Usually, yung mga ungas na ito ay nagooperate sa mga babaan ng Bus, yung previous officemate ko ay nanakawan ng N8 sa paraang ito, nakita ko lang sa post niya sa FB. eto:
Pag pababa ka na ng Bus, magsisipagmadali yung mga loko magsakayan, talagang sasalubungin ka at iipitin sa may estribo. akala ko naman nagmamadali lang pero napagisip isip ko lang e madami namang biyaheng pa-Baclaran bakit naman sila magsisiksikan at magmamadali? pag kapa ko sa bulsa ko, wala na yung cellphone ko. sa Guadalupe ako nadale, before going to work. Ganun din yung case nung friend ko pero sa may Ayala naman siya nadale. Mga ka-espiya, mag ingat kayo sa mga kasalubong sa pag baba ng bus, secure your belongings o kaya umiwas na lang sa mga lokong ito. Naka casual attire sila at aakalain mong papasok rin sila sa work <<< naka-costume pa sila