Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Mental Disorder?  (Read 11316 times)

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Mental Disorder?
« on: December 28, 2014, 09:12:22 am »
Good day po mga co-spies.

Alam nyo po ba yung pangalan ng sakit na kapag sumumpong yung sakit na yun, ang resulta eh parang baliw na yung behavior nya? Baka po may idea kayo about sa sakit na yan. Salamat po sa mag she-share. Gusto ko po malaman yung mismong pangalan nyan para po maisearch ng mabuti.

Salamat po
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

Oh-Em-Gee

  • Ang bayang maagang maglandi. Masisibak ng mahapdi
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1121
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • I want my swords big.. and my shields BIGGER
Re: Mental Disorder?
« Reply #1 on: December 28, 2014, 10:33:46 am »
Can you elaborate further?  What are the symptoms being felt or experienced by the person? and by "sumumpong yung sakit na yun"? what do you mean by that?
Give a man a fish and he'll be able to live for a day. Teach a man how to fish and he'll become a fisherman.

bouya harumichi

  • "i only fight with people who look stronger than me! Else i can't burn!"
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 532
  • Karma 76
  • Real Men Need To Stand Out
Re: Mental Disorder?
« Reply #2 on: December 28, 2014, 10:40:39 am »
Bipolar disorder sir??
"If you don't know defeat, it's just because you have only ever been picking on people that weaker than yourselve. There's a word for that: embarrassing!"

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Mental Disorder?
« Reply #3 on: December 28, 2014, 05:10:01 pm »
baka Schizophrenia

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Mental Disorder?
« Reply #4 on: December 29, 2014, 02:29:29 am »
Can you elaborate further?  What are the symptoms being felt or experienced by the person? and by "sumumpong yung sakit na yun"? what do you mean by that?

Let say sir na once a year eh sumusumpong yung sakit nya na yun. So meaning normal talaga sya, yun nga lang pag nag trigger yun sakit nya na yun, ang cause eh parang may mental disorder na sya. As in parang baliw na yung behavior nya. Pero halimbawang ma-check ng doctor, makapag-pahinga at makainom ng gamot eh nagiging normal naman ulet. Wala syang nararamdaman na masakit or kahit ano. Basta ang bottom line lang po Sir, pag nagtrigger or sumumpong yung sakit nya na yun, ang result nun eh parang baliw na sya.
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

brianbat

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 87
  • Karma 8
Re: Mental Disorder?
« Reply #5 on: December 29, 2014, 03:01:34 am »
lunatic

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Mental Disorder?
« Reply #6 on: December 29, 2014, 05:06:27 am »
still baliw is a very broad term

so we analyze

baliw

1.bipolar or manic-depressive
ito ba yung masayahin na tao tapos bigla na lang malulungkot na walang kadahilan

2. Schizophrenia
kapag sumpong ba e nakakakita ng kung ano-ano or nakakarinig sya or may kinakausap sya na wala naman

3. Epilepsy
ito yung sumpong na bigla na lang mangingisay

4. Conversion disorder
ito ba yung sumpong na may sakit pero normal naman ang mga lab result nya

5. Delusion
may sumpong na sasabihin nya sya daw ay dios or sya kaibigan nya si Henry Sy at Gokongwei or sasabihin nya nakama na nya ang mga lahat ng artista sa 2,5,at 7

6. Nervous Breakdown
yung tipong lahat na lang kinakatakutan ang parang mamatay sa nerbiyos

7. Night terror
ito yung sumpong na tuwing gabi-gabi na lang e binabangungot

8.Shop-lifting
ito ba yung nasisihayan kapag nakakaumit sya ng gamit

9. Neurotic
ito ba yung kapag nakakainom e nambubugbog or nanghahabol ng taga

problem kase sa mga pinoy isa lang ang definition nila sa Baliw
baliw ka or sira-ulo kapag dinala ka sa Psychiatrist or may problema sa behavior ka kapag dinala ka sa Psychologist

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Mental Disorder?
« Reply #7 on: December 29, 2014, 10:03:30 am »
Kapag po nag trigger or sumumpong yung sakit nya. Eto po yung mga ginagawa nya or sinasabi nya. (Nung kahapon lang (December 28) sinumpong ulet sya)

1. Salita lang ng salita ng kung anu-ano. Tapos may time na iiyak tapos tatawa.
2. Feeling nya sobrang close sila ng Diyos. Halos puro biblical yung mga sinasabi nya.
3. Gusto nyang sirain or itapon lahat ng valuable materials (TV, mga alahas [sing-sing, relo, hikaw, kwintas])
4. One time hinagis nya yung bunsong anak nya (3 months old, nasa hospital tuloy yung baby)

Honestly kamag-anak ko yung may ganitong sakit mga co-spies. More info : Nung 12 years old sya (31 na sya ngayon), madalas syang nahuhulog (sa kalabaw or sa puno), kaya tuloy parang nabagok yung ulo nya na nag cause ng "super active meningitis", ayon sa Doctor. Kala namin noon mamamatay na sya, pero gumaling sya dun sa PGH kasi magagaling yung doctor dun compare sa province namin syempre. Then mula noong gumaling sya sa "super active meningitis" na yun (1996) hanggang noong 2007 eh okay sya. Then mga 2008, nagsimula na nga na sumusumpong yun sakit nyang ito. Sabi ng doctor may connection daw yung sakit nya ngayon dun sa naging sakit nya nung 12 years old sya. Ang nakakalungkot pa dun, sinabi ng doctor na hindi na daw totally makakaya ng gamot na pagalingin yung sakit nya ngayon. So lifetime na daw syang dapat uminom ng gamot para macontrol yung sakit na yun. Kaya pag napapadalas na hindi sya nakakainom ng gamot, dun sya sinusumpong. Gusto ko kasi talga malaman yung specific na name ng sakit. Wala naman kasing nabanggit samin yung doctor about dun.

Anyway thanks so much po sa mga nagbibigay ng idea nila. Appreciate it.
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Mental Disorder?
« Reply #8 on: December 29, 2014, 12:16:59 pm »
Generally detachment from reality na yan or schizophrenia, pero speculation lang naman to, im not a trained psychiatrist

brianbat

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 87
  • Karma 8
Re: Mental Disorder?
« Reply #9 on: December 29, 2014, 01:57:39 pm »
seems bipolar ang minamanifest nya.ano ba gamot nya matanong lang sir?

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Mental Disorder?
« Reply #10 on: January 01, 2015, 10:59:05 am »
seems bipolar ang minamanifest nya.ano ba gamot nya matanong lang sir?

malabo bipolar kasi hinagis na ang anak eh, since 3 months pa lang ang baby di kaya dahil nabinat to? since when nagmanifest kasi kung after niya manganak then more or less yun nga and since di nainiwala ang doctor sa lamig, possible trace niyan is yung meningitis niya

it ain't over. . .till its over

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Mental Disorder?
« Reply #11 on: January 01, 2015, 10:57:16 pm »
Salamat po sa lahat ng nagse-share ng idea.

Good news po na yung baby nya is okay na.

Pero yung kamag-anak po namin na yun eh hanggang ngayon nasa ospital. Parang walang daw development na nangyayari. Ang hirap din po kasi maki-update dahil nasa ibang bansa ako. Anyway thanks po talaga sa mga idea nyo.
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Mental Disorder?
« Reply #12 on: March 04, 2015, 09:15:09 am »
Kapag po nag trigger or sumumpong yung sakit nya. Eto po yung mga ginagawa nya or sinasabi nya. (Nung kahapon lang (December 28) sinumpong ulet sya)

1. Salita lang ng salita ng kung anu-ano. Tapos may time na iiyak tapos tatawa.
2. Feeling nya sobrang close sila ng Diyos. Halos puro biblical yung mga sinasabi nya.
3. Gusto nyang sirain or itapon lahat ng valuable materials (TV, mga alahas [sing-sing, relo, hikaw, kwintas])
4. One time hinagis nya yung bunsong anak nya (3 months old, nasa hospital tuloy yung baby)

Honestly kamag-anak ko yung may ganitong sakit mga co-spies. More info : Nung 12 years old sya (31 na sya ngayon), madalas syang nahuhulog (sa kalabaw or sa puno), kaya tuloy parang nabagok yung ulo nya na nag cause ng "super active meningitis", ayon sa Doctor. Kala namin noon mamamatay na sya, pero gumaling sya dun sa PGH kasi magagaling yung doctor dun compare sa province namin syempre. Then mula noong gumaling sya sa "super active meningitis" na yun (1996) hanggang noong 2007 eh okay sya. Then mga 2008, nagsimula na nga na sumusumpong yun sakit nyang ito. Sabi ng doctor may connection daw yung sakit nya ngayon dun sa naging sakit nya nung 12 years old sya. Ang nakakalungkot pa dun, sinabi ng doctor na hindi na daw totally makakaya ng gamot na pagalingin yung sakit nya ngayon. So lifetime na daw syang dapat uminom ng gamot para macontrol yung sakit na yun. Kaya pag napapadalas na hindi sya nakakainom ng gamot, dun sya sinusumpong. Gusto ko kasi talga malaman yung specific na name ng sakit. Wala naman kasing nabanggit samin yung doctor about dun.

Anyway thanks so much po sa mga nagbibigay ng idea nila. Appreciate it.

Ang mental illness kasi sa ngayon madalas ipinapangalan sa kung ano ang mga sintomas nito, imbes na kung ano ang dahilan. Sa history ng kamag-anak mo malamang masasabing "organic" ang dahilan (paki-correct na lang kung kinakalawang na ako) ng kanyang sakit. Ang kumpletong paggamot ay treatment, hindi "cure" at dapat naka-focus sa ano ang nagti-trigger sa mga sintomas niya. Hindi lang gamot siyempre, kung hindi pagtukoy sa mga bagay na pwedeng makapagpalala sa mga sintomas. Isipin: Nagkaroon ba ng drastic na pagbabago sa buhay ng pamilya (sakit, panganganak [may tinatawag tayo na post-partum depression, baka nakaapekto ang sobrang hormones sa kanyang risky na emotional state], bago/nawalan ng trabaho)? May nag-iba ba sa routine? May paggamit ba ng alak o ipinagbabawal na gamot?

Reply pa po kung may tanong at hahanap tayo ng doktor na pwedeng sumagot.

lawrencium

  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh baby♫
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 573
  • Karma 116
  • oh enzemeng fereen ekew eng tengeng dehelen oh♫
Re: Mental Disorder?
« Reply #13 on: March 04, 2015, 12:59:54 pm »
Wala akong background sa Psychiatry, pero may mga DSM standards naman, makikita mo don yung mga signs and symptoms.pero pag mag ganyang uri base sa sinabi mo detachment from reality na yan malamang. keep safe

Good Spy

  • Regional: Cebu
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 263
  • Karma 9
Re: Mental Disorder?
« Reply #14 on: March 05, 2015, 01:10:43 am »
tell your relative to undergo acupuncture... drink green tea... kung pwede hanap kayu ng FOG tea.... 100 percent gagaling cya.. at number one.. wag na wag nyo syang ituring na baliw... stop medications... lalo lang cya lalala... trust me....