good day mga co-spies! may katanungan lang po ako sa mga naka-bi-xenon projectors like AES or Morimoto or stock projector installed sa kotse. ano pong silbi nung solenoid?
nagagandahan po kasi ako sa mga kotseng naka-projector dahil may limit lang yung height ng light nya. nagpa-install po ako ng led projector sa motor ko pero hindi naging ganun ang resulta. oo nga at concentrated din sa kalsada yung liwanag nya pero pagdating sa height, walang guhit di tulad ng mga kotse na meron. iniisip ko, baka dahil walang solenoid ang mga led projectors di tulad ng mga hid projectors na meron.
and lastly, pwede ko kaya salpakan ng ordinary h4 or tri/quad/hexa led yung bi-xenon projector? ayoko kasi ng hid dahil malakas sa batt and mainit so balak kong led headlight ang ikabit at ibenta nalang yung ballast and bulb. possible kaya yun? may margin pa rin kaya yung height ng ilaw nya kung naka-led?
sana may makapag-provide ng kasagutan sa aking malikot na kaisipan. marami pong salamat at more power to all espiyas out there!