eto yung isang puzzle na sobrang tagal ko bago nasagot. hindi sya math-related pero pwede na rin..
Isang Tanong
Scenario:
May LBM ka.
hindi mo alam ang papuntang cr so naisipan mong magtanong.
sa paghahanap mo ng pwedeng pagtanungan, nakakita ka ng dalawang guards.
yung dalawang guards, nakabantay sa dalawang pinto. yung isa papunta sa cr, yung isa, sa kawalan.
Problem:
para makapunta ka sa cr, kailangan mong magtanong sa dalawang guwardya. pero ang catch, ISANG TANONG lang ang pwede mong itanong para makapunta ka sa cr. eto pa ang isang catch, yung isang gwardya ay laging nagsasabi ng totoo at yung isa naman ay nagsasabi ng kasinungalingan pag tinanong mo.
for example, kunyari tinanong mo yung mga guards ng: "bakla ba si boy abunda?", yung isa sasagot ng "oo" at yung isa naman ay "hindi".
hindi necessarilly na katapat nung gwardyang laging nagsasabi ng totoo yung pinto papunta sa cr at hindi rin nangangahulugang katapat nung gwardyang nagsasabi ng kasinunngalingan yung pintong papunta sa kawalan.
ang tanong:
ano ang kailangan mong itanong para makapunta ka sa cr?