Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Las Pinas Modus  (Read 2992 times)

jujjay

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 240
  • Karma 2
  • Gender: Male
Las Pinas Modus
« on: October 05, 2008, 03:53:42 am »
email lang ito na natanggap ko mga fafs. patuwad este patawad kung posted na. actually tama yung isang point dito na dapat magdala na ng tear gas. bumuli ako sa pcxchange, 750 pesos na mace, pati na rin sa commander ko. mahirap na e...

yung email:

Share ko lang what happened to me a few weeks ago. Ingat kayo sa mga tumatawid.

I was driving along Alabang Zapote road, Las Piñas infornt of Southland with my girlfriend. Traffic nung time na yun (what's new) around 10:30 PM to 11:00 PM, Saturday. Then may tumawid na dalawng lalaki sa harap namin. Bigla syang tumigil nung pag ka lagpas namin at bigla akong pinag mumura at pinag duduro habang yung kasama niya nanunuod lang. Syempre nagulat ako kung ano problema nya. At nung sumenyas ako sa kanya kung ano problema nya. Bigla na lang nagwala na sya at pinag hahampas ang windshield nung kotse using his hands. Then binuksan ko bintana ng konti at tinanong ko kung ano talaga problema nya, ang sabi nya sasagasan ko daw siya at pinag mumura ako at pinababa ng sasakyan habang pinapalo niya yung kotse. Pero ang totoo nag full stop ako para makatawid sya at impossibleng masagasaan ko sya dahil sa sobrang traffic. Syempre sa sobrang pikon ko at puro hampas na ang oto ko at puro mura inabot ko sa kanya. Nung aktong baba na ako ng kotse may 3 lalaking biglang sumulpot sa passnger side (side ng girlfriend ko) at bigla nilang binubuksan yung pinto nya. Na pasigaw ang girlfriend ko sa gulat at takot, naiisip ko na lang na iabante na yung kotse because of her security and yung mga car sa harap ko pinasingit na nila ako para lang makalayo. At buti na lang naka lock ang door nya at di pa ako naka central lock kasi naka unlock na yung side ko.

Then nung makalayo ako ng konti nag hanap agad ako ng police station to report kung ano nangyari. Ang pulis naman rumisponde agad at sinamahan akong hanapin yung mga lalaki. Unfortunately dina sila nakita.

Sabi nung isang pulis modus daw yun, na tatawid sila at bigla kang aawayin at pag bumaba ka ng sasakyan bigla papasok yung mga kasama nya sa kotse mo at lilimasin yung mga gamit mo habang nakikipag talo ka. Pinakita niya sa akin yung isang report na parehas din yung nangyari.

Imagine kung ako kaya nangyari kung nabuksan nila yung door ng girlfriend ko? Thank God alang nangyari sa amin at okay naman oto ko. Pero na trauma si girlfriend for how many days.

Things you can do..
1. Always lock your door before leaving.
2. Always carry a teargas sa kotse mo, two for both sides. (Open mo lang ng konti yung window mo pag may sumugod then spray it to there face). Sabay abante.
3. Wag agad baba ng kotse kung di kailangan. Don't need to prove anything. Minsan mas okay ang nagiisip keysa sa inuuna ang tapang.
4. Bring a gun then shoot them in the head (wish ko lang. hehehehe!).

Ingat lagi mga paps. Inform your love ones para hindi din sila mabiktima.


TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Las Pinas Modus
« Reply #1 on: October 05, 2008, 05:01:24 am »
almost something similar happened to in recto. di ko na matandaan kung anong intersection iyon around 10pm siguro, red light so nakahinto ako. then biglang may lumapit sa kotse at sinipa yung door ko. mag isa lang ako sa kotse, nagflare up agad init ng ulo ko, buti na lang i still have my wits, naisip ko agad what if kung lumabas ako at may mga kasama pa pala iyon, baka agaw kotse. pinabayaan ko na lang magmumura, ng mag green light umalis na ako. then itinawag ko sa uncle ko sabi modus nga daw iyon. kaya lang pag uwi ko, sira door ng kotse, 15k gastos to have it repaired.

kaya ingat ingat sa pagmamaneho. madami pang modus involving cars.

IWM

  • Meet the real Mother F'r
  • MILF Negotiators
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6606
  • Karma 138
  • Gender: Male
  • Hide your moms...
Re: Las Pinas Modus
« Reply #2 on: October 05, 2008, 06:08:24 am »
tsk tsk tsk..kung ano ano na lang maisip nila modus..ingat lang tayo mga pre
NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='(   NAWAWALA YUNG SIG KO... ='( 
"Without evil, there can be no good. So it must be good to be evil sometimes." ;D

jpetrucci_02

  • Guest
Re: Las Pinas Modus
« Reply #3 on: October 05, 2008, 06:26:19 am »
tsk tsk.. taga maLapit pa naman ako dyan.. cge toL thanks for the info.. ibabaLita ko sa mga mahaL ko sa buhay ko yan.. mamatay na sana yang mga yan!  gun::

Hayblad

  • Endangered Species
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1498
  • Karma 26
  • Gender: Male
  • If you have nothing good to say..SHUT THE F*CK UP!
Re: Las Pinas Modus
« Reply #4 on: October 05, 2008, 06:37:04 am »
uso yata yan ganyan gmik, ganyan din dito sa Los Banos, mamatyagan kung centrlalized ang locks mo, pagbukas ng driver's door at pag bumukas lahat ng pinto eh go na ang mga kasapakat ng walangya, yun isang nangyari dito sa isang doctora eh nakamotor naman, pagsakay na pagsakay nya eh natutukan ng mga nakamotor, buti na lang at naisara agad ni doctora yun pinto

rAvEnShAwNâ„¢

  • The One and Only Grim Overlord of PinoySpy
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 543
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • "The True Blooded Espiya"
Re: Las Pinas Modus
« Reply #5 on: October 05, 2008, 08:01:22 am »
dapat sa mga taong yan ginaganito  gun:: gun:: gun::. mga taong hindi makahanap na desenteng trabaho... dapat sa mga yan sinasalvage. iingat lang mga spies sa pagmamaneho at paglalakad

My Gears:
Nikon D300s + 18-105mm VR + 18-200 VR II + 85mm f/1.8 +  Tokina 11-16mm f/2.8
MB-D10 Battery Grip
Nikon SB900 Speedlite
Tamrac Velocity 5767 Camera Bag
Vivitar II Tripod

gh0st

  • The Ghost Rider "Penance Stare"
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1580
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Johnny Blaze
Re: Las Pinas Modus
« Reply #6 on: October 05, 2008, 04:25:19 pm »
This is disturbing thinking hometown ko ang Las Pinas... Luckily di ko pa na-tyempuhan ang ganitong modus ng mga mokong na sindikato... Thanks for the heads up bro mukhang stick to commute muna ako delikado ganitong modus kailangan may security weapon ka sa auto...
PS3 Gamer

Games: MGS4/LBP/GOW3/GOW Collections/Dante's Inferno/Heavy Rain
PS2 Slim CB-7006 Charcoal Black
PSP Deep Red GOW Edition
PS3 40GB NTSC/J Piano Black
--------------------------------------
PSN: ryojan

manoyihay

  • tissue please!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6140
  • Karma 42
  • Gender: Male
  • With a shirt like this, who needs pants?
Re: Las Pinas Modus
« Reply #7 on: October 05, 2008, 07:20:08 pm »
madali pa namang uminit ang ulo ko.

salamat sa info ka espiya dobleng ingat na talaga sa panahon ngayon.  ::redalert

Paprika

  • Melodramatic Fool
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6079
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Boy Haiku
Re: Las Pinas Modus
« Reply #8 on: October 05, 2008, 07:46:59 pm »
Hehehe lagi ako sa Southland may chicks kasi akong nakita dyan at masarap na goto/pares place.
I know a word that starts with F and ends in UCK. Firetruck.


super sentai addict

  • Takeru-Michael Joe
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 175
  • Karma -1
  • Gender: Male
  • go on!
Re: Las Pinas Modus
« Reply #9 on: October 05, 2008, 09:32:58 pm »
malapit pa naman kami dito

thanks sa info paps
PS3 fanboy

keyjay

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 33
  • Karma 1
Re: Las Pinas Modus
« Reply #10 on: October 06, 2008, 03:04:58 am »
happened to me once. sinundo ko ang asawa ko sa ATC and she decides to drop by her friend's house sa Las Pinas. the same thing happened, two person crossed in front of the car nung may traffic and one of them started banging the car's window. good thing my wife brought her digicam with her and nilabas nya and took a video of what the guy did to the car. ebidensya sana. when the guy noticed, ayun, kumaripas ng takbo. hope this situation would help Espiya members counter the modus in a peaceful manner.

Bill Clinton

  • Paparazzi
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4649
  • Karma 237
  • Gender: Male
Re: Las Pinas Modus
« Reply #11 on: October 21, 2008, 05:52:55 pm »
Ingat ang mga tiga south. Madami kasing matataguan diyan, and madaling makatakas ang mga masasamang elemento na to.
"I want you to listen to me. I'm going to say this again: I did not have sexual relations with that woman, Miss Lewinsky."