Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Ang Sulat ni Maria  (Read 3356 times)

Prince Barry

  • Prinsipe ng Korokan
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1536
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Prinsipe rin ng kalokohan!
Ang Sulat ni Maria
« on: July 13, 2006, 04:37:34 am »
        Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpapagamot din doon pero di nagtagal namatay din ito.

        Dahil sa kamahalan ng pasahe pabalik sa Pinas, nagtipid si Maria. Pina-uwi nya na lang ang kabaong ng kanyang ina nang mag-isa.

        Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya nya na dikit
ang mukha ni nanay sa salamin ng ataul. Nagkomento ang isang anak, "Ay naku! Tingnan mu yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!"

       Upang ayusin ang bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham ay mula kay Maria:





        Mahal kong tatay at mga kapatid,



        Pasensya na kayo at hindi ko masamahan si nanay sa pag-uwi dyan
sa Pinas dahil napakamahal ng p! amasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay higit $1,000 na. Ayoko ng isipin ang eksaktong halaga. Anyway, pinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...



        Nasa likod ni Nanay ang dalwangput-apat na Carne Norte.

        Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay.

        Ang limang paris ng degoma ay nasa loob ng dalawang asul na
Jansport na bagpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

        Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni
nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y di ito natunaw.

       Ang Pokemon stuff toy na yapos-yapos ni Nanay ay para sa bunso
ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.
     
       Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
       
       Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng
Pokemon trading cards and stickers.

      Suot ni Nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang
Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-isa a! ng mga
pamangkin ko.
        Maisusuot nyo yan sa fiesta.

      Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para
sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot ninyo yan sa mga parties.

     May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni Inay... para kay
itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-iisa yung mga
pamangkin ko at iyong isa ay para kay Pareng Tolome.

    Ang tig-dalawang pares ng Nike wristband at knee caps ay suot
din ni Inay ay para sa mga anak mo kuya na nagbabasketball.

       Tigdalawang ream ng Malboro Green at Winston Lights ang nasa
pagitan ng mga hita ni Inay.

       Apat na jar ng Skippy peanut butter, dalawang dish washing
liquid, isang Kiwi glass cleaner, at tig-anim na Colgate at Aqua Fresh ang
nakasiksik sa kili-kili ni Nanay. Hati-hati na kayo... Huwag mag-aagawan.

       Isang dosenang bra na gustong-gusto ni Ka Iska, suot-suot din
ni Nanay. Alam kong inaasam - asam ninyo iyan t'ya.

      Ang hikaw, kwintas (na may nakakabit na nail cutters), singsing
na gustong-gusto mo ate, suot-suot din ni Inay. Kunin mo na rin agad ditche.

      Mga Chanel at Champion na medyas ang suot-suot din ni Inay. Tig-isa kayo ng mga pamangkin ko.

     Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table
napkins at mga scoth brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath
towels... iyon bale ang pinang-kutson ko sa kabaong ni Nanay. Marami-rami rin iyan...
        Parte-parte na kayo.

        Marami pa sana akong ilalagay kaya lang baka mag-excess at si
Nanay pa ang maiwan.

       Basta parte-parte na kayo Tatay, Kuay, Ate, Nono, Nene... para
sainyong
        lahat iyan. Bahala na kayo kay Nanay. Ipapa-misa ko na lang
siya dito.
        Balitaan na lang ninyo ako pagkatapos ng libing.



        Paki-double check nga rin pala ang lista kung walang nawawala
sa mga ipinadala ko.



        Nagmamahal,



        Maria

PinagpalA

  • pagpalain nawa ang mga taong mapag kawang gawa!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2590
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • mahalin ang dapat mahalin!!!!
Re: Ang Sulat ni Maria
« Reply #1 on: July 13, 2006, 05:26:59 am »
una pare wrong thread ka dapat sa comedy room

pangalawa pre posted na ito  ni pareng greenjoseph

http://espiya.net/forum/index.php?topic=45068.0
There's nothing as nice as someone who shares,
your laughter, your secrets, your wishes n' cares,
someone who's there through your good times and tears, who stays by your side as your spy through the years.

Prince Barry

  • Prinsipe ng Korokan
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1536
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Prinsipe rin ng kalokohan!
Re: Ang Sulat ni Maria
« Reply #2 on: July 14, 2006, 09:25:42 am »
ganun ba.......

kc kapag nilagay ko sa comedy e alam na, joke lang ito......

anywak pakilock na lang hooo......MODZZZZ

tnx.

sweetbayag2

  • mahirap labanan ang katamaran, nakakatamad kasi
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4211
  • Karma 53
  • Gender: Male
    • wag ka makolit, pumpyangen keta jan eh. . . .
Re: Ang Sulat ni Maria
« Reply #3 on: February 18, 2007, 12:58:04 pm »
ngek!! >:(
ang pagbabalik http://pickourbricks.com
http://stores.ebay.com/pickourbricks
di nako bastos, negosyante na po ako

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Ang Sulat ni Maria
« Reply #4 on: April 11, 2007, 04:30:45 pm »
ngek din................   laffman:: laffman:: laffman:: laffman::

krista_cuevas

  • SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 831
  • Karma 0
  • Gender: Female
  • pinoy spy will surely rock your world!!!
Re: Ang Sulat ni Maria
« Reply #5 on: May 09, 2007, 11:00:41 pm »
actually matagal na ito,pero pag nababasa ko ito natatawa pa rin ako.kakaiba talaga ang diskarte ng pinoy,malufet!!!