Nagsisearch ako ng Liempo tapos biglang napunta sa site na to. Napa-register tuloy ako. Hehehe!
Hmmm. Na-try ko na sina: Chic-Boy, Balamban Liempo, Gerry's Grill, Liloan's Pride, Dencio's at Baliwag. (Di halatang masiba no?). Hmmm. Inconsistent na masarap ang Chic-boy. Nakakatinga din yung tanglad. Yung Balamban walang lasa minsan saka dry. Yung Gerry's Grill ok pero parang ordinary lang - kaya kong gawin sa bahay. Yung Liloan's Pride masarap kaso minsan di mainit ang liempo. Sa mga regular liempo, masarap ang sa Dencio's. Yung Baliwag, so-so. Ang favorite ko sa mga nakalista ay... Liloan's Pride pero sana marami silang branches kasi dadayo ka pa sa White Plains. Musta naman.