 06:03:03 pm »
di ko e dideny yan.. hehehe...

pero iba na ang mga bata ngaun.. polluted na masyado ang mga isipan.

anne&jo

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2063
  • Karma 92
  • Gender: Female
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #2 on: May 18, 2007, 06:11:08 pm »
di ko e dideny yan.. hehehe...

pero iba na ang mga bata ngaun.. polluted na masyado ang mga isipan.

may tama ka, kapatid.......



"When a man steals your wife there is no better revenge than to let him keep her."

yobibs

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 623
  • Karma 3
  • Gender: Male
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #3 on: May 18, 2007, 06:37:06 pm »
 wow ! super memories ... Homesick tuloy lalu ako ... ano na ba nang nangyari sa mga bata ngayon ?
pero , sa buong mundo din naman yata ... nagkalat ang mga sutil  at pilosopo ! hahaha !

krista_cuevas

  • SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 831
  • Karma 0
  • Gender: Female
  • pinoy spy will surely rock your world!!!
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #4 on: May 18, 2007, 07:37:27 pm »
yup,makes me smile pag naaalala ko yon...

Telesforo

  • Member: 6799
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4429
  • Karma 78
  • Kamote Queue
    • Espiya ka ba? Magbasa ka muna!
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #5 on: May 18, 2007, 07:45:01 pm »
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG! 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA... WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA ..75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG  MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH

Hindi sa nagmamalinis pero alam ko lahat yan pero karamihan hindi ko nagawa at nahawakan. Limited lang kasi ako ng gamit before. Pero ang pamasaheng 75cents naabutan ko saka yung singko na bulaklak.

Quote
*addict ka sa rainbow brite, carebea! rs, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
Masarap kasing panoorin nakaka-aliw.

uzamaki4000

  • Ka-Tisyu ng Mundo
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 769
  • Karma 20
  • Gender: Male
  • Aut viam inveniam aut faciam
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #6 on: May 18, 2007, 09:29:26 pm »
hahaha tamang tama ka talaga dyan sis, at pag gabi nanonood pa nanay at tatay mo ng falcon crest at dyansty... naalala ko pa fave show ko the greatest american hero.  ;D
SEEK AND DESTROY - TISSUE STYLE

anne&jo

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2063
  • Karma 92
  • Gender: Female
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #7 on: May 18, 2007, 09:31:29 pm »
hahaha tamang tama ka talaga dyan sis, at pag gabi nanonood pa nanay at tatay mo ng falcon crest at dyansty... naalala ko pa fave show ko the greatest american hero.  ;D

eh ung theme song ng fave show mo, tanda mo pa?

ito nga ba yun? click mo at nang mapakinggan mo

the greatest american hero
« Last Edit: May 18, 2007, 09:46:55 pm by anne&jo »



"When a man steals your wife there is no better revenge than to let him keep her."

DRAGO

  • THE WARRIOR !!!
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1254
  • Karma 5
  • I LIKE YOUR STYLE BUT I HATE THE WAY YOU DO IT ...
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #8 on: May 18, 2007, 09:55:37 pm »
di ako maka relate , joke joke joke hehehehehe..........
"BRING IT ON BABY, BRING IT ON....."

el cabronâ„¢

  • Reigning Metalhead
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1125
  • Karma 59
  • GONE BUT NEVER FORGOTTEN
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #9 on: May 18, 2007, 11:44:34 pm »
ginagawa q pa rin ang mga yan ngaun.12 plng kc aq e!  ::)

Y O U R   U L T I M A T E     S O U R C E     O F     E V E R Y T H I N G     B R U T A L     I N     M E T A L!!!

RapidCombo

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 36
  • Karma -1
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #10 on: May 19, 2007, 12:02:27 am »
those were the days...hehehe..halos lahat na gawa ko...

MyC_JoNES

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 15
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #11 on: May 19, 2007, 12:17:40 am »
Tatlong bente singko na gold sa Pulang Pay phone.Kahit maghapon laffman:: laffman::
MyC Who?Myc Jones...Myc Jones

-Anti-BAYOTicâ„¢-

  • can2terorist PARACETAMOD MEDJAKOL
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1874
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Basta count to ten laang ng count to ten
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #12 on: May 19, 2007, 03:56:10 am »
at cno po ang nkkalam at nkasakay na sa love bus at jed liner na kahoy na bus,hehehe....at cno rin po ang nkapanuod na sa ALTA cinema sa cubao na aircon pa nuon  bnana
Awake to righteousness,and do not sin; for some do not have the knowledge of GOD 1 corinthians 15:34


TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #13 on: May 19, 2007, 04:45:55 am »
Naalala ko 2loy ang Voltes V and Diamos...waaaaahhhh...saka ung candy na tig-lima singko plus 1.50 pa ang Coke...hehehe..nakaka-miss din noh...
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!

wildecox

  • Merry Christmas!
  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 392
  • Karma 0
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #14 on: May 19, 2007, 05:14:51 am »

ahahay dito pla ang mga ate at kuya ko!  laffman::

blackwolf3301

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 371
  • Karma 6
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #15 on: May 19, 2007, 06:22:20 am »
hay happy talaga ako that time napaka kulit bnana bnana

aktibista

  • REBEL WITHOUT A CAUSE
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 30
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #16 on: May 19, 2007, 11:11:58 am »
ayoko ko ng maalala yan wlang kwenta buhay ko smoking:: nung bata ako

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #17 on: May 19, 2007, 11:34:28 am »
naka2miss..pero agree ako iba n tlga mga bata ngaun.. dti insonte ako s mga bgay2 until 10 yrs old ako hehe.. pero ngaun iba n 4 yrs old p lng manyak na laffman::

it ain't over. . .till its over

mangkepwing

  • Study as If U live Forever, Lived as if u will die tomorrow
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2613
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • Ur Friendly MangTEmi At Ur Service
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #18 on: May 19, 2007, 12:07:41 pm »
18 years old pa lang ako.....at lumaki ako sa probinsya....pero dito na ako sa manila nag highskul...pero alam
ko yang iba dian .....

*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, ---> di ko alam ito(teleber-teleber), luksong tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? ------> sa panahon ko...di na uso yan...ps1 na...malupit ka kapag magaling ka mag gran turismo, tekken, marvel vs superheroes...
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez? -----> sa akin naman , mga damit ko ... tommy hilfiger, guess, mga pinaglumaan ng mga kuya ko...
addict ka sa rainbow brite, carebea! rs, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?-----? sa dragon ball z(nasa rpn 9 pa un...), mask rider black, voltes V, ghosffighter... na alala ko pa ... araw araw sa gma..iba ibang kartons ang pinapalabas , at nasa primetime un sked nila... di pa sila nagpapalabas ng mga koreanovela, ang uso pa lang nun...si marimar...
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya? ----. napapanood ko na ... pero di ko pa alam mamboso nun
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?----- sa amin... astig ka kapag naka RAMBOO ka na tsinelas,, ung may ibat ibang kulay ung level, habang nauupod nauubos ung kulay niya...
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? ---- isa ako dian ,
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?---- matanda na si aiza nun eh....
*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe? ----fave song q ung 123 asawa ni marie....araw gabi walang panty....hehehe kasi may klasm8 ako marie name niya...lagi ko inaasar....meron pa nga ung....teeny weeny polka dots bikini na kanta....
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon? -----meron ako nian....isama mo na din ung jumanji at ung uno cards...at stacko....
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square? ----- di na eh...pero ung mga lumang wallet ng mga lola ko ang dami niyan kasi lagi me nangungupit pambili ng choco bot...judge ba un ?? oh bazooka ? na may libreng komiks sa pabalat....tska lam mo ung yakee?? at pintura??? na bubble gum??

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun? ------> di ko gusto yang kanta na yan
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?-----kaya dati pa , tingin ko sa mga pari...mga Many*k hehehe
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?----ung humanap ka ng pangit ,
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?----yup.....

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo? ----lagi ko rin naririnig yan kay fvr, pero la naman nangyari sa philippines 2000
doN't Race In thE stReetS, BettEr yEt Race iN thE stripS!

uzamaki4000

  • Ka-Tisyu ng Mundo
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 769
  • Karma 20
  • Gender: Male
  • Aut viam inveniam aut faciam
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #19 on: May 19, 2007, 12:27:32 pm »
hahaha tamang tama ka talaga dyan sis, at pag gabi nanonood pa nanay at tatay mo ng falcon crest at dyansty... naalala ko pa fave show ko the greatest american hero.  ;D

eh ung theme song ng fave show mo, tanda mo pa?

ito nga ba yun? click mo at nang mapakinggan mo

the greatest american hero
hahaha!!! tandang tanda ko pa. meron nga ako nyan. syempre fave.  b*;
SEEK AND DESTROY - TISSUE STYLE

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #20 on: May 19, 2007, 02:46:26 pm »
nmye he he ehe he.... alam ko lahat ng mga ito.... naranasan ko lahat yan eh.....

 bnana bnana bnana

mashedpotato

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2382
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • wahaha
Re: Nung Bata Pa Tayo.........
« Reply #21 on: May 19, 2007, 06:58:47 pm »
natawa ako dun sa pgkain ng aratilis.naalala ku tuloy kbataan ko.
wla aratilis sa bahay but meron sa me bahay ng sikyo me kalayuan samen.ngagalit lagi ang sikyu pg me umakyat
sa puno nila kc nglalaglagan mga dahon nadudumihan bakuran nila,one time umalis silang mg anak,natural gusto ku
ng aratilis umakyat ako ngaun - andaming hinog na ei aftr an hr andun pa rin ako ngkataon nmang dumating sila
- di ako nkababa almost 2 hrs akong wlang imik dun sa taas ng puno mahirap na bka mahuli ni tatang lagot ako.
inantay ku ulit mwala sila bago bumaba  laffman::