Espiya

Secrets Revealed => Personal Secrets => Family Secrets => : IWM December 17, 2008, 03:37:52 AM

: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 03:37:52 AM
(Ang lahat ng pangalan na mababanggit dito ay alyas lamang....)

Nang kinwento sakin ng ate ko ang buhay ng kanyang boyfriend ay naantig ang puso ko at nakaramdam ng awa sa kanya. Isa na siguro ito sa pinaka pambihirang kwento ng buhay na narinig ko. Katunayan, sa tingin ko ay pwede itong i-feature sa Maala-ala Mo Kaya.

Naging boyfriend dati ng ate ko si James na isang Fil-Am (hindi tunay na pangalan), kuya ng kasalukuyang boyfriend ni ate. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil ilang taon mula nun ay namatay ito dahil sa isang malubhang sakit. Simula nang namatay si James, ay nabaling naman ang atensyon niya kay Jason, nakababatang kapatid ni James. Siya na ang kasalukuyang boyfriend ni ate ngayon.

Laging kinukwento ni Jason kay ate na palagi niyang napapanaginipan ang pangalang "Joy Cruz". Halos gabi-gabi ay napapanaginipan nya ang pangalang iyon at pakiramdam nya ay parang kilala nya ang taong iyon. Katunayan ay gumawa pa sya ng chikka account at inadd nya sa list ang pangalang Joy Cruz kasi nga pamilyar daw talaga sa kanya.

One day, nagkainuman sila Jason ng kanyang mga tiyuhin at isa sa kanyang mga tiyo ay nadulas sa pagkukuwento nung lasing na ito. Hindi daw pala tunay na anak si Jason, ampon lang sya. Anak sya ng labandera at driver ng kanilang pamilya at pinaampon lang sya sa kanila dahil sa kahirapan. Kaya pala pamilyar ang pangalang iyon, Joy Cruz pala ang tunay nyang pangalan. Kaya pala lagi niya itong napapanaginipan. Hindi lang yun, mas matanda pala sya kay James, na kinikilala nyang kuya, ng apat na taon. Kaya daw pala ay parang may kulang sa kanyang buhay. Parang may binurang parte sa kanyang buhay na hindi na nya maalala. Ni hindi niya maalalang sinulat nya ang pangalang Jason sa kanyang papel nung bata pa sya. Kaya pala pakiramdam nya ay mas matured sya mag isip kumpara sa kanyang kuya at mga kalaro. Up to now, dala-dala nya parin ang pangalang Jason. 22 years old sya, pero ang totoo ay 26 years old na sya. Gulo...

Pasensya na kung mejo magulo ang pagka-kwento ko. Namangha talaga ako sa kanyang buhay and at the same time nakaramdam din ng awa. Ano sa tingin nyo?


-----

Summary:

James - dating bf na namatay, kuya ni jason

Jason - bf ng ate ko ngayon, tunay na pangalan Joy Cruz
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Erotomania December 17, 2008, 03:39:56 AM
naguluhan din ako pre   ;D ;D ;D ;D

yung Joy Cruz ba yung kuya???  ;D ;D ;D
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: coated_pill December 17, 2008, 03:42:29 AM
medyo naguluhan din ako sa istorya..
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: DjDaveTrance December 17, 2008, 03:43:30 AM
 :o :o :o :o Ano daw? sino daw si ano?

Kakalito mga Pangalan Pareng IWM, PURO mga J kasi eh hehehehe
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 03:44:41 AM
naguluhan din ako pre   ;D ;D ;D ;D

yung Joy Cruz ba yung kuya???  ;D ;D ;D

Hindi, yung Joy Cruz, yun pala ang tunay na pangalan ni Jason, boyfriend ng ate ko ngayon. Pinalitan ng Jason ang pangalan nya nung pinaampon sya. Pinalitan din ang kanyang age.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Erotomania December 17, 2008, 03:46:34 AM
aahhhhhh   ;D ;D ;D ;D

pero hindi bagay sa kaniya yung Joy kasi pambabae di ba?? asan na ung mga tunay niyang parents?? 
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 03:48:34 AM
sorry, na-messed up pala sa bandang huli yung names..hehehe..

pakibasa ulit..baka clear na..hehe
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Erotomania December 17, 2008, 03:51:32 AM
clear na pre... so yung magkapatid na james at jason ay hindi pala talaga tunay na magkapatid...... na gets ko na hehehe  ;D ;D ;D

malungkot talaga na malaman na ampon ka, a very sad story indeed .......
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: DjDaveTrance December 17, 2008, 03:52:56 AM
:o :o :o :o Ano daw? sino daw si ano?

Kakalito mga Pangalan Pareng IWM, PURO mga J kasi eh hehehehe

Pati ako natawa sa REPLY ko!
 ;D ;D ;D hehehe Ayos na Pareng IWM
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 03:53:15 AM
clear na pre... so yung magkapatid na james at jason ay hindi pala talaga tunay na magkapatid...... na gets ko na hehehe  ;D ;D ;D

malungkot talaga na malaman na ampon ka, a very sad story indeed .......

Oo pre, tama..

Ang malungkot pa dun, all his life akala nya jason ang pangalan nya and mas nakababata sya sa kuya nya. Parang binura ang 4 years ng kanyang buhay. Ginawan din sya ng bagong birth certificate.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Erotomania December 17, 2008, 03:56:21 AM
so wala na siyang balita dun sa mga tunay niyang magulang???   ??? ??? ???
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 04:00:12 AM
so wala na siyang balita dun sa mga tunay niyang magulang???   ??? ??? ???

Meron parin syang balita, labandera parin at driver. hindi niya parin maramdaman o kahit pilitin man lang maramdaman na sila ang tunay niyang magulang. Lumaki kasi siya sa US, at akala nya Fil-Am din sya.

Nakakaawa talaga kasi iyak daw sya ng iyak nung nalaman nya ang totoo. Gulo ng story nya.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Erotomania December 17, 2008, 04:05:50 AM
yun ang mahirap pre, yung lumaki ka na me gintong kutsara sa bibig tapos all of a sudden eh anak ka pala ng mahirap.....

pero blessing na din yan kasi pwede niyang dalhin sa US yung mga tunay niyang magulang or bigyan ng magandang buhay   ......
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: migx December 17, 2008, 04:53:30 AM
yun joy cruz ba eh alyas lang din? bakit naman pangbabae ang binigay na pangalan ng tunay na parents nya?
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 04:58:04 AM
yun joy cruz ba eh alyas lang din? bakit naman pangbabae ang binigay na pangalan ng tunay na parents nya?

alyas lang..pero ganun din sa totoong buhay, pambabae din ang name nya.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: migx December 17, 2008, 05:00:31 AM
alyas lang..pero ganun din sa totoong buhay, pambabae din ang name nya.
ahh..owkei. naintriga lang ako. hehe!
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: zaraki kenpachi December 17, 2008, 05:16:23 AM
alyas lang din ba yung JOY?

baka LIGAYA ang pangalan ni "jason"... maswerte pala sya at naampon sya at nagkaroon ng magandang kinabukasan
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 17, 2008, 05:28:51 AM
alyas lang din ba yung JOY?

baka LIGAYA ang pangalan ni "jason"... maswerte pala sya at naampon sya at nagkaroon ng magandang kinabukasan

Parang similar din sa "joy"..ginawa ko lang Joy kasi baka mabasa nya dito or may makakakilala sa kanya.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Deadsoul December 18, 2008, 10:46:27 PM
bat pambabae ang name nya na totoo? baka nga babae xa, tapos pinatransplant lang...ang gulo...
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: The Dark Knight December 18, 2008, 11:13:53 PM
correct me if i'm wrong...

regardless of names and aliases...

"jason" and "james" are not real brothers...

james is dead...

jason is not his real name "joy cruz" is...

jason is "ampon"...and actually older that "james"...

and IWM sister has relation to both of them...

no offense IWM, tinuhog pala ng ate mo yung magkapatid....relax, just kidding...i guess there is some story behind it...
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 18, 2008, 11:19:34 PM
correct me if i'm wrong...

regardless of names and aliases...

"jason" and "james" are not real brothers...

james is dead...

jason is not his real name "joy cruz" is...

jason is "ampon"...and actually older that "james"...

and IWM sister has relation to both of them...

no offense IWM, tinuhog pala ng ate mo yung magkapatid....relax, just kidding...i guess there is some story behind it...

yup tama yung summary mo. nung namatay si james, naging close sila ni jason kaya sila nagkatuluyan in the end.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: shivarobert December 19, 2008, 02:07:31 AM
nung una kong basa akala ko joy cruz ung pangalan ng nanay nya kaya lagi nyang napapanaginipan hehe
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: mashedpotato December 19, 2008, 09:03:19 PM
i have 2 workmates na pangalan ei pambabae
Joy Anthony and Mariel pero lalake mga un  ;D
3 pala isa Chyrey ung = madalas nahihirapan noon hanap ng work kasi npagkakamalan na girl ung name(sounds cherry dw  :D)
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 19, 2008, 09:22:51 PM
Hindi naman yung pangalan nya na pambabae ang kakaiba dito. Yung kwento mismo ng buhay nya.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: mayki December 19, 2008, 10:07:51 PM
Habang binabasa ko ang story, inakala ko na ang tunay na Joy Cruz ay yung yumao niyang kapatid kasi nagpaparamdam, yun pala ay tunay niya na pangalan yuon  :D
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ December 20, 2008, 03:02:11 PM
nabanggit pa dito yung middle name ko ah, di kaya pinsang buo ko yang si Joy Cruz? hehehehe joke!

anyway back to the topic, i will feel helpless if i were him. kasi 4 yrs kamong binawasan yung age nya at pinalitan pa ang name nya,, pero siguro naman tanggap na nya ang lahat,,  ;)
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: hush24 December 27, 2008, 01:00:34 AM
bro, opinion lang ah. ;D siguro may purposed din si God baket naging ganun yun buhay nya, in fact sabi nga. wag naten isipan ng negative things yun mga bagay bagay kundi isipin naten yun positive side nun, siguro kaya ganun, eh para makilala nya yun ate mo, siguro kung hindi sya inampon nung family ni james eh hindi sila magkakakilala ng ate mo, hindi sya makakapag-aral etc etc etc..  :D
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM December 27, 2008, 01:07:17 AM
bro, opinion lang ah. ;D siguro may purposed din si God baket naging ganun yun buhay nya, in fact sabi nga. wag naten isipan ng negative things yun mga bagay bagay kundi isipin naten yun positive side nun, siguro kaya ganun, eh para makilala nya yun ate mo, siguro kung hindi sya inampon nung family ni james eh hindi sila magkakakilala ng ate mo, hindi sya makakapag-aral etc etc etc..  :D

Good point. Siguro nga. Thanks sa reply. :)
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: LiamLee December 27, 2008, 05:10:10 AM
Hindi kaya JASON BORNE Identity to bro?

:D
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Idiot January 15, 2009, 11:02:21 PM
pwede bang baguhin ang age paano yung birth certificate nya at record sa hospital

tsaka kung 4 years ang tanda nya kay James e di nakita na nya si James noon maliit sya
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM January 15, 2009, 11:23:34 PM
pwede bang baguhin ang age paano yung birth certificate nya at record sa hospital

tsaka kung 4 years ang tanda nya kay James e di nakita na nya si James noon maliit sya

pwedeng pwede baguhin ang birth certificate sir.

siguro nga nakita niya na si james nung bata pa, pero 4 years old pa lang sya nun. kung may naaalala man siya, kasing faint na lang ito ng isang dream or a very remote memory.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Pierro7 January 18, 2009, 04:36:06 AM
nakakalungkot nga..
tanging Joy Cruz lang ang clue niya which is hindi niya alam kung para saan talaga...
not until the truth was revealed...

sana maka-cope siya
mahirap kasi ang ganun eh...

yung tipong akala mo superhero ka hindi naman pala..tapos haharangan mo yung tren...tsk tsk tsk...

but anyway...
sure akong kaya niya yan...
nandyan naman ang ate nyo IWM
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: angelNdevil October 22, 2009, 02:00:39 AM
heheh pero tol anong ng yari don sa pag add sya sa CHIKKA?my ng txt bah?
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: Ethan Hunt January 28, 2010, 05:53:55 AM
naguluhan din ako dun. kala ko joy cruz yung nanay. yun pala pambabae yung pangalan nya. sabagay may kilala nga ako joan ang pangalan nya pero lalaki talaga sya. pero regarding the story, kakaawa talaga yun, parang napagkaitan ka ng katotohanan. dapat medyo bata pa siya't may malay, sinabi na sa kanya para matanggap nya ng buo.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: anne&jo January 28, 2010, 07:13:09 AM
pwede pala 'to dito?
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: badzmadz January 28, 2010, 10:57:36 AM
Naintriga ako sa kwento, ...ibang klase yung ESP ni jason aka joy cruz...
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: IWM January 28, 2010, 01:16:11 PM
pwede pala 'to dito?

What do you mean? Something wrong with my post?
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: HeavenLight April 19, 2011, 03:52:57 PM
i can relate to that may kilala akong ganyan ang situation, pinaampon lang din siya, lahat pineke para lang magkaroon siya bagong pangalan nung sanggol pa siya, tapos kaya naging legal ang name na ginagamit niya nagpa late registration na lang siya, the sad part is, hindi pa rin niya alam kung ano tunay niyang name hanggang ngayon at kung ano pagkatao niya...

: Re: Boyfriend ng ate ko...
: grecko23 April 19, 2011, 06:36:29 PM
pang maala-ala mo kaya nga!  :applause
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: walaangay April 19, 2011, 08:18:17 PM
No offense ha hindi naman talaga big deal o problemado yung si    jason (a.k.a. joy cruz).Mas maswerte nga sya at mas maganda na  yung status nya. kg legally adopted naman talaga then he has not to worry anything about the past.

Ppsychologically speaking, marami ang nagsabi na yung mga na adopt na hindi talaga nila alam na adopted talaga sila, are by nature, hinahanap talaga nila yung natural parents nila. Unlike sa mga iba na na adopt na from the beginning ay alam na nila at na accept na nila. Marami rin sa mga na adopted children kg maganda ang upbringing sa kanila ng mga poster parents nila na very successful ang kanilang relationship.

Yung kay kason, hindi mystery yun napapanaginipan nya ang real name nya na joy cruz. Psychosamtic na lg yun at instict dahil maliit pa sya naipangalan na talaga sa kanya yun joy cruz. Sometimes, dreams only refreshens the memories of the past with the mixed combinations of some past or present and even fiture affairs of a person.
: Re: Boyfriend ng ate ko...
: monosapien November 27, 2013, 09:57:42 PM
madaming ganitong stories.. nasa net. mga reincarnation