Espiya

Global Espiya - Regional Forums => International Forums => Middle East Forum => : TigerClaw March 09, 2014, 04:21:55 PM

: Mga Arabong Snatcher (Al-Khobar, Saudi Arabia)
: TigerClaw March 09, 2014, 04:21:55 PM
Sa lahat ng mga kababayan ko na nasa Saudi Arabia, specially in Al-Khobar sa may tagiliran ng As-Salama Hospital harapan ng GUSTO Restaurant...ingat po kayo sa mga Arabong mandurukot...isang oras palang nakakalipas, muntik ng mabiktima ang kasama ko sa trabaho..binangga siya ng isang Arabo sa harapan tapos may isa sa likuran niya na binangga din siya...buti na lang napatingin ako sa kanya at nakita kong dinudukot nung nasa likuran niya ang bulsa niya sa harapan while yung nasa harapan naman niya dinudukot yung bulsa niya sa likod...sa pagkagulat ko sinapak ko po yung Arabo pero di'ko tinamaan tapos nahablot ko yung damit na suot niya sabay takbo sila kaya nagkapunit-punit yung damit nung isa sa kanila...hahabulin ko po sana pero pinigalan na ako ng kasama ko baka raw mapasubo pa ako...dahil wala naman daw nakuha sa kanya...

Sa mga kababayan kong nasa ibang bansa...ingat po kayo sa paglalakad sa mga madidilim na bahagi ng kalsada at baka kayo naman ang susunod na mabiktima...

Paki-share po para malaman ng mga kababayan nating andito sa Al-Khobar...
: Re: Mga Arabong Snatcher (Al-Khobar, Saudi Arabia)
: sphinxavior March 09, 2014, 06:04:09 PM
Salamat sa babala..

Last December naman, habang naglalakad ako sa A street, bago mag 1st street, Al Khobar din, pauwi, gabi, hawak ko iphone ko, may natanawan ako nakabike  sa kabilang kalsada, hindi ko pinansin. Mayamaya, may humablot ng  phone, buti mahigpit hawak ko pero nakuha pa rin nya, kaso sa pagkakuha nya, lumuwag yung casing na mophie tapos ang nahawakan nya eh yung ilalim, kaya nabunot yung phone at nagpatak sa kalsada. Ang nakuha nya eh yung lower part ng casing pero tinapon din nya. Buti na lang. Kaya ingat kayo.

Ingat din sa mga manyak.