Last sunday, at around 7 pm, pauwi na kami ng family ko with my kids galing sa pasyalan. On our drive home, huminto yung sasakyan na nasa harapan ko kasi papasok xa going left sa garahe nila. Di agad maka left turn yung sasakyan since may mga kasalubong na sasakyan. Syempre tigil din ako. 1 to 2 seconds after ko huminto (full stop), may narinig akong kumalabog sa rear end ng sasakyan kong dala. At first, i thought nahagip ako ng isa pang kotse sa likod (habit ko tumingin sa rear view mirror). Kotse kasi ang alam kong kasunod ko. Nagulat ako, yung kotse na kasunod ko was a few meters pa ang layo sa likuran ko.
Bumaba ako ng sasakyan then dun ko nakita nakabulagta na sa likuran yung motor na sya palang bumanga sakin. To make my story short, dinala sa hospital yung driver ng motor, then may dumating na pulis to investigate. Sa presinto, dun ko na meet yung parents nung driver. Dun ko rin nalaman na sa lakas ng impact ng pagkabanga, may possibility daw na putulin yung paa ng driver kung di agad maooperahan.
Question ko lang, baka may nakaka alam...
1) liable ba ako dun sa nanyari dun sa driver?
2) humihingi ng tulong (not specific, maybe financially), yung parents nung driver, obligado ba akong magbigay sa kanila even though its very clear na kami yung agrieved party since kami yung binanga?
3) insured yung sasakyan sabi ng office namin (by the way, di akin yung sasakyan, company service yun) pero sabi ng pulis eh magbabayad pa daw ng participation fee. Pwede ko ba masingil yun dun sa driver.
Pasensya na kayo, this is may first time na ma involve s road accident kaya wala pa akong idea dito. Sabi ng kumpare ko, malamang daw habulin pa ko ng family ng driver if maging critical yung lagay ng driver. Salamat sa magrereply.