Espiya

Espiya Investigation Agency => Isumbong sa Espiya! => : jpoks October 18, 2013, 10:03:26 AM

: LRT Balintawak Station
: jpoks October 18, 2013, 10:03:26 AM
After reading this morning news paper about sa MRT official na involve sa corruption, lalung nakaka inis na ganito ang mga taong inilalagay at inuupo sa mga ganitong posisyon. Ako pa ay laging sumasakay sa MRT Balintawak at ang CR po sa kalalakihan ay kaunos-unos ang itsura at kalagayan. May 3 cubicle at 5 urinals, 2 cubicle at 3 urinals ay sira at di magamit. Sa libo-libong sumasakay sa MRT at nag pupunta sa CR, 3 lang ang pwede mong gamitin! Mahigit nang 3 buwan ito! Yung dalawang urinals wala pang flush! at 3 buwan na rin na tumutulo ang mga pipes pagpasok ng CR. Matagal na ring sira ang elevator at escalator. Kawawa naman ang ating mga senior citizens at mga may disability sa pagpapahirap sa kanila ng station na ito. Sa DOTC, ito na ba ang pinaka magaling nyo na mailalagay para sa taga pamahala ng MRT station na ito? Kung ito na po ang the best na tao na mailalagay nyo, mag resign na din ho kayo! Sayang ang pa sweldo sa inyo ng gobyerno. You should give the people the best service and convenience, di puro humingi ng lagay ang ginagawa ng mga taga pamahala nyo. Bukod sa napaka bagal nyong kumilos, wala rin kayong pakialam sa mga costumers/commuters nyo. Kayo ang humihila kay Pnoy pababa. Sana po, makarating ito sa mga kinauukulan at para gumawa sila ng agarang aksyon.  >:(  >:(  >:(  >:(  >:(
: Re: MRT Balintawak Station
: nivrem68 October 18, 2013, 10:10:45 AM
meron bang mrt sa balintawak? LRT yata meron dun, yun mrt last station north avenue
: Re: LRT Balintawak Station
: jpoks October 18, 2013, 10:20:26 AM
Sorry sir LRT Balintawak
: Re: MRT Balintawak Station
: rodeo October 18, 2013, 10:55:33 AM
remember a few years back nag email ako sa kanila  asking them why the edsa lrt cr is closed for public use ang reply sakin for security purpose daw, meron naman daw cr sa lbas sa mga fastfood store... anak ng tokwa iihi ka lang security treat na  laffman:: laffman:: laffman::

kaya much agree ako na maging private na lang siya malamang mas efficient pa at baka sakaling bumaba pa singil nila....

ang mga nasa government kasi kung minsan kapal mukha may security of tenure kasi sila kaya dami tatamad tamad, hindi efficient kung private yan makita lang tamad tanggal agad.
: Re: MRT Balintawak Station
: pogingbagsik! October 18, 2013, 11:03:59 AM
imbis na makatulong ang mrt at lrt sa mga pasahero, mas naabala pa mga pasahero.. sa mrt edsa yung cr walang tubig , puro dura yung lababo ang panghi pa  :o sa mrt boni nman ganun din syempre, meron pang ticket booth at entrance/exit gate na hindi napapakinabangan na mas makakatulong para maiwasan ang mahabang pila.. elevator at escalator sira  >:( nakaka awa yung mga matatanda
: Re: MRT Balintawak Station
: xj2 October 18, 2013, 11:24:43 AM
Kung ipaprivatize ang LRT or MRT sigurado tataas ang pasahe.

Pili kayo? Sira ang CR na mura ang pasahe or Maganda ang Cr na mahal pasahe?  ::laffman

Just kidding lang.
: Re: MRT Balintawak Station
: tops October 18, 2013, 02:34:44 PM
subsidized daw kasi ang passengers, kaya no more funds for basic facilities!
: Re: MRT Balintawak Station
: praeto_RYAN October 18, 2013, 05:01:22 PM
subsidized daw kasi ang passengers, kaya no more funds for basic facilities!

i think meron namang budget for those things at for sure gumagawa naman sila annual budget for approval of higher-ups.  malamang pero ay naipit ang pondo sa taas pa lang kaya ganyan.
: Re: MRT Balintawak Station
: jpoks October 19, 2013, 01:27:53 PM
Ang di ko lang maintindihan, sa dami nang advertistment sa LRT na halos buong tren ay may naka advertise, saan napupunta ang mga binabayad dun? Pati na yung mga rent sa mga stalls sa loob ng Balintawak station? Lokohan na lang mga ginagawa nang mga namumuno dito. Ang masaklap pa wala man lang kumikilos at umaaksyon. Sana ma feature man lang to kahit sa Tulfo ng channel 5, para mapahiya mga nangangasiwa dito!  >:(
: Re: MRT Balintawak Station
: Kurimasu October 19, 2013, 07:38:53 PM
Ang di ko lang maintindihan, sa dami nang advertistment sa LRT na halos buong tren ay may naka advertise, saan napupunta ang mga binabayad dun? Pati na yung mga rent sa mga stalls sa loob ng Balintawak station? Lokohan na lang mga ginagawa nang mga namumuno dito. Ang masaklap pa wala man lang kumikilos at umaaksyon. Sana ma feature man lang to kahit sa Tulfo ng channel 5, para mapahiya mga nangangasiwa dito!  >:(

Take a picture o kaya video then isend mo sa Tulfo kapatid.
: Re: MRT Balintawak Station
: weng151515 October 19, 2013, 10:43:26 PM
palagay ko hindi nila pwedeng ikatwiran ang For Security Reason..dahil ang CR kasama sa service nila ..at pinag aralan na nila yan way back ng gawin ang LRT o MRT..