Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Nitaqat Issues  (Read 9905 times)

Trigger Davao

  • Pioneer VIP
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 261
  • Karma 42
  • Gender: Male
Nitaqat Issues
« on: October 12, 2013, 08:03:44 am »
Mga kapatid, andito ako sa Jazan ngayon. Specifically sa Jizan Economic City yung project ko.
Plano kong bumalik ngayong third week sa kampo namin sa Ras Tanura kasi binabawal na yung
manpower supply. Supply lang kasi ako dito sa company ko na pinagtatrabahoan ko. Di ko din kasi
alam na manpower supply lang ko naghire sa akin sa Pinas.haaay
Gusto akong ihire ng company pero yung kafeel ko hindi papayag, meron pa kasi akong 1year na naiwan sa contract ko.

Sino sa inyo dyan ang may ganitong kalagayan gaya sa akin?

TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: Nitaqat Issues
« Reply #1 on: October 12, 2013, 09:24:56 am »
Nasa pag-uusap naman ng current company mo at ng lilipatan mo yan kaibigan...

Pero para mapabilis ang transfer...mas maganda kung bayaran na lang yung visa ng company na kumukuha sa'yo sa company na pangagalingan mo...at sa manpower supply, wala namang problema yan as long na may Agreement sila attested ng chamber of commerce...
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!

Trigger Davao

  • Pioneer VIP
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 261
  • Karma 42
  • Gender: Male
Re: Nitaqat Issues
« Reply #2 on: October 13, 2013, 02:46:56 am »
Nasa pag-uusap naman ng current company mo at ng lilipatan mo yan kaibigan...

Pero para mapabilis ang transfer...mas maganda kung bayaran na lang yung visa ng company na kumukuha sa'yo sa company na pangagalingan mo...at sa manpower supply, wala namang problema yan as long na may Agreement sila attested ng chamber of commerce...

Yung nga kapatid yung problema ko, yung hunghang na arabo na nsa HR hindi inaasikaso yung agreement. So before matapos ang buwan na ito dapat meron na akong stamped copy nung agreement tapos kung wala eh mapipilitan na akong bumalik sa kampo ng kafeel ko. Mahirap tumambay marami akong naririnig na dinidelay ang sahod pag wala ka pang trabaho. Dati nung before July pa ako gustong kunin ng company sa kafeel ko. Kaso gahamad tlga yung kafeel ko, tapusin ko daw muna contract ko sa kanya bago ako lilipat.hahay Kung may alam lang ako dati na supply company lang pala itong napasukan ko. Kaya sa inyo jan na mga baguhan or may balak mag Saudi, siraduhin nyo muna yung company na naghire sa inyo.  Magtanong kayo sa mga ex Saudi na or kahit dito para aware kayo. Hindi kayo maging gaya sa sitwasyon ko ngayon. :D

Shokran TigerClaw

TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: Nitaqat Issues
« Reply #3 on: October 13, 2013, 03:09:03 am »
Walang problema kaibigan...ingat lang diyan sa trabaho mo....make it sure na bago dumating ang November ay may agreement na dahil manghuhuli na naman ang jawazat....

About naman sa sahod, di mo naman problema yun kung ma-standby ka....kaya dapat sasahod ka pa rin ontime...
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!