Pinaoperahan mo ba tonsils mo? (Sa medical circles tonsillectomy ang tawag dito at last resort na ito ngayon.) Dati kasi standard operating procedure na kapag may pamamaga ang tonsils (tonsilitis), tonsillectomy agad ang solusyon. Hindi kasi naintindihan ng mga doktor at scientists dati ang role ng tonsils sa buhay ng tao.
Pero ngayon alam na natin na parte ang tonsils ng immune system at sila ang nagbabantay sa lahat ng pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng bibig. Kaya kapag tinanggal ito, tataas ang susceptibility sa infection ng katawan natin sa mouth-borne germs (bacteria, viruses). Kaya last resort na ang surgery.
Ibilam, mabuti naman at magaling ka na. Pasensiya na sa late na reply at alam mo naman ang nangyari sa site na ito.