Espiya Technology Boards > MAC OS

2nd Hand Macbook for Beginner

(1/2) > >>

aeon14zyx:
May massuggest po ba kayo na 2nd Hand Macbook for Beginner?

Okay ba ang Macbook Unibody white 2009? worth 10K. Gusto ko lang kasi mafamiliarize sa macbook.

TIA.

RoeNoz:
Depende yan sa pag gagamitan mo bro. Tingnan mo muna ang specs properly. Saka e check mo talaga ang unit o mag sama ka ng kakilala na kabisado ang hardware at software ng Mac. Mahirap kasi magpa repair ng Mac kung sakali may sira lalo na ganyan na ka tagal ang unit.

Saka e check mo kung ano ang lastest na OS ang e support. Baka kasi mabagal na yan kung installan ng bagong OS. Basta check mo ng mabuti from Hardware kung gagana lahat. Ex, ang USB port. Minsan may mga mac na defective na ang USB port na mag prompt na e Low Power ang port kasi nakaka cause ng battery drain.

Check mo din ang Wifi, ang HD. Ang RAM. Remember kung minsan ang baba ng Price kasi meron ng mga defect ang unit. Dapat wise ka talaga.

Dagdag ko pa, check mo lahat ng keyboard keys kung walang problema.

Telesforo:

--- Quote from: aeon14zyx on March 31, 2015, 12:34:56 am ---May massuggest po ba kayo na 2nd Hand Macbook for Beginner?

Okay ba ang Macbook Unibody white 2009? worth 10K. Gusto ko lang kasi mafamiliarize sa macbook.

TIA.

--- End quote ---

Kung familiarization lang naman ang habol mo i suggest mag install ka na lang ng VM then doon ka mag install ng OSX.

Pag bibili ka kasi ng old units merong limitations ang OSX at hindi mo pwedeng install yung latest OS sa old units.

Kung capabilities naman ang habol mo, i suggest hanap ka ng second hand ng mac-mini.

Yung 10k na budget mo ibili mo ng i5 na desktop or HP Laptop na pwedeng mag install directly ng OSX.

aeon14zyx:
Sa tipidpc ako bibili and may mga feedback naman dun yung mga buyer na iba. Naisip ko na rin ang VM kaso gusto ko kasi yung keyboard ay Macfeel talaga lalo na for shortcuts.

aeon14zyx:
Okay po kaya to?

Macbook air 2011 core i5 13 inches 128SSD 4GB Memory. Worth 20k sya
pero natawaran ko ng 16K. Ang issue sa item ay
damaged charger pero working pa naman,left speaker
not working,may scratches sa harap at mabilis na dw
malowbat. Eto yung link http://www.tipidpc.com/viewitem.php?iid=36261556
Nakahingi na rin ako sa kanya ng actual pics at mukhang malinis naman yung item.
Eto na yung mga natanong ko sa kanya.

1. Reason for Sale? Di na nagagamit masyado.

2. Nabili mo ba to ng brandnew? Yes.

3. Ilang taon na ang item? 4 Years.

4. Saan nabili? Liteware.

5. Battery Cycle Count? 632.

6. May personal warranty? 1 Week.

7. Narepair na ba yung loob o kaya nabuksan? Hindi.

8. Ano ano mga accessories kasama nito? Unit, charger, pink matte case.

9. Yun pa rin ba yung orig charger and battery since nabili ng brand new yung unit? Yes.

10. Nasa iyo pa rin ba yung box, manuals and CDs nito? Wala na, discarded during move.

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version