Since ang gusto mo pala eh web development, edi dyan ka magconcentrate. Kaya lang sabi mo hindi ka magaling sa programming, eh programming ang web development. So ang gagawin mo, mag practice ka lage, research, basa ng mga tutorials online. Maganda din ang income sa web developing, pero dapat may database yan ha. Useless pag static website lang. So kung marunong ka sa PHP, dapat lageng may kasamang MySQL yan.
Maganda din yung Network Engineer. Wala ganong programming yan. Networking lang talaga. Cisco certificates naman ang magandang makuha para sa field na yan. Kaya lang hindi basta-basta ang pagkuha ng Cisco Cerficates. Pero kung gusto mo talagang magroon ng certificates, dahil talagang nakakatulong yun sa pag-aaply, pwede ka kumuha ng simple lang muna since wala kapa ganu experience. Sa TESDA yata may certificates silang ino-offer dun regarding IT fields. Pwede sigurong subukan mo yun.
Wag ka matakot na wala ka makukuhang trabaho, meron at meron yan. Tsagayaan lang.
Share ko lang expi ko sayo ha:
In my case, dyan din ako nagsimula. Wala pa di akong ganung alam pagka-graduate ko. Ganun naman yata talaga eh. PHP tsaka MySQL lang ang bala ko nung nag-apply ako. Tapos konting networking lang. Tipong pang setup lang ng computer shop. Ganun lang. Hindi nako nanguha ng kahit anong cerficate. After 3 years, eto ako ngayon sa Oman. IT Engineer under ng Hyundai Engineering. Research, basa ng mga tutorials, tanong-tanong sa forum tsaka practice. Yan lang ang ginawa ko. Ako nalang nagturo sa sarili ko.