Espiya

Member Reviews / Recommendations => Reviews/Ratings => : jcjven19 June 07, 2009, 11:06:55 PM

: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: jcjven19 June 07, 2009, 11:06:55 PM
PAKI POST PO SA MGA NA EXPERIENCE NINYO SA OCTAGON COMPUTER STORE


LAHAT AY WELCOME

GOOD OR BAD

JC
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Chazy_Chaz June 07, 2009, 11:38:30 PM
Nagwowork ka ba sa Octagon?
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: pining June 08, 2009, 12:38:18 AM
Ako meron. Bumili ako dati ng wireless keyboard and mouse. Nung kinuha ko yun nasa shelf, napanin ko yung nasa likuran nya ay few hundred pesos cheaper kahit same model sila. Kaya yung nasa likod na lang ang binili ko. SO maaari kong sabihin na good experience ito ;D
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Blaupunkt June 08, 2009, 01:00:04 AM
ang mamahal naman ng mga items sa octagon medyo malaki yung difference compare sa iba.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: zeniorito June 08, 2009, 01:22:38 AM
MAHAL ang tinda sa Octagon..  smoking::
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: stml8 June 08, 2009, 03:01:24 AM
Hindi ko maintindihan kung bakit nila gustong ipaiwan lahat ng bag sa counter.  Tingin yata nila lahat ng pumapasok sa tindahan nila puro shoplifter.  Pilit ba namang pinapaiwan yung bag ko eh andon ang pera ko, cellphone ko, wallet ko, mga IDs ko.  Para namang mga timang.  Sabi ko sa guard, hindi ko iiwan ang bag ko.  Paglabas ko, tignan mo na lang ang laman.  Ayaw pumayag.  Hindi na ako pumasok.  Sa iba na lang ako bumili.  Buti na lang kasi masmura yung binilhan ko.  Sa kanila na lang mga produkto nila, kamamahal.  Hindi na ako babalik dyan.  Mas maraming computer stores na marunong mag alaga sa customers nila.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Asinta-do June 08, 2009, 04:25:46 AM
ahh ako bumile kasi ng Branded Computer dun, (whole set). Eh nagkataon naman na last stock na yung naka display dun yung mismong naka model para makita ng tao. Eh e-engot engot ako at pumayag na kahit yun nalang basta reformat nila. So sabi nila balikan ko nalang daw at pag balik ko naman naka karton na. Ayun, so pag uwi ko, kinalikot ko yung laman ng PC may mga history pa na naiwan, tulad ng mga last files used ung mga tipong ganun, meaning hindi talaga nag reformat, nag bura lang. . . .  Yun lang po sigruo semi-bad experience narin. .
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: UrAnus June 08, 2009, 05:37:42 AM
dami bad experience ko dito.. Kung hindi marunong dito maraming manloloko dito sa store na to..

1. bumili ako mobo, sabi sa akin 1 yr yung warranty, tapos may sticker pa na 1yr, nasira after 6 months, pagbalik ko parang inaaway pa ako ng tindera na 6 months lng daw warranty nila.. pag chk ko sa resibo merong maliit na text sa baba na sabi 6 months lng lahat ng products.. yun pala kng bakit ako nila pinapirma sa resibo..

2.  Bumili ako laptop, may nakita ako ang baba ng price, tapos sympre chineck ko may bluetooth daw kasama.. So ok ako dahil bluetooth sa laptop lang naman ang gus2 ko, ang mali ko hindi ko na testingan kasi sobrang excited nga. pag-uwi ko ngayun tinestingan ko, ngek wala palang bluetooth.. nang bumalik ako the next day, mayrung same laptop  sa akin, pero mas mababa na.. nagtanung ako bakit mas mababa to, wala daw ksi bluetooth.. sabi ko eh, yung binili ko kahapon bakit wlanag bluetooth, sabi nila "aaayyy, mali pala yung specs na nakakabit sa ibaba ng spec.".. sinabi ko, eh di ibabalik ko ito, sabi nung babae, hindi na po pwede sir kasi nabili nyo tapos may promo po "PALA" kami ngayun yan ang reason kng bakit mababa yung bagong laptop na ito.

3. ang kaibigan ko nagpa-fix ng PC nya dun kasi nagha-hangup at hindi na raw magboot yung PC nya.  So iniwan nya yung PC nya sa octagon kasi hindi naman xa marunong mag-fix nito.. pagbalik nya after 2 hours, nagcharge ng 1K yung taga octagon at sabi marami raw sira sa OS nya kaya reinstall sila.. ok bayad naman kaibigan ko.. pag-uwi sa bahay, chineck nya ang PC at parang hindi naman na format yung HDD nya..   Nang e-check nya na yung pc nya sa bahay nya, parang walang may nagbago at nandun pa rin yung mga apps nya..  parang wala may nagbago sa installation nya kahit sinabi ng mga taga octagon na may sira daw OS nya at nagre-install sila ng OS... Ngayun dumating yung utol nya, sabi ng utol nya "ba't mo dinala sa octagon yan at nagcharge ng 1K eh ang sira nyan sa IDE cable lng.. bumili nga ako ng bago para dyan..."

4.  Nasira laptop ko, iniwan ko dun dahil sila na lng bahala magdala sa warranty shop... Nung binalikan ko gumana, nasira ulit, pagpadala ko sa service repair shop ng brand nya, sabi ng techniciam, "Bakit ganito ang memory nito? dapat original yung memory na nilagay kasama sa pagbili ito at hindi ito generic na memory." .. so malamang pinalitan nila yung original na memory.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: flamestriker June 08, 2009, 07:05:12 AM
bumili ko ng 2nd wifi usb (linksys) sa kanila, 1.4k last october.  bumalik ako after 2 months kasi satisfied naman ako.  pag tanong ko kung meron pa silang stock binigay sakin 1.8k, tapos opened pa.  wala yung mga plastic na naka cover sa mismong  usb, usb cable, tapos yung cap nung usb sobrang luwag na.  halatang used na tapos binibenta pa.  kukunin ko na sana kahit 1.8k kasi nagmamadali na ko, tanong ako ng bagong stock wala na daw.  nabwiset ako lumipat tuloy ako ng shop.  got the 2nd wifi usb for 1.4k pa rin from another store (gigahertz, kay eric chua kaya yung nasa robinsons?).

octagon harrison plaza yung branch na to.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: -=Kurabo=- June 08, 2009, 07:37:05 AM
saan ba yung Octagon?
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: MiKeDaCuTe June 08, 2009, 10:51:49 AM
saan ba yung Octagon?

marami silang branch pre sa mga mall.. kaso di masyado pinapasok kasi mahal paninda nila.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: -=Kurabo=- June 08, 2009, 08:13:53 PM
marami silang branch pre sa mga mall.. kaso di masyado pinapasok kasi mahal paninda nila.

aw mag CDR king na lang ;D
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Radoslav June 08, 2009, 08:17:03 PM
So far OK naman experiences ko sa Octagon. A few months ago I purchased 2 2GB RAM Modules for my sisters PC, During that time 1 nalang Kingston na RAM nila so I purchased it together with a generic RAM Module. Then nagkaroon ng issues yung PC dahil sa hindi magapareho ng brand yung RAM modules then I called Octagon to request for another Kingston RAM to replace my generic one they then called another branch to request for a Kingston RAM and in about 2 days they were able to replace my RAM. So positive sila in my book.  ;)
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: jcjven19 June 09, 2009, 05:45:37 AM
Paki lagay naman sa store branch oh.............


Hindi ako sa Octagon nagwowork..............


Regular customer lang ako.....................................
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: fangdyne November 04, 2009, 11:58:52 PM
para sa mga nakaexperience ng negative let it be a lesson. canvass first and read everything before buying a product. lahat naman ng shop may kanya kanyang diskarte. medjo nasa enthusiast level ako ng pagsesetup ng pc kaya medjo mabusisi ako tumingin sa price and spec ng product. ang alam ko yung experience ni tlaurencet about sa laptop niya puwedeng ireklamo un. kasi parang nagbebenta ka ng item and pinapalitan mo spec para maibenta. bawal un 100% sure yan. bilang customer dapat ikaw ang masusunod. wag kang basta basta mag agree sa terms nila. malls usually hire untrained sales personel for cost cutting tapos magbebenta ng sablay na product. customers ang kawawa in the end.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: arwin_absinthe November 07, 2009, 12:06:06 AM
Basta eto lang sa akin: If you want an overpriced PS2 mouse or some diskettes, go there...
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Pall-Eren-Mnr November 07, 2009, 12:43:16 AM
dyan ko binili laptop pero pagkatapos lang ng dalawang araw, may lumabas na linya sa screen. pinabalik ko naman at pinalitan naman nila

competent naman yung mga empleyado ng octagon sa sm dasma
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: marsianzx November 07, 2009, 03:14:18 AM
ako naman good experience ko sa store nila kc kahit saan ako bibili ng item sa luzon visayas or mindanao
wala naman akong problema lalo na sa mga staff basta lang maganda ang pag approach mo sa kanila.
kong may problema kau sa item nila, kau ang mag please kc sa tingin ko lahat ng tao madadala sa PAKIUSAP NG MAHINAHON. wag po tayu magalit agad dahil po sira ang bininta nila, hindi naman cguro lahat. basta lang paki usapan mo lang ng maboti..
hindi sa kampi ako sa kanila halos buong octagon nalibot ko na and good talaga silang lahat. Regular customer lang ako nila.

ask lang nicely po.
and kahit saang tindahan ka mapunta kong masama ugali mo bad experience talaga makikita mo.
so ask po tayu in a nice way..  ;D  ;D  ;D  :D  ;)  :applause
 
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: jake_herras November 07, 2009, 05:05:34 AM
ako wala kasi wala meng plan bumili dyan sobrang mahal price ng mga tinda dyan eh..
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: DjDaveTrance November 07, 2009, 05:53:51 AM
Ok lang mahal sa Octagon, atleast authentic naman mga product....
Mahirap nang mahuli nang NBI ^_^

If you are a wise buyer, you will prefer Quality.
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: Dairycow November 12, 2009, 05:32:53 AM
gilmore nalang ^_^
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: krassimir November 13, 2009, 10:07:34 AM
Always read the fine print. Mas mabuti talaga magkaron ka ng konting kaalaman sa pc when it comes to troubleshoot. Grabe naman yung fix nila sa OS. Madalang gumana yung "repair" na option sa Windows e, kung madami nga siguro reformat na agad yun. IDE cable lang 1k na chinarge. Sablay  :applause

I buy cheapo mouse here pamalit sa mga nasira sa school  ::lmao
: Re: Octagon Computer Store:post your good and bad eperience.....
: jake_herras November 13, 2009, 10:19:31 AM
Ok lang mahal sa Octagon, atleast authentic naman mga product....
Mahirap nang mahuli nang NBI ^_^

If you are a wise buyer, you will prefer Quality.

sir dami namang mabibilhan ng items w/ good quality @ a reasonable & affordable price... di nyo ba napapansin kunti lang bumibili dyan.