Tanong lang po. Ano ba course kukunin para maging piloto? At kailangan pa ba ng 300 flying hours para mag ka lisensya? Ung Pats na ba bahala dun?
Q: Ano ba course kukunin para maging piloto?
A: wala namang required na kurso talaga para maging piloto, kahit nga tapos ka ng BS Nursing kung gusto mo maging piloto pwede! Yun nga lang, mas maganda talaga kung related sa aviation ang natapos mong kurso (BS Aeronautical Engineering, BS AirTranspo, etc.), mas advance ang knowledge mo sa aviation. . At syempre dapat maipasa mo yung mga basic requirements ng ATO to become a Private / Commercial Pilot.
Q: At kailangan pa ba ng 300 flying hours para mag ka lisensya?
A: Depende, pag private pilot license atleast 40 hrs. flying time pag commerical pilot license atleast 150 hrs flying time. Yung 300 hrs. malaki na yun, pero syempre the more hrs. the better!
Q: Ung Pats na ba bahala dun?
A: hindi po. yung natapos mo sa patts stepping stone mo lang yun, kailangan mo uli mag aral sa mga flying school like, PAL Learning Center, OMNI Aviation, World Aviation Flying School, Masters Flying School, etc. to become a private / commercial pilot. . . .