since i quoted bello regarding his take on ateneo, i better answer this one
1) Galing si Bello sa Ateneo, dun siya nagtapos ng kanyang BA. Kung ano man ang opinyon niya sa kanyang alma mater ay maaring base sa kanyang personal na karanasan. Tama man siya o mali ay walang halaga sa amin, wala naman kami talaga pakialam (meaning our class who listen to his lecture) sa mga ateneans
2) Kung mas mahirap man ang exam sa ateneo, isang bagay ito na hindi malalaman ng karamihan pagkat kakaunti lamang ang mayroong pribilehiyo na kumuha ng pagsusulit sa ADMU. Marami sa amin ang hindi makakaya na magbayad siguro kahit entrance exam.
3)Kung may natatawa sa mga taga-ateneo, maaring may nakakatawa talaga, tanungin natin yung mga tumatawa.
4)kung wala namang nakakatawa pero tumatawa sila, karapatan pa rin nila yun, kapag kami ang pinagtatawanan ng mga atenean at tinatawag ng kung ano ano, hindi namin sinasagkaan ang kanilang karapatan...
Isipin din natin na karamihan sa mga nagtuturo sa UP ay nagtuturo rin sa la salle, ateneo, miriam at iba pang pamantasan, maaring may alam sila na hindi natin alam..
Simple lang ibig ko sabihin, sabi nga ni Vic Sotto, walang basagan ng trip.. , naririto tayo para aliwin ang ating sarili tungkol sa mga quotable quotes.
peace..