dati me computer shop akong pinapasukan diyan, ako kasi yung technician nila and at the same time ay ako rin yung nagbabantay... and yes same location din, sampaloc din!
may pumasok na limang binatilyo lang, nasa mga 14 yrs old lang ang age, and isang matanda na naka t shirt and short lang at naka rubber shoes
naghanap muna ng load, sabi ko walang load dito, pero naghinala na ako kasi yung mga porma nila nasa gitna sila lahat and single file, tapos yung isa humawak sa pintuan... then sabay bunot ng baril yung matanda and sabi walang gagalaw hold up ito sabay tutok sa ulo ko.... man, ganun pala feeling ng tinututukan ka ng baril sa ulo, nakaka black out kasi alam mo anytime isang galaw lang nya ng gatilyo sabog ang ulo mo...
so kinuha nila mga cp ng customers pati mga alahas, yung isang babae ayaw ibigay yung singsing niya kaya hinila ng binatilyo yung kamay niya, then parang alam nila kung saan nakalagay yung pera kasi pumunta agad sila sa table na may drawer, and yung phone pinutol nila yung line.... within a minute lang nakuha na nila yung mga cp at pera ng mga customers, then pinatayo nila kami at pinapunta sa isang side while shouting ng walang susunod kasi palabas na sila...
paglabas nila, yung isang customer nilabas yung cp nya at suwerteng hindi nakita sa kniya so tinawagan niya tatay niya, dumating agad yung tatay niya na may mga kasamang mga tropa na naka motor ( mukhang astig ) then kasama ako nilibot namin yung espana at recto at sampaloc hoping na makikita ko yung mga holdaper, kasi namumukhaan ko pa...
and eto pa ang masaklap.... bago dumating yung tatay na tinawagan ng customer, tumawag muna kami sa 117 and nireport agad namin yung nangyarin hold up sa shop, langya after ng 45 minutes nakita namin sa di kalayuan yung dalawang pulis, naglalakad na parang hindi nagmamadali, tapos tinanong lang kami ng " anong nangyari "?
sobrang inis ko nasabi ko tuloy, " wala kayong service sir? paano natin mahahabol yung mga holdaper eh kanina pa po nangyari yun? " hindi sila sumagot kasi mga mukhang tolongges yung mga pulis, tiyak pa nga siguro na kasabwat mga hayup na yun eh...
noon lang ako nakaranas ng mabagal na serbisyo ng pulis..... hahaha imagine nag report ka ng emergency tapos makikita mo yung reresponde naglalakad lang ng parang nasa luneta, at after 45 minutes pa bago dumating...
kaya naniniwala akong diyan sa bandang sampaloc maraming holdaper ng shop diyan, advice lang na yung see thru nilang mga pintuan ay wag nilang lagyan ng mga poster para kita ng mga tao sa labas ang nangyayari sa loob ng shop, mas madalas kasing puntirya ng mga ito ay yung hindi nakikita yung loob ....