Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Help: Life Support  (Read 3157 times)

DjDaveTrance

  • "A real man gives up one night stands, for a woman he can't stand one night without"
  • Regional: Cebu
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4890
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • Pioneer/VIP/Staff/Moderator
Help: Life Support
« on: June 17, 2011, 05:13:24 pm »
Guyz,

Need your help.

Meron ako kasamahan sa work, She is Claire, 25 years old. (meron nang 1 anak)
Last year alam ko na talaga na meron siyang sakit di ma nya sabihin pero maputla talaga siya.
Sabi nya na ospital daw sa before tas need nang blood transfusion. To cut this straight....

After a year. Medyo merong effect na sa katawan nya ang pagiging anemic nya. Nag enlarge na heart nya (Cardiomegaly)
tapos na sira na Kidney nya. (Physiologically speaking, Chronic Anemia can cause bad effect to the body esp. sa mga highly vascularized organs (like brain,heart,kidney). Naka absent na sya sa work nang 1 month. Pagbalik nya galing butuan kasi dun sya na admit at hindi sa Cebu. Ayon na diagnose na sya nang Kidney Failure at dialysis na sya 2x a week.

Dahil need nya money bumalik sya sa work, kahit meron kami Insurance (MAXICARE) mauubos din yun.
Dahil dito habang tumatagal nag iba na katawan nya dati na sexy ngayon pumayat pagminsan di maka dialysis kasi malayo pa sweldo nag E-EDEMA.... after 4 mos after na diagnose sya nang kidney failure, naging 3x a week na ang dialysis nya, kanina bago ako umuwi nag uusap team namin, bigla na lang sya umiyak kasi nga sa sitwasyon nya. Kahit minsan nag aambag kami pang dialysis nya kasi nga mahal mag pa dialysis pero kulang parin. Syempre di nman palagi kami nag bibigay as much as we wanted meron din kami sarili gastusin.

Naawa talaga ako sa kanya, close pa naman kami at ka Wave ko din sya sa Call Center.


Kaya mga Kapatid wla ba kayong kilala or alam na mga institution that can help her?
Like discounted dialysis, foundation, kidney hospital, na makakapag bigay nang assistance sa ganitong claseng problema? or sakit?

 :( :(

Nakaka-awa tlaga sya. Kahit may sakit dapat nya mag work para lang mabuhay, mas lalo bumababa rbc nya kasi wla pa lagi tulog, pero dapat nya matulog. Mas lalo pa lumala sakit nya. Tsaka minsan sa chatroom namin. Parang nag seself pity na sya...

Kapatid any info naman!!
 ::moreinfo
Thanks!

(cencya hirap mag type sa phone)

-----------------------------------------------
Muntik ko na makalimutan,
kawawa naman anak nya 3 years na sino
na lang mag aalaga kung may mangyari sa kanya.
-------------------------------------------------
« Last Edit: June 17, 2011, 05:17:33 pm by DjDaveTrance »

Kayne

  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 552
  • Karma 40
Re: Help: Life Support
« Reply #1 on: June 17, 2011, 08:37:56 pm »
In her condition, she should rest na muna. Wala ba ibang sumusuporta sa kanya na pamilya/kamag-anak nya?
Pwede nyo sya ihingi ng tulong sa PCSO, may mga process lang na kelangan gawin para ma-grant support nya for her dialysis. Mas maganda kung may kilala kayo na politician kahit local, para medyo mapabilis ang process para makahingi ng tulong sa PCSO.
Best of all, PRAY.
« Last Edit: June 17, 2011, 08:42:41 pm by Kayne »

ugat

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5234
  • Karma 106
  • Gender: Male
  • Fight for the Pain!!!!
Re: Help: Life Support
« Reply #2 on: June 17, 2011, 09:09:57 pm »
napakahirap sa situation nya, my late mother died due to renal failure on dialysis 3x a week. Mahal ang mag pa dialysis. sa probinsya mahirap maka hanap ng dialysis centerat mahal pa. Kaya i told myself mag tatayo ako ng dialysis centre sa lugar namin kagit 5 na machine lang since my sister is a dialysis nurse in NY. how i wish i can help :-( sa PCSO pwede yata
Proud owner of PS3, Xbox360, PsP , PS2 Samsung 32" HD LCDtv
GAMES finished: DMC1, DMC3, Prince of Perisa 1,2,3 God of War 1 &2  Resistance Fall of Man, Heavenly Sword, Ninja Gaiden Sigma (Ps3) Def Jam Fight for NY, Gears of War, NBA Street V8
accepting friends

PSN ID: piNoyspyUgaT
XboxLive

tmy405

  • 2008 Guardians
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 67
  • Karma 1
Re: Help: Life Support
« Reply #3 on: June 17, 2011, 11:20:25 pm »
Nakakabahala yun sitwasyon nya po.. Anu po ba advices sa kanya ng doctor??
I'm gonna be frank as a person na may alam sa medical field and sa ganyan cases..
Kapag sinabi chronic renal failure chances of survival depends on how her kidney while react to the treatment..
Kahit ilang libo dialysis pa yan kapag sira na kidney nya, wala na talaga pwde magawa either transplant cguro..
Dialysis is not a treatment but it is just supporting her, kc hinde na function kidney nya yun machine na gumawa ng trabaho at naglilinis ng dugo nya.. Nahalata mo rin mismo paghinde sya naka pag dialysis ngkaka EDEMA sya..

Prayer is the most powerful medicine..
And she needs all the support especially moral and psychological..

Sana may naitulong ako kahit papano..

room412

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 5
  • Karma 0
Re: Help: Life Support
« Reply #4 on: June 18, 2011, 12:02:46 am »
hope makatulong ako... ang ate ko same scenario with your officemate... ang pinakamurang dialysis service na alam ko ay sa gat. andres bonifacio memorial medical center sa tondo. yung ate ko 2x a week yung dialysis nya. 1.6k per session, few months ago, ewan ko lang po ngayon since nasa ibang bansa na din ang ate ko, kasi mas mura yung dialysis dun at meron cyang insurance dun. grabe nagka utang utang din kami to support her.

DjDaveTrance

  • "A real man gives up one night stands, for a woman he can't stand one night without"
  • Regional: Cebu
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4890
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • Pioneer/VIP/Staff/Moderator
Re: Help: Life Support
« Reply #5 on: June 18, 2011, 12:53:52 am »
Salamat sa input Guyz!
Dito kasi kami sa Cebu, tsaka hirap din kasi mag ask nang tulong since hindi sya from Cebu taga Butuan sya pero dito na sya nag reside. Wala din kasi kaming kakilalang politiko. Di ko pa sinabi sa kanya na nag ask ako kung saan2x para man lang surprise. Kawawa tlaga siya Paps, being in a medical field also alam ko, na her condition is getting worst.
 :(




edcbabe

  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 805
  • Karma 40
Re: Help: Life Support
« Reply #6 on: June 19, 2011, 05:52:32 pm »
try nyo ilapit sa mayor nyo or congressman or local health center
panigurado tutulungan kayo dun.

melecee

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 314
  • Karma 0
Re: Help: Life Support
« Reply #7 on: June 19, 2011, 07:07:48 pm »
even kung kamaganak yung direktang magbigay ng kidney duon may batas dyaan at may pila sa transplanting.
ganito yung case ng sa tatay ko diabetic yung gamot niya sa diabetes ang sumisira sa kidney niya... kawawa naman ang mga taong ganyan ang pagsubok sa buhay.

Gat J.P. Rizal

  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4930
  • Karma 76
  • Gender: Male
Re: Help: Life Support
« Reply #8 on: June 19, 2011, 08:46:01 pm »
Nakakaawa naman yan Mare, sana ganitong mga case ang pagtoonan ng pansin sa Gobyerno. Dito sa UK normal lng yan mga Renal cases like dialysis libre kasi lahat napaganda pa ng service kung wala kang transpo kinukuha every session mo.  While waiting sa kidney transplant dika matatakot kahit ilang taon pa kasi supported lahat allowances, bahay, at ano pa dyan.  Minsan meron akong hinatid sa renal unit ang sarap ng buhay meron pang TV at naka.headphone pa mga pasyente habang nagdialysis. My friend had akidney transplant dito sa UK di na sya talaga aalis kahit saang lugar pa, yung maintenance ng gamot niya libre lahat eh kung nada pinas sya tagal na daw syang patay...10 years na kidney nya so far wala namang problema.

Kagaya ni ugat kung mananalo man ako ng lotto ito ipapatayo kung clinic, malaking tolong to talaga sa mga nangangailangan ng dialysis.
« Last Edit: June 19, 2011, 10:46:38 pm by Gat J.P. Rizal »

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
Re: Help: Life Support
« Reply #9 on: June 23, 2011, 03:15:11 am »
wala po akong ni anumang kaalaman sa mga bagay bagay na tinutukoy nyo since wala naman po ako sa medical field at isang simpleng jeepney driver lang po ako. at sa mga nabasa ko nalinawan ang isipan ko at marami akong nalaman. uncle ko po namatay sa diabetes, tagal din po nyang pabalik-balik sa FEU para magpa-dialysis kaso kahit anong kagustuhan ng pamilya nyang mabuhay sya talagang hindi kinaya ng katawan nya eh. kakatakot pala since nasalahi namin ang diabetics!

anyway sa topic naman po. sensya na wala rin po akong mairerecommend since wala naman po talaga akong alam sa ganyan... siguro ang masasabi ko nalang eh tatagan nya yung pananampalataya nya sa itaas. wala naman pong imposible sa Kanya di po ba?

Matthew 17:20 -> Jesus told them. "I tell you the truth, if you had faith even as small as a mustard seed, you could say to this mountain, 'Move from here to there,' and it would move. Nothing would be impossible."
see also Matthew 11:28-30 -> "cast your burdens upon me, those who are heavily laden... and i will give you rest".
it doesn't mean naman na pag isinuko na nya sa Kanya ibig sabihin handa na syang kunin ni Lord. hindi po yun ganun. ibig pong sabihin nun eh ipinapaubaya nya yung bigat na pinapasan nya sa Diyos hinihiling nya sa Diyos na tulungan sya sa bigat ng pasanin nya dahil nahihirapan na syang mag-isa.

pasensya na po kung nagsasalita ako ng ganito dito na para bang napakatatag ng pananampalataya ko. isa rin po akong makasalanan at hindi ko alam kung kakayanin ko nga yung ganyang pasanin. pero naniniwala ako sa bawat pangako ng Diyos sa atin, wala itong pipiliin, makasalanan o banal. dahil lahat tayo nilalang nya... anyway sana nga lang hindi ko mapag-daanan yang ganyang pagsubok sa buhay. salamat po sa pagbabasa.

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: Help: Life Support
« Reply #10 on: June 26, 2011, 03:16:02 pm »
PCSO bro.... agahan lang sana ang pila... basta kidney dialysis, parati supported ng PCSO yan. sa harap mismo PCSO, nandun na bbraun... halos lahat PCSO clients nila...