Sa kabila ng nagsisiksikang mga pasahero sa loob ng Metro Rail Transit (MRT) ay mistulang hindi naman ito inalinÂtana ng isang 20-anyos na binatang estudyante sa Maynila para gumawa ng kahalayan o panandaliang aliw sa kapwa niya pasahero na lalaki sa pamamagitan ng pag-masturbate habang tumatakbo ang tren bago pa dumating sa MRT Boni Station sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.
Bagama’t marami umano ang nakakitang mga pasahero sa ginagawang kalaswaan ay mag-isang tumayo para magreklamo sa pulisya si Ann Mapa, 25, may-asawa, store consignor sa SM Mall of Asia (MOA) at taga-Bagong Silang, Caloocan City.
Pormal na inireklamo at ipinahuli sa pulisya ni Mapa si Erving Hoso, taga-Obesis St., Pandacan, Manila matapos mahuli umano nito sa akto na nagsasagawa ng kahalayan sa ari ng isa pang pasaherong lalaki.
“Talagang uminit ang ulo ko at umakyat ang dugo ko sa ulo sa galit dahil sa kabastusang ginagawa niya (Hoso). Mina-masturbate niya iyong katabi niyang lalaki na nakaÂlabas din ang ari,†pahayag ni Mapa.
“Marami kaming mga pasahero na nakakakita pero ako lang ang nagreklamo dahil ayaw ng maabala ng ibang pasahero kasi nagmamadali sila sa pagpasok sa trabaho at eskuwela,†pahayag ni Mapa.
Subalit mag-isa lang na nahuli si Hoso dahil hindi na bumaba sa MRT Boni Station ang lalaking ginawan nito ng kahalayan.
Dahil sa reklamo ay agad din umanong inaresto nina PO1 Alvin Pascual at PO1 Cliff Richard Delos Santos ang itinuturong estudyante. “Nang tanungin namin siya kung totoo ang reklamo laban sa kanya ay inamin agad naman niya,†pahayag ni PO1 Pascual.
“Kaya nga andito na ako. Inaamin ko na pero hindi ako bakla at hindi ko rin kilala iyong kasama ko,†pahayag naman ni Hoso.
ito yung link.
http://www.abante.com.ph/issue/jun2113/crimes01.htm