Ilang araw na din 'tong article na 'to pero di ko pa nakikitang na-post dito.
PNoy, nag-walkout sa disaster meeting sa Tacloban
Unang nadismaya at kinuwestyon ni PNoy ang report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na 95% ng Tacloban ang "devastated" o nawasak dahil sa bagyo.
Hiningan siya ng Pangulo ng basehan sa tantiyang ito.
Itinuro pa ni PNoy ang gusali ng Tacloban City Jail na nasira ang bubong at tinanong kung paano ito ikinukonsidera ng NDRRMC.
Sabi ni Del Rosario, isa itong "minor devastation". Pero tugon ni PNoy, walang bagay na tinatawag na "minor devastation" at dapat na magkaroon ng mas malinaw na batayan ang NDRRMC sa paglalabas ng ulat.
Inihayag pa ng Pangulo, "I'm running out of patience."
Sunod nito, isang lalaking negosyante naman ang tumayo at umapela kay PNoy kaugnay ng looting o pag-atake at pag-aagawan ng mga residente sa laman ng mga pamilihan at iba pang establisyimento.
Hiling nito, ikonsidera ang martial law o state of emergency.
Sabi naman ni PNoy, pag-aaralan niya ito sabay paalalang wala ito sa Saligang Batas.
Nagpumilit naman ang lalaki at iginiit na nagkakagulo na sa Tacloban. Dagdag pa ng kasamahan niya, nagkakapatayan na.
Tinanong ng Pangulo kung ano ang patunay nito sa pahayag. Sagot nito, pinaputukan siya ng baril habang papunta sa police station.
Banat naman ni PNoy, "Buhay ka pa naman a!" Anya, hindi porke't naranasan ng isa ay nararanasan na rin ng karamihan sa mga residente.
Sunod nito, namagitan na ang Presidential Security Group (PSG) at kinausap na lamang ang negosyante at kasamahan nito.
Pumasok na rin si Brigadier Gen. Jet Belarmino para magreport, pero pinutol ito ni PNoy at kinausap na hindi naman narinig ng media.
Matapos ito, tumayo na si PNoy, itinaas ang dalawang kamay saka pumasok sa Tacloban City Police Station.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik din ang Pangulo sa pagpupulong.
Nilinaw naman ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Rey Marfil, na hindi nag-walk out ang Pangulo kundi nag-banyo lamang ito. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37
from: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/PNoy,_nag-walkout_sa_disaster_meeting_sa_Tacloban.html
Eto naman, galing sa New York Times..
Philippines’ President Faces Growing Anger
....
....
Mr. Aquino flew to the devastated city of Tacloban on Sunday, but his public statements have struck some as insensitive. He lashed out at looters and seemed to criticize local officials for their initial failure to help the living and count the dead. Some critics say he has held fast to national pride rather than issue forceful appeals for international assistance.
During a meeting with officials in Tacloban, the president expressed annoyance at his top disaster management official and grew peevish when a local business owner complained of being held up at gunpoint by looters. “But you did not die, right?†Mr. Aquino snapped, according to local news media reports, shortly before presidential guards ushered the man out of the room.
...
...
Source: http://www.nytimes.com/2013/11/14/world/asia/philippines-president-faces-growing-anger.html?pagewanted=1&_r=0&rref=world&hpw