makisingit lang ... sinasabi kasi ng karamihan kung makikiooperate lang ang taong bayan sa gobyerno uunlad tayo, at wala tayong magagawa kay duterte kasi majority ang bumoto sa kanya. Giving this point hindi ba ibig sabihin ang may problema kung kaya hindi uunlad ang bansa eh yun mismong bumoto kay duterte ay hindi siya tinutulungan/tutulungan?
Let say sa crimen , kung 33% percent ang bumoto sa kanya every voter need lang mag matyag ng 2 tao para maging safe ang pilipinas? I don't know if am making a sense pero may point is kung yung mga makaduterte ay umaaksyon mismo sa ikakaunlad ng bansa definitely uunlad tayo kahit 1 year lang or magiging crime free tayo after 6 months.... no nid na makipag bash or away etc dun sa mga hindi bumoto sa kanya.
You don't need to defend duterte you need to move to support your president....sad to say kasi yun mismong majority na bumot kay duterte ay majority din nakatunganga at nanunuod lang sa president nila...
just a simple question para sa mga bumoto kay duterte since nanalo siya anu ginawa nyo sa comunidad nyo para matulungan ang presidente?
Isnt defend and support the same thing? Kung an sinasabi mo ay tulungan sya directly. Tell me how without having to abandon my job. May mga sariling buhay rin tayo. I think thats the point of electing a president. Because we cant do it ourselves we go to someone who is willing to do the job. Kung gusto mo tumulong directly tumakbo ka sa pulitika.
Can i return the question? Para sa mga hindi bumoto kay duterte, ano na ang nagawa niyo sa komunidad para tulungan ang bansa natin bukod sa pambabatikos? Did your protests actually help or just discourages those who are doing their duty for our country?
Halimbawa nalang. Kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanya at ginagawa mo yung kaya mo pero kinekwestyon ka lagi, minumura, tinatawag ng kung ano anong pangalan. Gaganahan ka pa ba magtrabaho? Or baka yun talaga ang intensyon nyo para umalis sya sa pwesto?
Sabi ko nga suggest a better way kung ayaw nyo yung pamamaraan nya. Wala naman kayong sinasabi e reklamo lang lagi. Laging "basta di tulad ng ginagawa nya", "basta di tama yung may namamatay", "hindi nya tinutupad mga sinasabi nya", etc.
Atleast kung may solid alternate action kayo na mas maganda edi yun ang isigaw natin kay duterte atleast constructive criticism yun. Tulungan ko pa kayo magpost ng mga aksyon na naisip nyo at ikalat sa social media.