Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: proliance consultancy & migration svcs.  (Read 11998 times)

palaboy08

  • James Bond Fans
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 3
  • Gender: Male
proliance consultancy & migration svcs.
« on: February 09, 2011, 12:15:13 am »
pahingi naman po mga ka espiya ng mga input tungkol dito.im planning kasi na kagatin ang ino offer nila na palakad(sila na bahala sa lahat ng mga papers na kailangan) para sa u.s visa as an tourist.b1 and b2 visa daw  tapos work daw as an volounter caregiver(homecare) for 6 months.
ngayon kung sino naman po ang may kakilala na dumaan din dito,ang tanong ko is totoo kaya ang mga sinasabi nila na may trabaho doon for 6 mos then balik pinas tapos nakabalik din uli sa us(sa dating pinagtrabahuan).or may nakuha pa rin na trabaho nang sya'y bumalik uli sa us.sana ay may makapagbigay linaw tungkol dito,malaking pera din kasi ang involve eh.salamat....

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #1 on: February 09, 2011, 12:56:52 am »
pakilinaw naman, ano offer nila sayo? as i understand it iaaply ka ng B1/B2 tourist visa for entry tapos 6 months work and after that ano na? magkano ang singil nila

clickaway

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 395
  • Karma 9
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #2 on: February 09, 2011, 02:22:47 am »
ang alam ko ay ang tourist bro ay hindi puwede kahit kailan na mag trabaho. at bago ka makakuha ng b1/b2 visa ay mag uundergo ka ng interview sa embassy. mukhang malabo yan na sasabihin nila na sila na bahala,. para sa akin scam yan. and ang tourist ngayon ay usually ay 3 months lang ang binibigay.

ingat pre wag na wag kang mag lalabas ng pera.

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #3 on: February 09, 2011, 02:41:41 am »
kaya nagtataka ako "Work as a Volunteer"? magshell out ka ng malaki to get a tourist visa tapos pag punta mo sa US volunteer na walang sweldo? ano yun? TY? the fact is BAWAL magwork as a tourist sa US and if you are caught deport and blacklist ang uwi mo

eto na lang nung december pumunta ako dito sa california sa parents ko, i get held up sa immigration/dept. homeland security kasi 4th yr ko na ito since 2007 na i stay 6 months here, and last 2009 dec15 ako dumating and dec15 din ako dumating now, ginisa ako ng DHS officer parang sa movies, he was so good that i felt i was doing something wrong kahit wala naman ako ginagawa mali, they wanted me to admit i work here pero i dont

fact of the matter is maraming ganyang offer sa pinas na suntok sa buwan na believe me sa higpit nila ngayon delikado na yan tapos sabi mo malaki singil


palaboy08

  • James Bond Fans
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 3
  • Gender: Male
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #4 on: February 09, 2011, 03:26:54 am »
ang inaalala ko lang doon just in case na ma approve ako ng visa eh kung ano ang kakahinatnan doon pagkadating baka naman balik agad dito sa pinas.or sabi 6mos stay kaso baka naman 2 or 3 mos palang eh pauuwiin ka na.di pa bawi ang mga ginastos.
ayon sa pagkakasabi sa amin sa orientation nang mag inquire kami eh,palalabasin daw navolunteer caregiver(homecare) with allowance na 30-40$ a day free food and lodging for 6mos.tapos may sinasabi pa na magiintay muna ng sponsor kumbaga employer from us bago ka maka line up sa list nila for application.kung may sponsor na eh saka pa sila tatawag daw para maumpisahan na ang paglalakad ng mga papers for us visa application.kasama na doon syempre iyong down payment na nasa 50k.di pa kasama ang bayad sa visa na nasa 6k+.ang magagastos siguro dito ay nasa 200k  ala pa ticket.

paki search na lang po proliance.for more info.
salamat....

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #5 on: February 09, 2011, 04:08:48 am »
1) pag dating sa port of entry walang kasiguraduhan kung ilang buwan ibibigay sa i-94 mo or entry, pwedeng 6months max or pwedeng 1 day lang, lahat yan ay nakasalalay sa immigration officer at sa mga tanong nya sayo, pag nagkamali ka ng sagot at pinagdudahan ang intentions mo tapos na, papauwiin ka na, again BAWAL MAGTRABAHO USING A TOURIST VISA

2) ok lets say may sponsor ka, anong petition ang gagawin sayo? working or immigrant? ano ang basis ng petition? sobrang higpit ngayon dito pagnahuli ka deport agad at sayang ang ginastos mo, maraming gumagawa ng ganyan dito at marami ring nahuhuli

3) caregiver? they failed to mention KATULONG noh? madaming ganyan ang nauuwi caregiver sa pasyente tapos nagging katulong ng mga kamaganak

4) after 6 months ano na? yun yung malabo eh, after the 6 months ano uuwi ka na sa pilipinas? $40x183 days na nandito ka is $7320-$4545 na P200k na shellout mo = $2775 ang kinita mo or P122,100 after 6 months, as if kumita ka ng $462.50/month = P20,350 kung sa pinas mo trinabaho... provided hindi ka: lalabas ng bahay, wala kang bibilin, AT hindi ka magkakasakit dahil for sure wala kang medical insurance since tourist lang ang visa mo

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Re: proliance consultancy & migration svcs.
« Reply #6 on: February 09, 2011, 04:14:00 am »
para rin itong international student advisor (ISA) na nalagay sa news a few months ago dahil sa mga kinasangkutang problema sa mga naipadala nilang mga tao.  ang advice ko dito ay hanap ka na lng ng ibang paraan.  

wait, yung isang tao ba niyang PCMS ay medyo maliit na babae na blond ang buhok and from paranaque and tunog lalake ang name?  ha ha ha!  wala lang.  :)
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)