Perfect kasi yung situation ng mga dentista para gawan ng krimen, kadalasan nasa loob ng kwarto yan at minsan ay walang assistant(lalo na yung mga sa bahay lang ang clinic), ibig sabihin solong-solo ng mga loko si ms. dentist.
CCTV camera will help.
For pet lovers, makakatulong din si "bantay," meron akong kilala na meron syang alagang aspin/askal na pagala-gala lang sa loob ng house nila pero pinagsasabihan nya yung mga bisita nya na wag syang bibiruin na hawakan or anything na mamis-interpret ng dog na aggressive towards any of the member of their family kasi dun nangangagat si bantay, syempre hindi ko na sinubukan kung nagsisinungaling lang yung kaibigan ko dahil ayokong masampolan ng kagat.
Wag munang tumanggap ng walk-ins, make sure na yung mga kilala muna ang papapasukin sa clinic or yung siguradong referral, kabawasan siguro sa negosyo yan pero mas safe para sa kanila.
Or ang pinakamabuti ay mag aral ng self defense(at seryosohin ang lessons), hindi mo alam kung kelan mo kakailanganin gamitin ito.