car shows? huwaw! at least dito sa uplb eh in-auction lang ang mga tsikababes, ahaha! well, iba na talaga ngayon, retired UP prof tatay ko at napansin din nya yun bago sya nagretire nun 2003, iba na trip ng mga students at iba na ang lifestyle, isa sa pamantayan namin ng lifestyle ng mga students ngayon eh ang simpleng pagbukas ng bote ng beer, nun time namin, mga taga Manila lang ang bumibilib pag makakapagbukas ka ng bote na gamit mo eh bote, lighter, kutsara, ngayon eh pati mga students dito eh bumibilib sa amin, pano, sa bar na sila nagiinom, bukas na bote pagdating sa kanila! tsaka nun time namin, monday and tuesday eh pwede beer, dami pa baon eh, wed eh tanduay o emperador, pagdating ng thur at fri eh walang kamatayang gin na kami, wala ng pera eh, susme ngayon, beer everyday, at sa bar pa so talagang mahal! well, ganun na talga yata magulang ng kabataan ngayon, malaki magbigay ng baon, ang di ko lang maimagine eh, pano na kaya pag makatapos mga yan? i am very sure na mas malaki pa ang baon nila kesa sasahurin nila sa unang trabaho, kahit na sa call center pa yan magwork, tsk tsk tsk, what's the world going
to!
naginquire kami ng gf ko sa colleges sa manila para sa utol nya, fallback ikanga kung di makapasa sa UP, the average tuition eh P25k yata, sabi ng dad nya eh ang mahal daw, sabi ko, sa ngayon yata eh ganyan na rin ang matriula ng 21 units na sem sa UP gawa pag minalas ka at di ka maka STFAP, scholarship o TFE, P1000/unit na ang matrikula, miscellaneous pa, deposit at etc. so ilagay mo ng P22k, di na nagkakalayo di ba? mejo matagal na rin na mataas ang matrikula ng UP ngayon, ang sabi nila eh para mapaganda ang facilities ng UP kaya tinaas nila ang tuition, based sa observations namin dito sa UPLB, puro aesthetics lang ang nagimprove, nasementuhan ang sidewalks, pathway at kung anu-ano, nalinyahan ang parking lots, the only evidence na nakita ko eh nabuhay nila ulit ang Old Chem Building na nasunog nun elementary pako (eh ang alam ko matagal ng may budget para dun) other than that eh ang nabalitaan ko sa mga brads at sisses ko na students eh ganun pa rin naman daw ang facilities na ginagamit nila, well, wish ko lang magamit nga sa improvement ang tinaas ng matrikula!
wish ko rin lang ayusin na nila ang sistema ng stfap na yan, ikanga nun taxi driver sa unang kwento, STFAK! si Cotobato Kid eh braket 3 (tama ba?) sabay yun taga dito sa subd namin eh braket 2, anak ng mamang may sugpuan sa mindoro??? braket 2?!?! (kanina ko lang nabalitaan nun knwento ko kay dad tong forum) mantakin niyo yun!? iimbistigahan ko nga kung gano katotoo, tsismis pa lang naman eh, pero di ako magtataka kung totoo!
The question remains, kamusta kaya ang QUALITY ng aral sa UP at this point in time? kamusta rin ang QUALITY ng mga students? kamusta na kaya sila? sana naman eh ok pa rin kahit pano!