ang hirap na palang mag apply ngayon ano...during my days, halos hatakin ang mga taong nagdaraan sa harap ng company namin...putok ang saudi noon at halos naubos yung mga technical guys ng company namin (alam ko matagal na nga...) during my interview, nagpalipas pa ako ng isang buwan dahil katatapos pa lang ng esda revolution (now you know probably how old i am)...nakakatawa nga yung nangyari sa interview ko, im just wearing a polo shirt and maong, TADS pa yata yung tatak (made by Crispa)...yung opisina eh di pa tapos, wala ngang aircon so may ilang naka sando lang, im supposed to look for a certain supervisor for the interview, so nilapitan ko yung naka barong,ekk, wrong person kaagad ang napagtanungan ko, yung naka sando pala yung mag iinterview sa akin...i was not nervous at that time, tinatamad pa akong magtrabaho kahit 1 year na akong graduate, sarap magpahinga sa bahay at makinig ng DZRJ Pinoy Rock and Rhythm...nway, nagpakilala ako at pinaupo, 3-panel interview pala, syempre unang tanong eh "tell me about yourself", so pinakilala ko sarili ko, in tagalog, mahina ako sa english dahil engineering grad ako...dry una yung discussion pero nang masabi ko yung alma mater ko eh, nalaman ko na two pala sa kanila ay ka alumni ko, so naging relax yung tema ng interview kasi may common na pag-uusapan like nandoon pa ba yung terror na prof, yung seksi , yung uugod ugod...atbp...after the interview, binigyan ako ng test like how do you arrange six 6-ohm resister to get a 6-ohm output...buti na lang alam ko yung sagot, medyo ma-impress sa akin, next exam pumalpak ako, i was given a test with 30 questions. sabi sa akin read fully all the questions bago ko sagutan. So basa...it says that i only have 5 minutes to finish the test. ang mali ko, hindi ko sinunod yung instruction so sagot ko kaagad yung mga questions kasi 5 minutes lang eh...question 1. Write yung name to the upper top left corner. Q2. Place the Date at the upper right corner...as i was doing the 7th question, nilapitan ako nung isang supervisor, tinignan yung answer sheet ko...then sabi sa akin "di mo binasa lahat ng questions ano?", wala akong maisagot dahil hindi ko nga binasa lahat...napahiya ako...then sabi sa akin, read the 30th question. it says "after reading all the questions, do only questions 1 & 2...
natawa na lang ako...tumawa rin yung visor at kinuha yung papel ko...bagsak sabi ko na lang sa sarili ko...kainis talaga...pinaupo ulit ako for the last phase of the interview...sabi pa sa akin buti na lang at hindi ko inabot yung 12th question dahil dapat sumigaw ako ng darna! tinanong ako kung ano ang natutunan ko sa exam, sabi ko na lang dapat sundin yung inuutos sa akin...dahil kung ako ay matatanggap sa trabaho, yung ang number 1 na kailangan nila, follow orders...awa naman ng Diyos, after 20 year nandoon pa ako sa company na yon...ang tanong nyo, nag fo-follow pa ba ako ng orders?...ano sa tingin nyo?