Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Marcos Prediction - So true!!!  (Read 32762 times)

KeiiChi

  • I will die by the sword. My own, or my enemy's...
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 193
  • Karma 0
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #25 on: May 03, 2013, 02:12:26 pm »
Magaling naman si Macoy no doubt about that...sinira lang siya ng mga "Taong" nakapaligid sa kanya...... ::lmao

magister418

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 161
  • Karma 0
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #26 on: May 03, 2013, 02:16:32 pm »
Magaling naman si Macoy no doubt about that...sinira lang siya ng mga "Taong" nakapaligid sa kanya...... ::lmao

Ah oo ... ang galing ni Makoy...galing niyang magtago ng nakulimbat niya....ang galing niya ng sinulat niya ang new society....ang galing niya ng kanyang sistematikong kinuha at konontrol ang mga industriya noon...ang galing niyang niloko ang mga loaning institutions noon...at ang galing niyang magsinungaling.....Ang galing talaga!!!

kikoyzki

  • 2008 Guardians
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 85
  • Karma 2
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #27 on: May 03, 2013, 02:43:22 pm »
Marcos was the best President.. pero nung nagkasakit na sya (lupus ata) the country was handled by Imelda and Ver. dun na nagsimulang gumulo. At kahit si Marcos mismo hindi nya alam ang nangyayari sa Pilipinas. News blackout sa buong Malacanang. at lalong hindi nya alam na galit na sa kanya ang mga Pilipino.

note2

  • Regional: Davao-CDO
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 71
  • Karma 1
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #28 on: May 03, 2013, 03:12:36 pm »
Magaling nga si Marcos , during the early stages sa kanyang career. Pero how do you explain.

1.) Assasination ni imelda on live tv

2.) How he got so rich , imelda's shoes etc , tignan mo din sal n ni bong2x

3.) Baket he stayed in power for 20 years ( 20 years ) . Ginawa nya yun to stay in power no matter how you say he's good or ewan ko.

4.) Baket ang daming human rights victims during his time.

Look guys, Marcos is all show. Kahit gagawa sha infrastructure , bridge etc, sino naman ko kontra sa kanya. Hawak nya lahat. Natatakot tao sa kanya. If talagang magaling si Marcos in 20 years dapat umulad na tau ngayun. Dapat d nag martial law.

If we end this discussion kung sino nanalo si Marcos vs. ang taong bayan, e what do u think ?

sphinxavior

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 369
  • Karma 6
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #29 on: May 03, 2013, 03:32:50 pm »
di ko naexperience ang Martial Law pero mas gugustuhin ko pa nga yung sistema noon.

hindi ko man nagagawa lahat ng gusto ko (most of them lust) dito sa Saudi Arabia eh pakiramdam ko, mas ligtas ako dito.
hindi ka naman nga mapapahamak kung hindi ka gagawa ng mali at kung hindi ka makakatapat ng mga taong kriminal, na siguro ay mas madami sa Pinas kesa dito.

simula nung maranasan natin ang kalayaan at makita yung mga makamundong bagay, halos ang lahat at wala na hinangad kundi makuha yung bagay na wala sila para sa kanila at para sa pamilya. marami umaalis ng bansa at karamihan ay yung mga tao na silang may kakayanan para iangat yung bansa natin.

siguro nga gumaganda ang ekonmiya sa ngayon ng pilipinas pero habang kasabay naman nun e paglobo ng populasyon ng mahihirap e wala ring mangyayari.
Part of getting a second chance is taking responsibility for the mess you made in the first place.

magister418

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 161
  • Karma 0
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #30 on: May 03, 2013, 03:59:08 pm »
di ko naexperience ang Martial Law pero mas gugustuhin ko pa nga yung sistema noon.

hindi ko man nagagawa lahat ng gusto ko (most of them lust) dito sa Saudi Arabia eh pakiramdam ko, mas ligtas ako dito.
hindi ka naman nga mapapahamak kung hindi ka gagawa ng mali at kung hindi ka makakatapat ng mga taong kriminal, na siguro ay mas madami sa Pinas kesa dito.

simula nung maranasan natin ang kalayaan at makita yung mga makamundong bagay, halos ang lahat at wala na hinangad kundi makuha yung bagay na wala sila para sa kanila at para sa pamilya. marami umaalis ng bansa at karamihan ay yung mga tao na silang may kakayanan para iangat yung bansa natin.

siguro nga gumaganda ang ekonmiya sa ngayon ng pilipinas pero habang kasabay naman nun e paglobo ng populasyon ng mahihirap e wala ring mangyayari.

Hinde mo nga na experience ang martial law...kung tingin mo mas safe ka dyan sa Saudi....kesa dito...aba!!!...kakaiba ka! Alam mo ba bakit andyan ka sa Saudi ngayon ??? Dahil kay Marcos....dahil merong construction boom sa ME .... ginawang sitematikong pag eexport ng ating labor sa panahon ni Marcos...dahil walang bagong trabaho na sapat para sa mga Pilipino at dahil nauubos na ang ating foreign reserves....hanggang ngayon ini inda pa rin natin ang pandarambong at kalapastangan ng mga pamilya at mga krony ni Marcos...!!!

pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #31 on: May 03, 2013, 04:14:02 pm »
"Iba ang magaling at matalino sa mabait at matino."

A simple analogy...
"May nakita kang lalaki sa kwarto mo na nakikipagtalik sa misis mo pagkatapos limasin ang lahat ng gamit nyo sa bahay, uupakan mo sana pero nakatakas sa bintana.
Sasabihin mo rin bang, "Wow! Ang galing at ang talino nun ah."
 ;)

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=soFzz0IVwsw[/youtube]

ipcmlr

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 232
  • Karma 124
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #32 on: May 03, 2013, 04:34:25 pm »
Bagsak na bagsak nga tayo after 20 years.

Nung 1986 pag alis ni macoy sng nominal GDP ng Pilipinas $33B (converted sa current prices in USD)

Tapos last year $257.51B lang.

Bagsak na bagsak ang ekonomiya! Wahaha! 7.8x lang naman vs nung umalis sya!

http://en.wikipedia.org/wiki/Economy_of_the_Philippines#Macroeconomic_trends

Kung ang saya saya nung martial law at kapanahunan ni macoy bat ilang milyon kaming nandun sa EDSA nung 1986?!

Makaka sulat ba tayo sa forum na to ng di matatakot na makikita ang mga opinyon natin ng gobyerno?

Sa tingin mo malakas ang loob mong maglagay dito sa forum ng "di ok gobyerno ngayon, mas ok nuon" Ha?! Alam mo ba ang sinasabi mo?!

Baka hinunting ka na sa bahay mo ng Philippine Constabulary at dinampot.

At isa pa. Sa susunod na maisipan mong mag last full show kasama ang mga barkada mong di nakita ang pilipinas sa ilalim ni macoy tandaan mo to...
DI KA MAN LANG MAKAKAPANUOD NG LAST FULL SHOW NG PABORITONG HARRY POTTER MO NA INABANGAN NG 2 TAON KASI MAY TAENG CURFEW AT IKUKULONG KA PAG PAGALAGALA KA NG GABI!!! EWAN!

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #33 on: May 03, 2013, 04:51:49 pm »
Masaya kaya kung may Martial law ngayon.


siguro lalong siga mga sundalo ngayon kasi noon mapagtripan ka lang dedo ka kahit wala kang kasalanan, yun ang naging problema sa martial law noon maraming naging abusadong sundalo kaya sa mga nagsasabing magiging okei, di lang siguro naranasan. para walang pinagkaiba yan sa gusto makipag guera sa china pero hindi pa nasusubukan ang buhay ng guera sa mindanao

it ain't over. . .till its over

flatline____

  • Hokage
  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 452
  • Karma 13
  • //\/ // //\/ _// //\
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #34 on: May 03, 2013, 05:16:44 pm »
daming dahilan kaya bumagsak ang pilipinas... imo nagugat ito kay marcos kung hindi sana sya nag declare ng martial law at tinapos na lang nya sana ang termino nya naging maayos sana ung transition ng pamamahala ng gobyerno, at naresolbahan sana ng maayos ung problema nila sa mga communista nung mga panahon na iyon. Pero wrong move si marcos nag declare ng martial law kaya ayun  napasama tuloy ang mga Marcoses. Dumami ang nagalit sa kanila at natakot at nauhaw ng muling kalayaan. Kalayaan na NASOBRAHAN pagkatapos ng matagumpay na EDSA revolution sa Pamumuno ng isang babae na si Cory na nagdadalamhati sa pagkamatay ng asawa, na walang experience sa politika na naging parang puppet at naimpluwensyahan ng simbahan at ng mga politikong nag advantage sa sitwasyon ng mga panahon na iyon. kung di sana tayo nagkaroon ng martial law nakapili tayo ng matino tinong pangulo susunod kay marcos.


 ;D 2 cents ko lang, di ko alam pinagsasasabi ko, di ko talaga alam nangyari sa mga panahon na iyon
"Has anyone really been far even as decided to use even go want to do look more like?"

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #35 on: May 03, 2013, 07:10:45 pm »
Di po ako fan ng kasalukuyang administrasyon at lalong di ako fan ni Kris....pero yung sinasabi mo ay nagpapakita lang na walang paghimay at walang pangalandakang pag luluwalhati sa pagiging megalomaniac ng mga marcoses....alam mo ba kung magkano ang naging pakinabang nito sa mga Marcos ng ginawa ito?? ilang buhay ang nasakripisyo ng ginawa ito?? at ilang milyong dolyar ang nakalaan dito ngunit di naman nailagay dito?? Yang mga iyan ay mga tinatawag na mga 'white elephant' na sa katunayan ay walang silbi sa taong bayan!! Kung ito ay naging 'center of excellence' dito sa south-east asia lalo na yang mga walang kabuluhang medical centers na yan ay isa ako sa mga papalakpak dyan...Ang mga proyektong ito ay daan para sa korapsyon...at ang mga nakinabang dyan ay ang pamilya marcos at kanilang mga krony...At yung sinasabi mong walang senador at gobernador na korapt....hinihingi ko na pag aralan mo bago mo sabihin yan...sa panahon ni Marcos ang may pinaka korapt ang mga politiko....at walang sirkos nung panahon nya dahil mga ka alyado nya lang ang pwedeng manalo....tungkol sa Nuclear plant....naisip mo ba kung anu ang mangyayari kung natuloy ito? ang pagpatayo ng Bataan nukleyar ay puno ng korapsyon....sub-standard ika nga...isipin mo kung nagkaroon ng aksidente dyan....mismong mga eksperto na pinag aralan yan ay nag rekomenda na di dapat i operate yan....yung mga tulay .... mga expressways mga generators...kailangan nila yan para sa kanilang negosyo...iisipin mo kung saan yan nakalagay at bakit doon? Gaya ng sabi ko ...kailangan ng kritikal na pag himay sa rehimeng Marcos....at wag kailanmang asamin na ibalik ang martial law....ikaw rin....baka luluha ka ng dugo....di mo na ma eenjoy ang espiya.net!!!! :)


hindi ko sinabi panatiko ako ng Marcos , pero kung tutuusin sa isang damukal na tao iisa lang ang sinasabi nila tungkol sa Marcos Regime which is Martial Law hindi ako nabuhay noong panahon ni Mr. at Mrs. Marcos pero wag nating gawing one sided ang utak natin aminado naman ang lahat maganda ang pamumuno ni Macoy at naging makasarili sila sa kapangyarihanng mga panahon na yun

pero aminin nyo rin na malaki talaga ang mga nabago niya sa pamumuno nya at walang ibang kayang pumantay ng mga ginawa nya para sa ikabubuti ng bansa , hindi ko rin naman sinabi na ibalik natin ang Martial Law pero sa panahon ngayon sa tingin mo ba ligtas ka habang nag lalakad ka? hindi ka ba nangangamba na walang holdaper , rapist ang dadamba sayo o sa isa sa mga kapamilya mo? makakatulog ka ba ng maayos sa gabi na hindi mo iniisip na baka pasukin ka ng akyat bahay?
kapag naka sakay ka ba sa pang publikong sasakyan hindi ka ba titingin-tingin sa paligid mo kung may dudukot sa bulsa mo?

at sigurado wala karing mapapanood sa TV na Pulis mismo ang adik o tulak ng droga sa isang lungsod or barangay

at sa BNPP ang sabi ko "kung natuloy" it means kung walang bahid na mali, alam ko sub-standard ito , after years or months ata matapos itayo to ngyari ang Chernobyl sa Russia , ang akin lang posibleng mangyari "kung natuloy"

kahit naman naging 20 years ang pamumuno ni Macoy sa Pinas aminin din natin na naging maayos ito , sasabihin nyo na Batas Militar ang panahon nya at di na dapat mangyari yun , para sa akin nagawa nya yun dahil nakita nya na kaya pa nya palaguin ang Pinas


cloaker

  • Anime Fans
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 544
  • Karma 85
  • Gender: Male
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #36 on: May 03, 2013, 07:48:36 pm »
Magaling naman si Macoy no doubt about that...sinira lang siya ng mga "Taong" nakapaligid sa kanya...... ::lmao

Same here. Kung walang "bumulong" sa kanya nun baka iba ang takbo ng pamahalaan ngayon in a good way. Nasira lahat nung nagka-martial law. Kung natapos lang yung regimen nya ng walang martial law.........

raberdaki

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 774
  • Karma 17
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #37 on: May 03, 2013, 08:22:02 pm »
noong ML tayu ang no.1 exporter ng bigas tayo pa nga ang nag turo sa mga vietnamese na mag saka ng bigas noon libre ang gamot may nagbabahay-bahay pa nga para mamigay ng gamot napaka mura ng lagis pati na rin kuryente

buddha

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 257
  • Karma 5
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #38 on: May 03, 2013, 09:18:30 pm »
Nakakalungkot basahin ang ibang message dito. Sa tingin ko, masyado kayong bata para maalala o maintindihan kung paano ang buhay sa pamumuno ni Marcos. Frustrated kayo sa nangyayari ngayon kaya pakiramdam niyo, napakaganda ng buhay noon.

Una, hindi ganun ka-simple ang pagkumpara ng ekonomiya noon at ngayon. Marami ring nangyayari sa world economy na hindi kontrolado ng sinumang presidente. Natural, mas mataas na ang bilihin ngayon. Kahit saang first world country, ganun din. Inflation ang tawag dito.

Marami ngang project si Marcos...pero alam mo bang napakatagal binayaran 'yan ng mga Pilipino? Isa pa, hindi 'yan nag basehan ng mabuting pamumuno. Kung isang magaling na presidente siya, inayos niya ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas at hindi ito pinabulok nang husto.

Hindi kayo matutuwa sa Martial Law kung tatay, nanay, o kapatid mo ang bigla na lang nawala o na-torture dahil pinaghinalaang nagsalita laban kay Marcos. Tanungin niyo ang libo-libong Pilipino na naka-experience nito. Napaka-naive sabihin ng walang mangyayari sa'yo kung hindi ka gumawa ng masama. Kelan ka ba pinanganak?

Hindi ba kayo nagtataka kung pano siya yumaman nang husto? Hindi siya galing sa pamilyang mayaman. Kongresista pa lang siya, napaka-corrupt na. Bilangin mo kung ilang taon siyang umupo hanggang sa naging presidente siya ng 20 taon. 'Yan ba ang presidenteng dapat hangaan?

Alam ko, nakakainis ang sitwasyon sa Pilipinas. Ako rin nanghihinayang. Pero hindi ibig sabihin nito na mabuti ang kinalabasan ng pamumuno ni Marcos at ng Martial Law.


buddha

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 257
  • Karma 5
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #39 on: May 03, 2013, 09:24:07 pm »
Hindi siya nag-Martial Law para sa ikabubuti ng Pilipinas. Siyempre 'yun ang press release niya. Kesyo may mga communist daw. Nag-stage pa ng fake na ambush kay Enrile (na inamin ni Enrile).

Ginawa niya 'yon para tanggalin ang congress at senado--at para sa kanya lahat ng pwersa.


bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #40 on: May 03, 2013, 09:48:09 pm »
harap harapan na kayong niloloko, nagpapauto pa kayo sa mga Marcos tsk tsk. check your data. time ni Marcos kung saan ang dating dollar 1 is to 2, naging 1 is to 14. siya pasimula ng paghihirap ng Pinas.



wickedsaint

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 156
  • Karma 11
  • Gender: Male
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #41 on: May 03, 2013, 09:54:45 pm »
hindi prediction tawag don..kasi alam ni marcos yung totoong nangyayari na siya rin ang may kagagawan..

magister418

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 161
  • Karma 0
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #42 on: May 03, 2013, 10:12:01 pm »

hindi ko sinabi panatiko ako ng Marcos , pero kung tutuusin sa isang damukal na tao iisa lang ang sinasabi nila tungkol sa Marcos Regime which is Martial Law hindi ako nabuhay noong panahon ni Mr. at Mrs. Marcos pero wag nating gawing one sided ang utak natin aminado naman ang lahat maganda ang pamumuno ni Macoy at naging makasarili sila sa kapangyarihanng mga panahon na yun

pero aminin nyo rin na malaki talaga ang mga nabago niya sa pamumuno nya at walang ibang kayang pumantay ng mga ginawa nya para sa ikabubuti ng bansa , hindi ko rin naman sinabi na ibalik natin ang Martial Law pero sa panahon ngayon sa tingin mo ba ligtas ka habang nag lalakad ka? hindi ka ba nangangamba na walang holdaper , rapist ang dadamba sayo o sa isa sa mga kapamilya mo? makakatulog ka ba ng maayos sa gabi na hindi mo iniisip na baka pasukin ka ng akyat bahay?
kapag naka sakay ka ba sa pang publikong sasakyan hindi ka ba titingin-tingin sa paligid mo kung may dudukot sa bulsa mo?

at sigurado wala karing mapapanood sa TV na Pulis mismo ang adik o tulak ng droga sa isang lungsod or barangay

at sa BNPP ang sabi ko "kung natuloy" it means kung walang bahid na mali, alam ko sub-standard ito , after years or months ata matapos itayo to ngyari ang Chernobyl sa Russia , ang akin lang posibleng mangyari "kung natuloy"

kahit naman naging 20 years ang pamumuno ni Macoy sa Pinas aminin din natin na naging maayos ito , sasabihin nyo na Batas Militar ang panahon nya at di na dapat mangyari yun , para sa akin nagawa nya yun dahil nakita nya na kaya pa nya palaguin ang Pinas



Wala ka nga palang malay nung panahon ni Marcos...hanggang ngayon wala ka pa ring malay....suggestion ko....magbasa ka ng mga aklat na isinulat ukol sa mga panahong yun mga halimbawa....Days of Disquiet, Nights of Rage....Killing Time in a warm place....Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar....The Jupiter Effect....at marami pang iba...para mabago ang iyong pananaw at maintindihan kung bakit si marcos ay dapat ihanay sa mga malulupit at kawatang mga lider at diktadur.....ang lahat ng uri ng krimen ay naganap na at mas laganap kesa ngayon....killings...mass killings....rape...smuggling....drugs (mas matindi) ang drugs noong panahong yun...home invasion....false arrest....false detention...torture...summary killings...at akala mo safe ka nung panahon ni Marcos...ang masama wala kang makitang ganun sa TV dahil bawal na ipakita ito....pag aralan mo at wag kang maniwala sa propaganda tungkol kay marcos....puro kasinungalingan yun...bigyan mo ko ng halimbawa sa kanilang pinangangalandakang accomplishment na mabuti ni Marcos...at i explain ko sa iyo kung bakit hindi ito totoo o kaya ito ay nangyari dahil sa korapsyon....


dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #43 on: May 03, 2013, 11:34:17 pm »
ill vote marcos for 2 terms only

bugtook

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 447
  • Karma 6
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #44 on: May 03, 2013, 11:53:18 pm »
Marcos might not be one of the all-time killers but he is certainly one of the biggest thieves in the history of the planet. Estimates of his ill-gotten gains range from US$3 billion to US$35 billion. Some suggest that the true amount is over US$100 billion, perhaps even trillions of dollars.

While these latter sums may he fanciful, the legacy of the Marcos dictatorship is all too real - an economy struggling just to pay the interest on its foreign debt and a seriously compromised democracy seemingly unable to shake off entrenched corruption. Witness the debacle of the Estrada presidency. It took Marcos 20 years to pillage and wreck the Philippines. Unfortunately it may take far longer for the damage to be undone.
"DO LESS COMPLAINING, and pay more attention to giving."

bugtook

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 447
  • Karma 6
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #45 on: May 04, 2013, 12:11:35 am »
Nakakapangilabot - http://www.moreorless.au.com/killers/marcos.html <-- pakibasa na lang po....

Hindi kasalanan ni Mang Kanor na mananalo siya sa election bakit kamo?
Dahil siyay nanga-ngampanya lamang at binoto ng sambayanang pilipino.

Ang logic dun - Kasalanan ng sambayanang pilipino.

Magbasa muna kayo para malaman nyo ang katutuhanan kong sino si Ferdinand Marcos at ang pamilya nya.
"DO LESS COMPLAINING, and pay more attention to giving."

bugtook

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 447
  • Karma 6
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #46 on: May 04, 2013, 01:11:57 am »

hindi ko sinabi panatiko ako ng Marcos , pero kung tutuusin sa isang damukal na tao iisa lang ang sinasabi nila tungkol sa Marcos Regime which is Martial Law hindi ako nabuhay noong panahon ni Mr. at Mrs. Marcos pero wag nating gawing one sided ang utak natin aminado naman ang lahat maganda ang pamumuno ni Macoy at naging makasarili sila sa kapangyarihanng mga panahon na yun

pero aminin nyo rin na malaki talaga ang mga nabago niya sa pamumuno nya at walang ibang kayang pumantay ng mga ginawa nya para sa ikabubuti ng bansa , hindi ko rin naman sinabi na ibalik natin ang Martial Law pero sa panahon ngayon sa tingin mo ba ligtas ka habang nag lalakad ka? hindi ka ba nangangamba na walang holdaper , rapist ang dadamba sayo o sa isa sa mga kapamilya mo? makakatulog ka ba ng maayos sa gabi na hindi mo iniisip na baka pasukin ka ng akyat bahay?
kapag naka sakay ka ba sa pang publikong sasakyan hindi ka ba titingin-tingin sa paligid mo kung may dudukot sa bulsa mo?

at sigurado wala karing mapapanood sa TV na Pulis mismo ang adik o tulak ng droga sa isang lungsod or barangay

at sa BNPP ang sabi ko "kung natuloy" it means kung walang bahid na mali, alam ko sub-standard ito , after years or months ata matapos itayo to ngyari ang Chernobyl sa Russia , ang akin lang posibleng mangyari "kung natuloy"

kahit naman naging 20 years ang pamumuno ni Macoy sa Pinas aminin din natin na naging maayos ito , sasabihin nyo na Batas Militar ang panahon nya at di na dapat mangyari yun , para sa akin nagawa nya yun dahil nakita nya na kaya pa nya palaguin ang Pinas


"DO LESS COMPLAINING, and pay more attention to giving."

quickster

  • Mature (18+)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 27
  • Karma 0
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #47 on: May 04, 2013, 02:00:19 am »
Magaling naman si Macoy no doubt about that...sinira lang siya ng mga "Taong" nakapaligid sa kanya...... ::lmao

Correct! At yung mga taong yun ang may kasalanan kung bakit ganito ang Pilipinas ngayon. Dahil sinira nila si Marcos at sila din ang nagpabagsak sa kanya. At pagkatapos nun sila naman ang mga namuno sa iba't ibang sangay ng gobyerno.

At bakit siya lang ang kinasuhan ng human rights violation? Alam ba nya yung mga ipinapatay ng mga military noon? I doubt it na lahat yun alam nya. Bakit hindi rin kasuhan ang mga opisyal noon?

Sa ngayon ba walang mga aktibistang nawawala? Bakit hindi kasuhan ng human rights ang Presidente? Bakit ang militar ang itinuturo?

Just my 2 cents  b*;

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #48 on: May 04, 2013, 03:13:43 am »
Quote
Ah oo ... ang galing ni Makoy...galing niyang magtago ng nakulimbat niya....ang galing niya ng sinulat niya ang new society....ang galing niya ng kanyang sistematikong kinuha at konontrol ang mga industriya noon...ang galing niyang niloko ang mga loaning institutions noon...at ang galing niyang magsinungaling.....Ang galing talaga!!!
- See more at: http://espiya.net/forum/index.php/topic,153267.25.html#sthash.bBXSLQZj.dpuf

buti noon si Mccoy lang

ngayon ang dami nila sa panahon ng demokrasya  every region e may kanyang -kanyang balwarte


sa mga nagsasabi ng dahil kay marcos nagkautang ang PInas kung siya ay sugo ni satanas

bakit lumobo ang utang ng pinas if Cory the true savior and mother of democarcy bakit pinabayaan nyang lumobo at tinanggap ang UTANG NG PINAS

1. a Revolutionary goverment pwede nyang di akuin ang utang ng PINAS kase revolutionary goverment nga sila pero bakit inako ni cory
2. Cory has the power to instruct PInoys na magbayanihan para bumaba ang utang like ni Queen Victoria work policy no salary but food only and yet binalik nya ang mga facilities na walang bayad talagang malulugi ang pinas

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Marcos Prediction - So true!!!
« Reply #49 on: May 04, 2013, 03:27:17 am »
Wala ka nga palang malay nung panahon ni Marcos...hanggang ngayon wala ka pa ring malay....suggestion ko....magbasa ka ng mga aklat na isinulat ukol sa mga panahong yun mga halimbawa....Days of Disquiet, Nights of Rage....Killing Time in a warm place....Si Jhun-Jhun, Noong Bago Ideklara ang Batas Militar....The Jupiter Effect....at marami pang iba...para mabago ang iyong pananaw at maintindihan kung bakit si marcos ay dapat ihanay sa mga malulupit at kawatang mga lider at diktadur.....ang lahat ng uri ng krimen ay naganap na at mas laganap kesa ngayon....killings...mass killings....rape...smuggling....drugs (mas matindi) ang drugs noong panahong yun...home invasion....false arrest....false detention...torture...summary killings...at akala mo safe ka nung panahon ni Marcos...ang masama wala kang makitang ganun sa TV dahil bawal na ipakita ito....pag aralan mo at wag kang maniwala sa propaganda tungkol kay marcos....puro kasinungalingan yun...bigyan mo ko ng halimbawa sa kanilang pinangangalandakang accomplishment na mabuti ni Marcos...at i explain ko sa iyo kung bakit hindi ito totoo o kaya ito ay nangyari dahil sa korapsyon....



nalalayo ba yung mga sinabi mo sa mga ngyayari ngayon? hindi ka rin ba frustrated na mahirap ka parin ngayon? kung masaya ka dahil nawala si Macoy , naging masaya karin ba noon nung umupo ang ibang mga sumonod na presidente?
ok na dati na si macoy lang ang magnanakaw at nakikita mo naman may pag babago sa bayan kesa tulad ngayon di mo alam saan napupunta yung pera na binabayad mo sa buwis

just my own opinion panget lang kasi na laging negative ang ibabato natin sa kanila kahit alam natin marami silang nagawa na ikabubuti ng bayan