Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Natagis Gang!!!!  (Read 12741 times)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Natagis Gang!!!!
« on: March 02, 2011, 10:45:32 am »
Mag ingat sa mga "Natagis Gang"!!! Kwento ko sa inyo experience ko kanina.
Pupunta ako sa bahay ng GF ko para may ibigay akong bagay. I was driving my car when after 15meters crossing the intersection ng may kumalampag na malakas sa gilid sa may side mirror ng kotse ko. Huminto ako at tumingin sa side mirror ko, sa kalsada may nakahigang tao na natagis ko. Nilapitan ko ito at pagalit na sinabi na "di ka ba tumitingin sa tatawiran mo?" at sabi nya " pasyenya na ho nag mamadali lang kc ho ako" may lumapit na dalawang lalaki at sinabihan ako na dalhin ko sa hospital. So sinabi ko na dalhin ko sa pinaka malapit na public hospital mga 50meters lang ang lapit pero nagmakaawang tumangi ang natagis at ang dahilan nya ay sobrang tagal daw tumingin dun at di nya na kaya ang sakit at sinabi na dun na lang sa private ko sya dalhin na malapit lang din dun sa pinangyarihan na accident. Dahil na rin sa awa at pagiging kabado ko pumayag na rin ako. Pagdating namin dun sa hospital naghintay kami ng doctor at x-ray technician. Habang naghihintay kami ay lumabas ako para tumawag sa bahay namin, at biglang lumapit yung security guard at nagtanong kung napa barangay ko na daw ba yung yung kaso. Sabi ko di na kailangan dahil papagamot ko naman. Sabi ng guard "Boss ireklamo nyo ho yan sa barangay kasi ho madalas naoospital dito yan , laging natatagis ng sasakyan!" Biglang nag init ang ulo ko gusto kung suntukin pero kumalma ako at nag isip nang paraan kung ano ang dapat kung gawin dito sa scam artist na to! Una kinausap ko yung doctor at sinabi ko ang racket nung taong natagis kaya pina hold nya yung x-ray at sinabi na lumipat sa ibang hospital para ma x-ray. Pumayag naman ang mokong, bago kami umalis kinuha ko yung name nya sa chart ng hospital at lumipat kami sa isa pang malapit na hospital at nauna akong bumaba at para sabihin dun sa mga staff ang racket. Na ang kailangan ko lang ay makuha yung name nya para ma confirm ko nga kung yun yun tunay nyang pangalan at sabihin na wala rin mag x-ray sa kanya dun. Pumayag naman sila at lumapit yung nurse na lalaki at kinuha yung info nya. Nang bumalik yung nurse sinabi sa akin na "galing na din ho kaninang mga 4pm yan dito na iika ika rin!, wala lang din yung doctor na hinahanap nya kaya umalis din". Nung kinuha ko yung name na binigay nya sa nurse ibang pangalan ang binigay nya kya na confirm ko na con artist to! Kaya tumawag ako sa barangay namin at sinabi ko yung nangyari sa akin kaya sinabi nila na dalhin ko daw dun at sila na ang bahala. Kaya sinabi ko dalhin ko sya sa ibang hospital at pumayag ang mokong, pero di nya alm sa barangay ko sya dadalhin. Mukang di nya kabisado yung lugar namin kaya madali ko syang nadala sa barangay at nagulat na lang sya nang humintto kami dun. Agad akong bumaba at nag pagbaba ko nka ready na yung mga tanod para ibaba sya. Nung nasa barangay na kami nagdrama dun na mamamatay na sya sa akit at kailangan nyang dalhin sa hospital para magamot at sya daw ang biktima . Kay sinabi ng brgy. captain na dalhin sya sa public hospital na dapat dun ko syang unang dadalhin. Nung nandun na kami nagulat yung mga security guard dun at sinabi dun sa natagis ko na mokong na "Nandito ka nanaman? Kagabi natagis ka ngayon natagis ka uli? ang malas mo naman!" Kaya pala ayaw magpadala dun sa pinaka malapit na hospital e galing na pala sya dun at kilalla na sya! Kay dinala na sya sa police station, dun iba naman name ang binigay nya, pinakita yung mga chart ng hospital na may binigay syang iba iba pangalan para mapatunayan na nag sisinugnaling sya. Kaya kinulong sya dun at sabi ng mga pulis kung papademanda ko daw ba kasi daw kung hindi mga 3 araw lang daw e papakawalan din nila iyon. Wala namn akong malaking pera para maidemnda at ano na man ang mapapala ko di gastos at mag ubos ng oras at panahon. Lesson dito pag na experience nyo ito dapat calm lang kayo, be sure na lock yung kotse nyo pagbaba nyo kc pwede kayong masalsihan kung may mga kasama. Wag nyo rin isakay sa kotse yung nabanga, iskay na lang sa tricycle o taxi at sundan nyo na lang hanggang hospital kc baka pag sinakay nyo holdapin o carnapin pa yung kotse nyo! Pangatlo pag na experience nyo ito at nasa hospital na kayo magtanong tanong kayo kung pamilyar ba sila dun sa taong natagis nyo para makasigurado na di con artist yon. Pang apat dapt pag may natagis kayo sa public hospital nyo lang dalhin kc sobrang mahal sa private lalo na kung gabi at emergency! times 3 ang singil nila kc ang dahilan nila e tatawagan pa nila yung doctor at mag x-ray! Sana mabasa nyo ito para aware kayo sa mga ganitong modus operandi!

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #1 on: March 02, 2011, 10:56:01 am »
Isa pa mga ka espiya ang mga modus nila ay mag iintay sila mga a few meters ng intersection kasi pag intersection mag miminor ka kaya dahandahan lang ang takbo mo. Pag mag accelerate ka na bigla silang tatawid at tatalon pa sipa sa fender mo para umulampon sila para mukhang nabanga mo talaga! Kaya pag sa may fender mo ang may tama mag suspetsa ka na bka scam artist yan!

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #2 on: March 02, 2011, 11:03:00 am »
salamat pare!!! kanina nag uusap kami ng mama ko sa kotse about dito.. usually target nila yung mga bagong kotse na bata ang nagmamaneho na-alarma ako pano ang dapat gawin sa gantong situation...  finger4u this is very informative...

ask ko lang.. saang lugar nangyari to?

2fear!

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6846
  • Karma 44
  • Gender: Male
  • Espiya - tapukanan sa DDS!
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #3 on: March 02, 2011, 11:05:48 am »
ok yan pre... karagdagang information yan laban sa mga krimenal...

mas maganda rin kung idulog mo yan sa bitag o imbertigador... para sila na bahala sa kaso...

para wala ka nang gasto magpakaso...

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #4 on: March 02, 2011, 11:17:52 am »
salamat pare!!! kanina nag uusap kami ng mama ko sa kotse about dito.. usually target nila yung mga bagong kotse na bata ang nagmamaneho na-alarma ako pano ang dapat gawin sa gantong situation...  finger4u this is very informative...

ask ko lang.. saang lugar nangyari to?

Bulacan ako sir medyo malapit na rin kami ng Manila kaya dito naman sila nang bibiktima.

waldner

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 541
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #5 on: March 02, 2011, 11:18:52 am »
The best niyan Sir ay huwag bumaba sa kotse especially kung sa gabi nangyari ang incidente. Huwag mong problemahin yung sinasabi nilang "failing to lend a  hand on the victim" kasi ang consequence lang niyan ay a higher degree increase lang sa penalty at saka there are exceptions, like endangering yourself, or looking for immediate medical assistance, etc.

Basta ang importante ay huwag agad bumaba at hintayin na me pulis/traffic enforcer na lumapit. Text/Call agad sa mga kamag-anak regarding the incident and your whereabouts. Kung me kaso huwag mag atubili na harapin lalo na pag legitimate naman yung incident. Yung mga gumagawa ng modus, takot yan sila sa kaso at magpunta sa police station not unless kung ang rumaraket ay mga pulis mismo.  ;D

Buti nalang wala na akong kotse. Mas nakakatipid mag commute :P


I am the captain of my ship; I am the master of my soul.

matadoramba

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 175
  • Karma 0
Re: Natagis Gang!!!!
« Reply #6 on: April 11, 2011, 11:56:00 am »
 finger4u

Informative indeed..

Ako bro, nagmamaneho one time tas may cumut na single na motor sa unahan ko tas nag patihulug.. wayback 2 years pa yun, wala pa akong license kaya dali dali ako tumakbo.. alm ko kase na scam lang den yun, kung sa pulis e talo ako dahil wala ako license.