Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Ancient Filipino Weapons  (Read 12811 times)

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #25 on: January 26, 2009, 10:25:30 pm »
Quote
hindi man lang na mention ang mga moros natin!!!

wala pa naman word na pinoy nun

nag colonize sa Pinas ay galing Malaysia at Indonesia so yung technology ng Malaysia at Indonesia ang ginagamit nila

at that time  nakapag-penetrate na ang kor'an sa pinas bago dumating ang kastila


rayn1984

  • Guest
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #26 on: January 27, 2009, 12:11:32 pm »
wala pa naman word na pinoy nun

nag colonize sa Pinas ay galing Malaysia at Indonesia so yung technology ng Malaysia at Indonesia ang ginagamit nila

at that time  nakapag-penetrate na ang kor'an sa pinas bago dumating ang kastila



im sorry my friend pero i think di mo ako nagetz. sad to say kung titignan ang mga official na world history mababasa na si magellan ay pinatay ng mga barbaro sa timog silangan habang siya ay ay nanunuklas ng mga bagong lupain at tumutuklas ng mga bagong ruta patungo sa lugar ng pinagkukunan ng panahog at sangkap pangluto ng espanya. kahit nga sa cartoons na the blue water wild men ang tingin sa mga pilipino e(mahiwagang kwintas ang title nito noong pinalabas sa abscbn before). ang point ko dito tinawag silang barbaro sa timog silangan, wild men ,or watever. at hindi sila tinatawag na indonesian nor malaysian descendants di ba? hindi rin inaddress na early filipinos or whatever kahit early inhabitants of southern philippines. besides meron  ka pang isang mali dahil hindi ka nagbabasa ng history maiigi pare ko, wala pang pilipinas, hindi pa dumadating si magellan, meroon ng bansa ang mga moro, kaya nga ang mga rebeldeng muslim e gusto kunin ang mindanao at gawing bangsamoro dahil talaga namn me bansa na ang mindanao. un nga lang natabunan at di na ito masyado makikita sa mga pahina , pero ngyari history parin iyon.

at pare ko hindi lang malaysian at indonesian ang nagcolonize sa pinas. siguro pwde pa nating sabihing asutronesians ang mga unang nag colonize ng pinas.

at tama ka ng penetrate na ang islam sa southern part dahil, again me sulatanate at me kaharian na dati a tumangkilik sa relihiyong galing sa gitnang silangan.

pasensya na sa mejo mahabang explanation bro gusto ko lang sagutin ng malinaw ung sinasabi mo dahil duoon sa dating topic na nagdebate tayo, banat ka lang ng banat without checking out kung ano ung ibinabanat mo.

point ko lang po e hindi naiaddress sa atin ng wikipedia, and maybe some other periodics and books didnt mentioned our moros as well

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #27 on: January 28, 2009, 12:02:06 pm »
i would've loved to have met mang ben as well. great great man. i swear he could pulverize my sorry @$$ even though he's well into his 80's. the man's a legend not just in the FMA world.

i'm kinda presuming you've been with the art far longer than i have(?). i started 2007ish. is sir jon still around? i only hear news about him from my teacher, seniors and ever reliable youtube. ;D

i wonder, any other eskrimadors here in espiya?

Guro Jon Escudero po ba? I've heard of the man pero I've never met him. Balita ko nasa Israel na daw naka base.


Follow up ko lang opinion ko about the Kampilan, the Kampilan's hilt is usually designed to resemble the Bakonawa (Philippine Sea Dragon) or maybe Buwaya. As Far as I know. Pinoys lang ang may Bakonawa mythology and Buwaya worshippers in the area. I could be wrong. But if I'm right then maybe Kampilan is indeed a true Filipino invented sword. Since most Kampilans are designed with the Bakonawa in mind. It makes me wonder, where is the origin of the Bakonawa myth could also be the origin of the Kampilan.

manyakihiro

  • I Am a Night Creature ......... I crawl at night.
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1143
  • Karma 0
  • Not Intrested w/ d Status Quo, I'll Overthrow it..
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #28 on: May 15, 2009, 07:25:48 am »
Gleng gleng ni Zero at Blacksheep..... histo majors ba kayo? Penge naman raedings nyo tungkol sa Malays bago dumating ang mga kastilaloy.

Hehe baka may mga digital files kayo....Lalo ako nainterest jan dahil nagtatrabaho ako sa Indo ngayon. At ang salita nila ay marimng similar words sa Tagalog, ILokano, at konti sa  Visayan language...

Gleng-gleng!!!! toast:: toast:: toast:: at  finger4u para sinyo




Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #29 on: May 15, 2009, 08:04:43 am »
I don't know about blacksheep, pero ako wala ako gaano pinag aralan sa history, nagbabasa lang ako when I have time.. Other than that.. Karamihan ng nalalaman ko sa local history ay dahil narin sa pagiging arnisador ko. In which kapag arnisador ka and marami ka nakakasamang intelektwal na arnisador din madalas nagiging topic ang local history.

Arnis has always been a part of wars involving Filipinos, at ang sabi nga ng iba... Ang history naman talaga ay istorya ng mga pakikipag gyera ng mga tao. Wala naman ako mga digital files na magandang i share sa sa ngayon..

May mga ilang-ilang PDF files pero inaccurate yung mga ibang details about local history, pero arnis centered yung mga PDF files na yun.

You can try Googling pre hispanic philippine history and histories and legends surrounding moro weapons and if you want try researching some things about Arnis histories narin.
Maraming sources sa net. Pero pagdating sa Philippine history, you must take it with a grain of salt kasi some write ups are inaccurate.

deepspeed

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 82
  • Karma 0
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #30 on: May 15, 2009, 04:40:20 pm »
Maganda ang talakayan at kawili-wili.
kay matangdilis (tagalog.ws) galing yung ibang sources nyo. Isang professor ng history at aking kasama sa isang proyektong animation tungkol sa pagtatagpo ni Magallanes at Lapulapu.

Kung nais nyo, punta kayo sa http://www.pinoyblender.com/battle-of-mactan-initial-story-sources-t436-10.html
Kung anu man ang input nyo ay ikalulugod.

---

Syanga pala naririto ang isang mahusay na pagkaka-presenta ng kasaysayang aralin tungkol sa mga mananakop ng Pilipinas. Sinasaad dito na ang lumipig sa Pilipinas ay mga Pilipino. Kung ano ang Pilipino- basahin nyo dito sa http://www.elaput.org/conqtoc.htm

Zornhau

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1534
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Forever Alone
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #31 on: May 15, 2009, 06:33:15 pm »
Maganda ang talakayan at kawili-wili.
kay matangdilis (tagalog.ws) galing yung ibang sources nyo. Isang professor ng history at aking kasama sa isang proyektong animation tungkol sa pagtatagpo ni Magallanes at Lapulapu.

Kung nais nyo, punta kayo sa http://www.pinoyblender.com/battle-of-mactan-initial-story-sources-t436-10.html
Kung anu man ang input nyo ay ikalulugod.

---

Syanga pala naririto ang isang mahusay na pagkaka-presenta ng kasaysayang aralin tungkol sa mga mananakop ng Pilipinas. Sinasaad dito na ang lumipig sa Pilipinas ay mga Pilipino. Kung ano ang Pilipino- basahin nyo dito sa http://www.elaput.org/conqtoc.htm

Deepspeed, salamat sa mga links.. Ang daming pwedeng basahin di ko malaman kung ano ang sisimulan ko... Nacurious ako dun sa animation project ninyo... Ano ba yan ipapalabas nyo na yan at saan?

About dun sa Pilipino ang lumupig sa pilipinas, ang ibig sabihin mo ba ay ang mga pangkat pilipino na sumapi sa expedition ni Miguel Lopez De Legazpi ang talagang nakipaglaban ng harap harapan para itumba ang maynilad? Kasi ang pagkaka - alam ko talaga dati sa bilang pa lang ng mga Kastila ay mahihirapan silang talunin sila Rajah Soliman at kakailanganin nila ng tulong. Kaya ang mga sumaping pilipino (sa pagkaka-alam ko karamihan sa mga sumapi sa mga Kastila ay mga Bisaya) ang nagsilbing front line nila sa digmaan laban sa Maynila?

OT question:
Dahil isang history professor ang katrabaho nyo sa isang history based animation. History major din po ba kayo?

1 pang katanungan sana... Sa pagkaka alala ko nasaad sa diary ni Pigafetta na ang nakapag patumba kay Fernando Magallanes ay isang talim na ikinompara ni Pigafetta sa isang Scimitar. Ang problema ko ang laging depiction sa pumatay kay Magellan ay may hawak na Kampilan. Samantalang ang Kampilan ay malayo ang disenyo sa isang Scimitar (Talwar). May input kaya si Prof. kung anong patalim ang ginamit laban kay Magellan? Ano nga ba ang mga patalim na mukhang Scimitar sa tribo ni Magellan (Di ko pala sigurado kung ano tribo niya).

maveriq96

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1425
  • Karma 12
  • Gender: Male
  • banzaiiii!!!
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #32 on: May 30, 2009, 04:12:33 am »
ancient din ang sibat at tirador.....

dying4you

  • "...ang mamatay nang dahil sa 'yo."
  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 243
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ancient Filipino Weapons
« Reply #33 on: March 20, 2010, 08:36:56 pm »
e yung indian pana? ancient din ba yun?