Yan ang mahirap sa atin, masyado tayong nagpapaniwala sa kung sino sino, may facts na mas pinapanigan pa ang chismis kasi ang chismis may drama, haaay wala talaga tayong pag asang umasenso pa ganito tayo ng ganito. Common sense lang mga kapatid meron pa bang mas highly reliable source sa mga supreme court rulings kesa sa supreme court appointed spokesperson? Alam ko tao lang si Atty. Midas Marquez at maaring magkamali, sa palagay nyo kaya di sya icocorrect ng mga supreme court justices sa mga pagkakataong magkamali sya ng pronouncement?
Alam ko na maraming duda sa ating Supreme Court ngayon dahil most of the justices are Arroyo appointee, pero yun ang reality and we have to accept it. Hindi natin dapat payagan na manaig ang pagdududa sa kataastaasang hukuman kasi tayo din ang talo sa huli, ang dapat nating gawin ay palakasin ang mga institusyon tulad ng supreme court at kumilos ng naaayon sa batas at bigyan ng oportunidad ang ating mga mahistrado na gawin ang kanilang mga trabaho ng tama ng walang bahid ng pulitika at pagdududa.
Tandaan natin na ang kabiguan ng Administrasyon ni Pnoy ay ating kabiguan din, ang kabiguan ng Supreme Court ay ating kabiguan din, ang kabiguan ng kahit na anumang institusyon ng gobyerno ay ating kabiguan din. Kaya sa huli tayo ang syang tunay na kawawa.