Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Sulat ni Tatay at Nanay  (Read 4027 times)

Queso

  • Chinita Inspector
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3278
  • Karma 30
  • Gender: Male
  • i ♥ chinita
Sulat ni Tatay at Nanay
« on: January 02, 2009, 08:08:22 am »
sinubukan kong mag search kung posted na to dito.. wala naman akong nakita kaya post ko na..



Sulat ni Tatay at Nanay

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina...



Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan

depektib

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 188
  • Karma 0
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #1 on: January 02, 2009, 08:26:34 am »
di ko makakalimutan ito finger4u

barj

  • robin-chwaan!!!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 136
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #2 on: January 02, 2009, 08:34:01 am »
sadyang dakila ang ating mga nanay at tatay  :D  finger4u




pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #3 on: January 02, 2009, 09:01:29 am »
basahin mo lang lagi ito pag medyo hindi ok ang relasyon mo sa magulang mo, sigurado matatauhan ka. very nice post.  finger4u

Jann Frost

  • Pronmeister
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3114
  • Karma 143
  • Rough over Mellow
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #4 on: January 02, 2009, 09:39:44 am »
parang ako yung anak na pinagsasabihan. it helps me realize na mas lalo na ako nagiging suwail na akong anak. ouch.

Queso

  • Chinita Inspector
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3278
  • Karma 30
  • Gender: Male
  • i ♥ chinita
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #5 on: January 02, 2009, 07:33:15 pm »
salamat nagustuhan nyo yung sulat.. medyo masakit talaga sa kalooban tong sulat dahil totoo..

CHILO20

  • Abysmal Chef
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1044
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • You are the reason why i fight and live on.
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #6 on: January 02, 2009, 08:11:34 pm »
ang tagal na ni2 naaalala ko pa ito nung retreat nung highschool

anyways thanks for reviving, sarap sariwain ng nakaraan, but remember wag tayong mabuhay sa nakaraan . hehe

 finger4u

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #7 on: January 02, 2009, 08:13:17 pm »
someone forwarded me this e-mail last year pa... and it was really touching. actually may kasama pa itong slide show plus a very touching music... nice post QUESO!  toast::

policarpio014

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 240
  • Karma 0
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #8 on: January 02, 2009, 09:19:49 pm »
ouuuccchh..sad but true! etong sayo bro. finger4u

chockies

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 539
  • Karma 2
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #9 on: January 18, 2009, 01:44:27 am »
Matagal na to.. Pero still pag nababasa ko. Tumatagos pa din sa puso ko. Though alam ko hindi naman ako naging suwail.
A Spy will always be a SPY :D

Makaldz

  • Anubis Warrior
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 903
  • Karma 49
  • Gender: Male
  • Pax et Bonum
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #10 on: January 31, 2009, 03:27:00 am »
may kirot sa puso ko. na-kokonsensya ata ako sa lolo ko. sana nga magiging mabuting apo na ako sa kanya.

Popoyyy

  • Inappropriate for Children
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 538
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • Shadow owes its birth to light.
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #11 on: February 01, 2009, 11:33:45 am »
nakaka touch at nakaka konsyensya  tong letter na to. ty ka espiya na nag post

Queso

  • Chinita Inspector
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3278
  • Karma 30
  • Gender: Male
  • i ♥ chinita
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #12 on: February 02, 2009, 12:14:24 am »
nakaka touch at nakaka konsyensya  tong letter na to. ty ka espiya na nag post

no problem bro.. ang masasabi ko lang di pa huli ang lahat.. sana habang nandyan pa sila mapadama naten na mahalaga din sila saten.. gaya ng pagpapahalaga nila nung bata pa tayo..  toast::

VeilSpy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1390
  • Karma 28
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #13 on: April 06, 2009, 09:59:29 am »
mga bro cheesy man ang dating pero naluha ako.. seryoso

sapul ako dito sa sulat nato

Queso

  • Chinita Inspector
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3278
  • Karma 30
  • Gender: Male
  • i ♥ chinita
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #14 on: April 06, 2009, 10:01:46 am »
mga bro cheesy man ang dating pero naluha ako.. seryoso

sapul ako dito sa sulat nato

ayus lang yan.. di ka nag iisa..  toast::

VeilSpy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1390
  • Karma 28
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #15 on: April 06, 2009, 10:06:43 am »
may mga bagay na ngyn ko lang naiintindihan, nung mejo batabata pa ako, kung paano ko tratuhin ang magulang ko ang nanay ko, si nanay ang mag isang nagtaguyod samen magkakapatid, ang tatay ko isang batugan, buhay pasarap at pasolo. salat man kami sa buhay nakikita ko gingawa lahat ng nanay ko ang magagawa nya para lang makapag provide sa amin lalo na sa akin. kasi ako ang bunso. bsta masama ang loob ko sa sarili ko.. may mga bagay akong ngawa gngawa na alam ko na nakaksakit sa nanay ko. inis ako sa sarili ko. sa katunayan nga bday ng nanay ko kahapon april 6, halos d ko saya batiin.. magkahiwalay kame nsa manila kasi sya. bsta inis ako sa sarili ko, kakainis wag nyo ako tularan smoking:: mahalin nyo mga magulang nyo ng todo lalo na mga nanay nyo

chirazpatrick

  • thoughts leads to feelings , FEELINGS LEADS TO ACTIONS , actions leads to results -- >(.)(.)
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1577
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • do you want some piss boy
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #16 on: April 14, 2009, 11:10:22 am »
na aalala ko lang ang mama ko ... I salute my mom  I proud of her
guys dont try to curse me bcoz this is only my opinion

brucewayne

  • the capecrusaider
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3558
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • isang Finger ka lang!
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #17 on: April 14, 2009, 11:41:26 am »
 finger4u para sa mga magulang ko.

kakashi915

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 693
  • Karma 4
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #18 on: July 05, 2009, 11:11:56 pm »
nice post  finger4u


ma send nga sa email

xeoxander01

  • Balikatan Participant
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1625
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Beware of half truths. You may get the wrong half.
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #19 on: August 07, 2009, 08:41:58 am »
na pa iyak aku dun ah..   finger4u

DigYourOwnHole

  • •Frog•Oblivion•
  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 62
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • •Frog•Oblivion•
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #20 on: August 07, 2009, 08:56:56 am »
astig to
sakit lang sa loob kasi hindi ako naging mabuting anak sa kanila

wolfpaq

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 177
  • Karma 0
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #21 on: October 11, 2009, 03:56:55 pm »
Naalala ko nung maliit pa ako around 6 to 8 y.o. . bigla akong naiyak dahil biglang sumagi sa isip ko na baka mamatay bigla ang mga magulang ko.

Bagay na hanggang ngaun ay kinakatakutan ko.

Nang dahil dito... Maraming salamat!

Naaalala kong muli ung mga masasayang panahon nung aking kabataan. Madalas din akong naging suwail at gahit ganon pa man, alam kong ako'y kanilang patuloy na minahal parin.

Sana habang buhay ko pa silang makasama at wala nang katapusan at mapagsilbihan pa sila.  Bagay na gusto kong hilingin at matupad bilang ganti sa kanilang walang sawang pag aalaga at pag aaruga sa akin.

 finger4u para kay mama at papa...



ram_aussie

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 204
  • Karma 7
Re: Sulat ni Tatay at Nanay
« Reply #22 on: December 02, 2009, 07:11:18 pm »
REminds me of this video.Don't know how to post video here eh.Pasensiya na mga bossing.
http://www.youtube.com/watch?v=5lMQjgl6pUs