Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Budol Gang muntikan na  (Read 13110 times)

Skrappy <3

  • Espiya Fuckaroo <3
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 972
  • Karma 8
  • Gender: Male
  • Sex is a part of nature. I go along with nature.
Budol Gang muntikan na
« on: June 08, 2013, 01:32:04 pm »
Hindi ko Story to, Its a story of a close friend of mine.


Kanina, mga bandang alas tres ng hapon sa tapat ng Hap Chan Restaurant malapit sa intersection na gaya ng SM sa Pala- pala, Dasmariñas, Cavite ay naghihintay ako ng masasakyan na bus pauwi sa Trece Martires City, Cavite kung saan may lumapit sa'king isang lalaki na tawagin nating boy1. Nagtanong siya kung saan daw ba ang Langkaan, kung sa doon daw ba (habang itinuturo yung kabilang daanan na tabi ng Robinson's) sabi ko naman, lahat po ng mga masasakyan na dadaan dito, dadaan po sa Langkaan. Nagpapatulong siya kung saan, at dahil sa awa at gusto ko naman siyang matulungan dahil maliit na bagay lang yun. Tinulungan ko siya. Sinabi niya kasi na OFW daw siya na galing sa Middle East at 6 years na daw siya dun. Kasal daw ng bunsong kapatid niyang babae bukas kaya naman may hinahanap siyang studio na may tindang camera na pang coverage ng kasal. Hiniling niyang sumabay na lang sa'kin sa pagsakay ko at ibaba siya sa Langkaan. Yun naman ay pinaunlakan ko. Habang nasa dyip kami, sobrang napakarami pa niyang kinwento. Literal na mula sa pagsakay namin sa sa Pala-pala hanggang makababa ng Langkaan e nagkukwento siya, kesho ang hirap daw sa pinagtatrabahuhan niya kasi daw nagpapababa daw ng ekonomiya dun yung 7-star hotel dun na puro ginto, hindi daw nagclick kasi sobrang mahal, lugi daw dahil napakamahal ng pagpapagawa. Sa lahat ng kwento niya, oo lang ako nang oo. Alam ko pa ang ginagawa ko nun, hanggang sa nakuha niya na ulirat ko at na hypnotize na ako. Napababa din ako sa Langkaan. Pagdating sa Langkaan, may isang lalaki siyang natawag na hindi ko namalayan na tawagin nating boy2. Agad namang napakiusapan ni boy1 si boy2 na tumulong sa kanya kaya dalawa na kaming natulong sa paghahanap ng studio ni boy2. Sa papel na dala ni boy1 kanina, ang nakalagay lang e yung brand at detalye nung camera na kailangan pati yung presyo na 25.5k na sinabi daw nung kaibigan niya sa kanya. Nagtaka ako na walang address. Pero ang tanga ko talaga, sumama parin ako. Binigay ni boy1 kay boy2 yung papel at sinabi ni boy2 sa'min na siya na lang ang hahanap at maiwan na lang kami sa pwesto namin kung saan kami nakatayo. Pagbalik ni boy2, may breakdown na yung presyo kasama yung mga libre na tripod at iba pa sa halagang 25k na lang may nakalagay din na plate number ng motor. Sinabi nung boy1 na hati na lang kami ni boy2 sa 500 kasi tinulungan namin siya. Sinabi naman ni boy2 kay boy1 na kakausapin lang niya ko saglit at pinakita sa'kin ni boy2 na kasama sa breakdown yung 30% which is 7.5k na para sa agent at kaming dalawa daw yun ni boy2. Nakiusap pa si boy2 sa'kin na sa 7.5k, kanya yung 4 at akin yung 3.5 since siya naman daw naghanap ng studio. Gaya kanina, oo lang ako nang oo. Sabi ni boy2, ang mangyayari daw, pupunta daw ako sa FCIE sa may Ministop para kunin yung camera kasi wala daw stock sa studio. Manggagaling pa daw sa isang branch malapit sa Robinson's Pala-pala na isang studio din yung camera. I-check ko daw yung delivery nun sa plate number ng motor na nakalista. Ako daw kukuha nun at sa'kin ibibigay yung bayad na 25k. Samantalang si boy2 at boy1 daw ang pupunta sa studio para pumirma dahil kailangan daw yun. Naghinala si boy1 sa'min ni boy2 dahil may pinag usapan kami na hindi siya kasali at ito yung hatian sa 7.5k. Dahil dun, sinabi ni boy2 na ibigay na daw sa'kin yung 25k kasi ako yung magbabayad at bilang kapalit, ibigay ko daw kay boy1 yung paperbag na dala ko na may lamang mga binili ko sa SM at doon, inilagay ni boy2 sa paperbag yung wallet niya at Cp niya. Hiniling pa ni boy2 na ilagay ko ang Cp ko na hawak hawak ko. Dun na ako nagsalita. Sinabi ko na hindi ko ilalagay cellphone ko diyan. Para makasiguro ako, kinuha ko yung sinasabi ni boy1 na 25k na nakalagay sa medyas ng baby! Na sobrang hirap buksan dahil sa hindi maintindihang pagkakatali! Ibinigay ko ulit yun kay boy1 at sinabi kong ikaw nga magbukas po niyan. Nakita ko ang laman at masasabi kong makapal nga iyon kahit na nakapaikot pa yon gamit ang goma. May nakita akong sandaang piso na nakalagay sa pinakalabas na pagkakaayos. Pero naghinala parin ako kaya naman, sa katangahan ko parin nasabi ko pang sabay-sabay na lang kaya kami sa papirmahan pati sa FCIE para walang lokohan. Matapos kong sabihin yun, nagbago ang plano nila. Buko ko na sila dun palang. BUDOL BUDOL ANG PINASOK KO AT HINDI PAGTULONG! Sinabi na lang ni boy1 na siya na lang mismo ang pupunta sa Robinson's Pala-pala para bilihin yun. Tumawid na sila sa kabilang kalsada para sumakay at umuwi na rin ako. Nakakahiya ang katangahan ko pero gusto kong ibahagi itong karanasan ko sa iba para wala nang mabiktima. Tingin ko kabataan ang punterya ng mga gumagawa ng ganitong modus dahil madali pa mabrainwash. Ginusto ko lang naman makatulong pero iba na talaga ang panahon ngayon. Mapagbalatkayo ang mga tao. Hindi dapat agad magtiwala. Sabi nga sa sikat na linya, "Don't talk to strangers". Pag uwi ko, agad ko itong ikinuwento sa mga magulang ko kahit alam kong papagalitan nila ako. Gusto ko talagang malaman nila para pangaralan ako at para yung iba pang mga kamag-anak namin ay may kahandaan para sa ganitong sitwasyon. Sinabi nila na ang tanga ko. Pero tumatawa na lang ako. Bakit daw bumaba ako ng Langkaan, dun palang daw na-hypnotize na ako. Buti daw at BUDOL lang daw ang raket nun at hindi kung ano gaya ng kidnap at holdup dahil kung hindi, malamang pinagsasaksak na daw ako, nachop chop o hindi malayong ipatapon na namatay ng walang kalaban-laban.


ingat tayo mga brader!

toocold

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 117
  • Karma 0
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #1 on: June 08, 2013, 01:52:47 pm »
Thanks sa info TS.

*schizophrenic*

  • Regional: Cebu
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 332
  • Karma 9
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #2 on: June 08, 2013, 02:00:24 pm »
Hindi naman katangahan yan bradier ang tawag sa nais tumulong. Siguro kung nangyari din sa akin yun,malamang at ganun din ang gagawin ko. Hindi ka naman siguro na hypnotize kasi concious kapa at nkapagtanggi nung hiningi na ang cellphone mo. Nagkataon lang sigurong hindi ka busy nuon at matindi ang intention mong makatulong. :applause  salamat sa pag share bradier toast::

Carnal

  • Seek and Search
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1444
  • Karma 39
  • Gender: Male
  • Espiya Agent
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #3 on: June 08, 2013, 06:00:54 pm »
 Muntik narin ako mabudol-budol dati ganyan ganyan din ang modus magpapatulong at papakitaan ka ng pera, tapos bandang huli hihingan ka ng gamit sa para daw maka sigurado ..  ::lmao

Gusto lang talaga nating makatulong, kaya lang minsan ginagamit ito ng manloloko para makapang biktima..
tama kaya hanggat maari Don't talk to strangers ..  laffman::

Salamat sa share!  toast::

dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #4 on: June 08, 2013, 06:38:57 pm »
minsan lang yan... mas marami pa rin talaga ang tunay na nangangailangan ng tulong... madali lang naman malaman ang scam... basta involve ang pera, magdalawang isip ka na...

tinapay101

  • Downtown Gaki no Tsukai - Jimmy Onishi
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 273
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ten ten......ten ten one....
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #5 on: June 08, 2013, 09:08:02 pm »
pag may lumapit sa atin na humihingi ng kahit anong tulong, ito lang sabihin po natin: ah ganun ba? tara, hanap tayo ng pulis para matulungan ka ng maayos

gawin natin po itong SOP sa ating sarili tuwing may hihingi ng tulong para kahit papaano safe po tayo lahat

 toast::   toast::   toast::
............._____________________________.............



vonfritz888

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 50
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • vonfritz..... maRInes
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #6 on: June 08, 2013, 09:20:58 pm »
ganyan din nangyari sa kasama ko sa taft(quirino station) nakuha tlga wallet at cell phone niya. same story talaga. gusto din nya sanang mka tulong dahil na awa siya

KuLiTe

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1844
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • The more things change,the more they stay the same
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #7 on: June 08, 2013, 09:54:32 pm »
pag may lumapit sa atin na humihingi ng kahit anong tulong, ito lang sabihin po natin: ah ganun ba? tara, hanap tayo ng pulis para matulungan ka ng maayos

gawin natin po itong SOP sa ating sarili tuwing may hihingi ng tulong para kahit papaano safe po tayo lahat correct! the best way

 toast::   toast::   toast::

*schizophrenic*

  • Regional: Cebu
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 332
  • Karma 9
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #8 on: June 08, 2013, 10:13:39 pm »
pag may lumapit sa atin na humihingi ng kahit anong tulong, ito lang sabihin po natin: ah ganun ba? tara, hanap tayo ng pulis para matulungan ka ng maayos

gawin natin po itong SOP sa ating sarili tuwing may hihingi ng tulong para kahit papaano safe po tayo lahat

 toast::   toast::   toast::

mahirap nito bradier pag napadpad tayo ng ibang lugar at hindi mo kabisado, syempre magtatanong ka talaga ng direstion. tapos mapupulis na ka agad :D

weng151515

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 578
  • Karma 58
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #9 on: June 08, 2013, 10:53:44 pm »
ang sa kin..pag may problema sa direksyon na pupuntahan, lapit ako sa mga naka unipormeng otoridad..at least medyo assured ka na matutulungan ka..

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #10 on: June 08, 2013, 11:25:30 pm »
ang lahat ng kawatan ay gumagamit ng ibat-ibang paraan para malihis ang atensyon mo sa kung ano ang tama at di tamag gawin sa isang sitwasyon.  example, kesyo ikaw naman ang naliligaw at may magkukusang sasamahan ka para hindi ka na maligaw tapos habang papunta kayo sa nasabing lugar eh kesyo may "mangyayari" na ilalayo ka kunyari sa kapahamakan ng bago mong kaibigan, ayun eh di mas nahulong na ang tiwala mo sa kanya. 

kunyari din naman eh magpapatulong sa paghahanap ng isang bagay na bibilhin, tapos para malihis ang atensyon mo sa paggawa at pag-isip ng tama, eh palalabasin na meron kang makukuhang pera sa gagawin mo (classic example yung kuwento ni TS) eh di ang iniisip mo na ay yung pera na makukuha mo at hindi mo na mapapansin na bakit magpapatulong sa paghahanap ng studio para bumili ng camera eh meron naman talagang pwedeng pagbilhan ng ganun.  tapos hindi ka na rin magtataka bakit yung pangalawang kasali sa kuwento ay tamang-tamang may kakilalang studio. 

ito rin ang modus na gamit ng ilang mga dayuhan para makapanloko dito sa atin.  kesyo nagpuslit sila ng pera at ang ginawa sa pera para maipuslit eh kinulayan ng itim na tinta.  ang siste eh kailangang bumili ng "kemikal" na gagamitin para maalis ang puting tinta sa kunwari ay pera.  papakitaan pa ang biktima ng 100 dollars na binabad lang pala sa dinikdik na uling tapos gagamitan ng "kemikal" kuno at presto malinis na yung pera.  ang siste hihingan ng pera ang biktima pambili ng "kemikal" tapos para "kampante" yung biktima eh iiwanan siya ng isang maleta ng "itim" na pera which is in fact ay specialty paper lang na nilubog talaga sa tinta.  first defense nila yung maleta na may combination at key lock para hindi mapakialaman ng biktima yung pera at ng hindi agad mabuko na papel lang ang hawak niya.  BLACK MONEY scam ang tawag diyan.  sister ko naman ay muntik na mabiktima rin ng nigerian dying billionaire scenario scam.  manginginig-nginig pa siya tumawag sa akin dati para ikuwento yung nag-email at nakausap niya na kesyo mamamatay na tapos kailangan ilipat yung kayamanan sa ibang tao or mapupunta lang sa gobyerno nila.  sabi niya ikaw pa lang pinagsasabihan ko dahil sa iyo ako buo ang tiwala.  umpisa pa lang alam ko na scam siya pero i let her tell me everything hanggang sa sinabi niya they need 30k plus personal info as well as bank info for the transfer.  they want bank transfer sa 30k and i said sabihin mo ibibigay mo ng personal.  trap was laid out however i dont know if their counter-surveillance is great or they really dont go for personal meets.  saved my sister from shelling 30k for nothing as well as having her bank savings from going the drain.  yung kakilala ko na retired Colonel even traveled to Olongapo to claim his Starex van winnings in a raffle that he didn't even joined.  basta bigla na lang nanalo, ha ha ha.  guy wouldn't say how much he got duped or even the fact that he got duped in the first place.  ang masakit si Colonel eh nagtanong daw sa traffic enforcer pagdating sa Olongapo tapos tinanong kung anong lugar at building ba hinahanap, nung sinabi ni Colonel, eh sinabihan na siya nung traffic enforcer na "ah, nanalo kayo kamo ng Starex van?  aba, saan ba kayo galing?  ayun, uwi na lang po kayo at kayo po ay naloko!  marami na po nagpunta rito na naghahanap sa lugar na yan na kesyo nanalo ng starex van."   

in short ginagamit ang "pagkatuso" ng tao sa pera para maloko ang mga kababayan natin.  isa pa, kung ang intensyon ay tumulong, walang masama sa pagtulong.  pero pag inumpisahan ka ng sabihan ng mga kuwento at sa tingin mo ay "dinadala" ka sa isang lugar o sitwasyon na hindi mo na kontrol ang mga bagay-bagay, aba, scam na yan.  kasi kung tulong lang talaga ang hanap nung tao, eh di kung ano man pwede mo lang maibigay na tulong eh masaya na siya dapat dun.  pero pag masyado na "nagiging malalim" ang pakikitungo ninyo sa isat-isa at para bang matagal na kayo magkaibigan, aba SINDIKATO na yan.   
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

sweetbayag2

  • mahirap labanan ang katamaran, nakakatamad kasi
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4211
  • Karma 53
  • Gender: Male
    • wag ka makolit, pumpyangen keta jan eh. . . .
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #11 on: June 09, 2013, 12:09:46 am »
ako nabudol budol din ako. kaibigan ko pa ang gumawa. sabi sama dawa ko at may birthday na pupuntahan.
yung pala networking .  ::lmao

buti di ako nauto ng P10,888.  ;D
ang pagbabalik http://pickourbricks.com
http://stores.ebay.com/pickourbricks
di nako bastos, negosyante na po ako

rodeo

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 482
  • Karma 21
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #12 on: June 09, 2013, 11:43:00 am »
ingat sa budol budol marami na nangyari sa amin na ganyan, umuwi pa ng bahay para kumuha ng pera pang dagdag sa bibilin at sure buyer daw malaki kikitain nila sa tubo, easy money.

@sweetbayag2 , yan ang pinakanakakainis na budol budol, yayayain ka may party/seminar etc lang daw kayo pupuntahn pagdating dun MLM na pala.

jvoid88

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 193
  • Karma 2
Re: Budol Gang muntikan na
« Reply #13 on: June 10, 2013, 01:14:56 am »
ako din kelan lang sa gen tri cavite. nakasakay ako sa jeep, sinisiksik ako ng manong kahit na maluwag pa. pero parang natanga din ako at wala sa sarili. after bumaba yung dalawang lalake may isang kumausap sakin na nadukutan daw ako, kilala nya daw yung dalawang yun na mga mandurukot. chineck ko yung gamit ko kumpleto naman. di ko lang alam yung pera ko kasi di ko alam magkano laman ng bulsa ko that time. nangyari kasi sa tropa ko nasa jeep kami sinukahan sya sa likod para ma distract habang ninanakawan sa kabilang side. mga unggoy na to walang magawa bwisit mga salot hehehe